Tangina, ang cliche (One Shot)

313 8 6
                                    

Tangina, Ang cliche

(A/N: Pasensya na! Title pa lang may mura na hahaha! XD Dedicated to Ate Rayne/pilosopotasya dahil gusto ko nang mag update siya sa JOA Mehehe XD Hello po :D)

UPDATE: Inedit ko nga po pala ito. I don't want to make Zed's story more clicher XD ENJOOYNESS IN READING!!

- - -

"I hate to say this pero.. I'm sorry"

"TANGINA GAGO! SORRY SORRY KA DYAN TANGNA LANG YAN! BOBO MO! BWISIT!"

Sinigaw sigawan ko pa siya. Nakakainis na eh. Hindi ba niya nakikita?! Mahal na mahal siya ni Jed?! Putek yan! Mas pinili pa niya yung ulol na yun. Tangna talaga.. Ang cliche lang

"Hoy! Zed, baka mamaya akalain ng mga kapitbahay natin nag aaway tayo" sigaw sakin ng ate ko

"Eh nakakabanas eh!" sigaw ko sakanya pabalik. Kinuha ko ang isang bowl na nakalapag sa mesa sa harapan ko at kumuha doon ng popcorn at nginuya ito. Ansarap lang tusukin ng mata nung babaeng yun. Hindi ba niya makita?! Bulag eh

Oo, nanunuod ako. Hindi ko alam yung title at wala na kong balak pang alamin yun. Nakakagago lang 'tong palabas na 'to

"Tapos na ba?" tanong ni ate na hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala habang ipinupunas ang dalawa niyang kamay sa shorts niya. Siya kasi ang nakaatas ngayon na maghugas ng mga pinggan

"Oo. Ang tanga nung babae" sabi ko kaagad habang ngumunguya pa din at hindi inaalis ang tingin sa tv

"Hala sayang naman" sabi niya nang nanlulumo. Lagi niya kasing ikinukwento ang palabas na yun sakin pero hindi ako nakikinig. Ang corny kasi. Ang totoo niyan, pinilit niya lang ako manuod ngayon. Wala naman akong magawa kasi walang internet ngayon. Epal kasi si ate eh. Inubos kanina yung load

Napansin kong tumingin saakin si ate pero hindi ko pinansin. Nakakabwisit kasi talaga e. Ilang minuto na ang lumipas at tumingin na din ako sa kanya

"Anung tinitingin tingin mo dyan?!" ngumiti siya tapos umiling. Baliw lang

"Tss, ge tulog na ko. Napakawalang kwenta niyang palabas na yan" sabi ko at umalis. Napahinto ako sa paglalakad ko sa itaas nang may makalimutan ako

"Yung popcorn pala, lasang panis" narinig kong tumawa ang ate ko. Minsan talaga hindi ko maintindihan kung magkadugo ba talaga kami o half abnormal siya

- - -

Gumising ako. Tumingin ako sa orasan.

Takte 6:30 na

Pero hindi ako sisigaw at magmamadali. Tangina, ang cliche. Pacool akong tumayo at ginawa na ang mga dapat gawin. Syempre alam niyo na yun

Nakarating ako sa school. Ayos, lahat sila nasa classroom na. May natanaw pa kong babaeng tumatakbo at hindi niya sinasadya kuno na mabangga yung lalaking paparating. Sinigaw sigawan niya yung lalaki na bakit daw pahara hara sa daan. Sinigawan din nung lalaki yung babae na dapat daw kasi tumitingin sa dinadaanan. Tangina, ang cliche

Hindi ko na sila pinanuod dahil alam ko na kung anong mangyayari sakanila. Magiging magkaklase sila tapos seatmate, magbabangayan araw araw hanggang sa maging one sided love. And the story goes on.. blah blah blah

Pumasok ako sa classroom. Umupo sa upuan na parang hindi ako late. Tiningnan ako ng teacher namin. Pati ng mga kaklase ko. Napabuntong hininga na lang ako at badtrip na badtrip na tumayo at sinabi ang mga dapat sabihin

"I'm sorry I'm late" tumango ang guro ko at umupo na ako

Tiningnan ko ang katabi kong babae. Ang bestfriend kuno ko daw. Tangina, ang cliche

Syempre alam niyo na kung anong mangyayari hindi ba? So, tapusin na natin 'to. 

Nagkagusto ako sakanya kaso siya may gusto sa iba. Tangina, ang cliche

Naging sila ng gusto niya pero ako nganga. Tangina, ang cliche

Niloko siya ng boyfriend niya kaya naging ex na niya. Tangina, ang cliche

Kinomfort ko siya syempre, mahal ko e! Tangina, ang cliche

Sabi niya mahal pa din niya yung ex niya kaya ako eto.. hinihintay siyang makamove on. Tangina, ang cliche

Dumaan ang panahon pero parang kaibigan pa lang din ang tingin niya saakin. Tangina, ang cliche

Ni hindi ko masabi sakanya na mahal ko siya. Mahal na mahal. Tangina, ang cliche

Ang sarap lang magmura. Tangina.

Lumipas ang ilang taon, nagkahiwalay kami ng landas. Nagkita kami ng reunion after 10 years.

Dito ko binabalak na sabihin na lahat sakanya

Namumuti ang kaniyang damit at tila balot na balot

Nag madre pala siya..

!#$%^&*(, bago yun ah.



Tangina, ang cliche (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon