4th year student ako. Napakasaya ng school year na to para sakin lalo na nung makilala ko si Janice. Ang babaeng nag bigay sakin ng inspirasyon na maging mabuting estudyante. Ibang iba ko nung wala pa siya sa buhay ko. Binago niya ko. Napaka gandang ehemplo niya para sakin. Girlfriend ko siya at mahal na mahal ko siya.
Kaya nag aral ako ng mabuti para sa magandang future ko pati na rin sa future na mapapangasawa ko. :")))))))))) Siya na lang din naman ang dahilan kaya nag pupursigi ako sa buhay ko. Mag isa na lang kase ko, namatay na kase yung mga parents ko last last year. Mag isang anak din kase ko. Kay tita ko nakatira ngayon pero wala din naman siyang pakealam sakin eh. Si Janice lang naman ang may pakealam sakin.
Tuwing break time lagi kaming magkasabay, halos lahat na ata ng bagay ginagawa namin ng magkasama. Lagi din akong kinikilig pag magka hawak kami ng kamay, ang babaw ko no? Siguro nga mababaw ako lahat kase ng ginagawa niya kinakikiligan ko. Lalo nga akong tinatamaan sa kanya pag ngumingiti siya, pag nginingitian niya ko! :3 First girlfriend ko kase siya. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Yung may nag aalaga sayo. <3
Lahat ng bagay pinag dadaanan ko ng kasama siya. Siya yung nag bibigay ng lakas sakin sa pang araw araw. She's my strength yet my weakness. Di ko na kayang mabuhay ng wala siya sa tabi ko. Oo nabuhay ako ng matagal na panahon na wala siya, mas maganda sigurong sabihin na mas masarap mabuhay na kasama siya.
Dahil sa kanya naging active na din ako sa school. Lagi na kong nakakapasa sa mga exams, quizes, tumaas din yung grade ko sa mathematics mahina kase ko dun. Di na din ako nag ka cutting classes. Siya ang dahilan ng lahat ng to, para sakanya tong medal na tanggap ko. Nag improve ako dahil sa kanya. Iniba niya ang buhay.. She complete's me. She's my everything.
Madami ng nag iba sa buhay ko...... Sa sarili ko, gumanda ang buhay ko ng dahil sa kanya.
Maraming bumilib, namangha sa malaking pag babago ko syempre madami din ang nag taka at di makapaniwala. Napaka tarantado ko kase nung wala pa siya sa buhay ko. Ganito pala yung feeling pag nag mamahal ka no? Halos araw-araw at gabi-gabi kang nag dadasal na sana siya na nga yung para sayo, yung makakasama mo hanggang sa pag tanda mo yung makakasama mo habang buhay. Sana siya na talaga yung nilaan para sakin. Ayoko ng mahiwalay pa sakanya. Mahal na mahal ko siya, sobrang mahal ko si Janice..
Kamuntikan na kong ma kick out sa lahat ng mga subjects ko buti na lang dumating siya sa buhay ko dahil sa kanya nagkaroon ako ng lakas na loob na mag bago. Inspirasyon ko siya. Dahil sa kanya kaya ako nag bago. Siya lang wala ng iba.
Hanggang dumating ang araw na..............
Ang daming nag bago. Ang daming nag bago sa kanya, wala akong idea sa nangyayari. Madalas niya na kong hindi kinikibo. Ayaw na kaya niya sakin???
Hindi na siya pumapasok sa school di ko alam kung saan siya nag pupunta. Di naman siya ganun dati. Masipag siyang pumasok, honor student pa nga si Janice. Matalino siya at mahusay sa klase.
Minsan pinuntahan ko yung room niya. Tinanong ko yung adviser at mga classmates niya. Wala din daw silang balita kay Janice. Nasabi din sakin ng teacher niya na bumababa na yung mga grades niya. Ano kayang problema???
Gusto kong maka usap si Janice ngunit walang pagkakataon........
Pag pumupunta ko sa bahay nila lagi siyang wala.
Lagi ding naka off ang phone niya.
Ano bang nangyayari??
Bat nagka ganun siya?
Isang beses naka salubong ko siya. Agad agad ko siyang hinabol para maka usap ko siya. Naka tingin lang siya sakin.............. Nag simula siyang umiyak.
Ang bigat bigat ng dinadala niya naramdaman ko yun nung mga oras na tinignan ko siya sa kanyang mga namumugtong mata.
Parang hirap na hirap na siya sa nangyayari..
Tinanong ko siya........
Ano bang nangyayari?
Anong problema?
Bat ka biglang nag bago?
Hindi siya nag salita. Hindi niya ko iniimik. Maski isang salita di niya sinubukan. Tumakbo lang siya paalis para siyang takot na takot!
Bakit??? Tanong ko sa sarili ko. Alalang alala na ko sa kanya.
Wala akong kwentang boyfriend pagsisi ko sa sarili ko.
Bat di ko siya matulungan?
Ang dami niyang nagawa para akin. Pero bat ganun?
Wala ba siyang tiwala sakin?
Bat hindi niya masabi sakin ang problema niya?
3rd week of thursday february ng may nangyari sa school.....
Tandang-tanda ko pa huwebes ng umaga nun. Sobrang daming pulis, lahat ng mga tao nagkakagulo pati mga teacher's gulat na gulat sa nangyari.
Dahil sa sobrang bilis kumalat nang balita........
Habang papasok ako sa malaking gate ng paaralan namin....
Narinig ko ang pinag uusapan ng mga babaeng kumpol kumpol malapit sa guard house.
Meron daw trahedya! 4th year student na babae ang nakita sa cr ng building namin......
Nag bigti daw yung babae!
May kakaiba kong naramdaman nung marinig ko ang balitang yun. Hindi ko alam kung bakit, basta dali dali akong tumakbo papunta sa nasabing pinangyarihan ng aksidente.
KINAKABAHAN AKO......
At nung nilabas na ng mga pulis..........
Laking gulat ko sa nakita ko....
Si Janice.......
Si Janice yung buhat buhat nila.....
Di ko matanggap ang nangyari! PANAGINIP LANG BA ITO?!
Nag tapat siya sa sulat niya sa dingding............
"I WAS RAPED BY MY FATHER......" -JANICE
Para akong namatay nung nabasa ko yun! Wala akong alam! Napaka walang kwenta kong tao! Galit na galit ako sa sarili ko! Bakit nangyari to!!!!!!!!!!!!!
Gusto kong sumigaw! Gusto kong magwala!
Hindi ko parin matanggap lahat ng nangyayari!
HINDI TO TOTOO!
Mag isa na lang akong mag ka college?
Pano yung mga plano namin?
Bat ngayon niya lang sinabi?
Bat hindi niya pinaalam??
Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.............
Nag dudugo yung puso ko! Hindi ko ata kakayanin lahat ng to! Ang sakit Lord! Ang sakit sakit!
Namatay siya ng wala akong alam......
Napaka sakit para sakin nun!
Boyfriend ako ni Janice........
WALA MAN LANG AKONG NAGAWA PARA SAKANYA.......
Walang araw na hindi ko siya naiisip. Na kokonsensya ko!
WALA AKONG NAGAWA EH.
NALAMAN KO LANG LAHAT NUNG MGA ORAS NA NAG PAKAMATAY SIYA......
Graduation na! Gusto kong mag pakamatay! Na iiyak ako. Umiiyak talaga ko! Ang hina hina ko. Wala na ang lakas ko. Wala na si Janice, wala na ang babaeng kumompleto ng buhay ko.
Matatapos na ko ngayon sa kolehiyo. Na daladala ang mga masasakit na alaala nung high school ako.
Dennis.