Chapter 1

2 0 0
                                    

What if kung may boyfriend ka na then bigla mong malalaman na engaged ka ?

Anong gagawin mo?

Sino ang pipiliin mo?

Ang mahal mo na hindi mo kayang ipaglaban o ang taong laging nandyan na handa kang damayan?

Pero paano kung hindi ka makapili?

Paano kung ang tadhana na ang magdedesisyon?

Tatanggapin mo ba kung sino man sakanila ang ibibigay sayo ng tadhana?

----------------------------------------------

Hi! Ako nga pala si Maxine Angel Lazaro. 16 years old 4th year highschool. And I'm a little bit boyish. Inadapt ako ng tita ko sa that's why Lazaro ang last name ko instead of Santiago. Simpleng babae lng naman ako. Isa akong KPOP Fan kaso di ako sinusuportahan ng parents ko oh scratch that mga tita ko pla na kumokontrol sa buhay ko. Simpleng pamilya lang naman kasi ang tita ko pero pinagaaral nila ako sa isang pribadong eskwelahan. Nagpapasalamat ako dahil inampon nila ako syempre alam ko naman na kapag di nila ako kinuha di ko na alam ang buhay ko ngayon. Pero minsan nakakasawa na rin eh. Masyado kasi silang mahigpit. Nakakasakal. As in. Yung may lakad kayong magkakaklase ayaw nila. May lakad kami ng mga pinsan ko ayaw din nila. Ni kahit gala nga namin ng mga kapatid ko ayaw nila. Sobra naman yun diba?? Nakakainis to the point na ultimo pananamit ko pakekealaman nila?? Kaya parang nawawalan ako ng kompiyansa sa sarili kasi imbis na iencourage nila ako dinadown pa nila. Kaya parang sinusuway ko na rin sila. Nakakabanas na rin kasi. May isip naman na ako ah. May utak. Sana naman maisip din nila na sariling buhay ko ito. Sana di naman na sila makealam sa mga bagay na ako lang sana ang may karapatang kumontrol.

*knock knock*

"Pasok!" sigaw ko. Nandito kasi ako sa kwarto ko nababasa ng libro.

"Bes! Magoovernight ako dito! Yes!!" nagulat ako ng may biglang sumigaw. Si Aira lng pala. Magoovernight nanaman dito.

"Tss. Ano pa bang magagawa ko? Nandito ka na." harsh ba?? Ganyan ako sakanya eh.

"Tulog na tayo bes!! First day of school n bukas!! Sana may pogi tayong makita!" ang daldal talaga nitong babaeng to.

"Oo na!! Matutulog na!! Basta wag ka nang dumaldal jan!!" sigaw ko rin sakanya. Pagkatapos nun natulog na kami..

*KINABUKASAN*

*kring kring*

Nagising ako sa alarm clock na nasa side table ko. Pagtingin ko sa katabi ko tulog pa siya.

"Hoy! Gising na!" sigaw ko sa mismong tenga niya.

"Ano bayan Max! Nabasag eardrums ko dun!" sigaw rin naman niya saken

"Sorry naman! Ang hirap mo kayang gisingin!" bawi ko sakanya.

Tumayo na ako papuntang banyo. Nang biglang siyang sumigaw ulit.

"Hoy! Bilisan mong maligo malalate tayo! First day of school pa naman ngayon!"

Hayy. First day of school nanaman. Ano kaya ang mangyayari this year? Transferee kami. Galing kami sa Luna International School pero lilipat kami this year sa Rouis International School. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako. Naliligo rin kasi si Aira.

Nang matapos na si Aira maligo sumunod na rin ako. Pagkatapos namin magpalit ng uniform bumaba na kami para kumain ng breakfast. Nandun si Mom.

"Good Morning Ma!"

"Good Morning Tita!"

Bati namin ni Aira . Nakaupo na kasi si Mama/Tita sa lamesa at nakahanda na rin ang almusal.

"So, first day of school. Pakabait kayo ha?" ayan na magsisimula na ang sermon. Ahuhuhu sawa na ako. Ayoko na.

"Pagbutihin niyo pagaaral niyo at wag muna kayong magboboyfriend o kaya makikipaglandian sa mga boys dun. Okay?!" Sabi na eh. Jan nanaman mapupunta. Pustahan papunta na yan sa buntis. Hahahaha paranoid si mama eh.

"Wag niyo kong susubukan. Pag nalaman kong may boyfriend oh kaya'y lumalandi kayo kakalbuhin ko talaga kayong dalawa! Baka mamaya malaman ko na lang na buntis na ang isa sainyo? Ay makakapatay ako!" Oh diba? Ang OA niya sa totoo lang. Nakakabanas. Ganda na ng araw ko kanina nasira nanaman. Wala kasing tiwala saken si mama kaya ganyan. And it hurtch. Seryoso nasasaktan ako. Alam ko naman kasi ginagawa ko. Di naman ako ganun na babae. And alam ko naman na I'm still young for that thing. Naks. English.

Pagkatapos nang walang sawang panenermon samen ng mama/tita ko. Nakarating na kami sa school. As usual commute ang peg namen. Malapit lng naman kase mga 8 mins lng pag di traffic.

Nang naglalakad kame papuntang bulletin board para makita ang sched at room namen may nakabangga saken sa sobrang lakas napaupo pa ako.

"Ouch!"

Liningon ko yung nakabangga saken dahil hinihintay ko siyang magsorry kaso wala akong marinig kaya tumayo ako at hinarap siya.

"Anong---!?"

Wtf. Shet ang gwapo. Tangina ang puti niya. Ang perfect ng kilay niya. Mas perfect pa kesa saken. Yung mata niya ang ganda tas ang hahaba ng pilik mata niya. Shems. Ang tangos ng ilong kakainggit. Tas yung lips niya. Tae. Ang pula naglipstick ba tong lalakeng to? Saka. Shet. Kissable lips. Omj!!

"Ang tagal ha? Nangangawit na ako. Tapos na ba ang pagpapantasya mo sa mukha ko?" shet. Bat ganun ang gwapo pati boses niya.

"Ah... Ano... Yabang mo! Di ko pinagpapantasyahan yang mukha mo noh! Panget mo kaya!" sigaw ko sakanya.. Boyish ako pero tae sobrag gwapo nitong asa harap ko. Kung di lang mahangin eh.

"Tss." singhal niya saka nagwalkout. what?! Ganun lang yun? Di man lang magsosorry. Tae. Gwapo na sana panget naman ng ugali. Hmmpft.

"Tara na nga Aira! Malelate pa tayo!"

Nang makarating kami sa classroom umupo kami ni Aira sa dulo dun sa malapit sa bintana. Pumasok naman na yung teacher kaya di na kami nakapagdaldalan ni Aira.

"Okay class. Can you introduce yourself one by one. Oh by the way I'm Miss Cristina Montenegro. Okay so mauna ka na." Tinuro niya yung mga students na nasa harapan. Buti na lang nasa dulo kami. Maganda si Maam at sa tingin ko mabait siya pero medyo nafefeel ko na kapag nagalit to eh grabe.

"Hi! Ako nga pala si Aira Michelle Gomez. You can call me Aira or Mich. Nice to meet you."

Pagkatapos ni Aira tumayo na rin ako para magpakikilala sa harap.

"Hello! Ako nga pala si---"

"Mr. Gonzales! You're late!" ay bastusan! Maam naman eh.

----------------------------------------------------------------
Thanks for reading ! :) I don't know if this is a cliché story cause this is my first time to make a story kase eh. Pasensya na kung sabaw ang first chapter. Try kong bumawi sa susunod na chapters. Thanks!

Facebook: Angel Salagubang Park
                   Chanseul Jung Won
Instagram: @parkeuuuuu_
Twitter: @xxanneghelxx

I Will Always WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon