FIANCE?!!:

0 0 0
                                    


Third persons POV

Ah! Nakaka asar na tong lalaki na to!! Paulit ulit!

"Ano ngang pangalan mo?"

"Bakit ba?! Hindi mo na kailangang malaman!"

Pilit na kinukulit ni Clarence si sarah. Gusto kasing mapalapit ni Clarence kaya nangungulit ito.

"Anong hindi kailangan? Gusto kong makipagkaibigan sayo!" Muli niyang pangungulit.

"Tinanong mo ba ako kung gusto kong makipagkaibigan sayo?" Taas kilay na tanong niya.

Natahimik si clarence, ang sungit talaga niya! Paano ko kaya siya paaamuhin? Napakasungit kasi eh.

====≠≠====

Samantala.Katabi ngayon ni kyle ang babaeng nakabangga kanina lamang. Mukha itong seryoso sa pag aaral dahil nakasalamin ito at tutok na tutok sa kanilang guro. Hindi manlang siya nito tinitignan. Mukha siyang may breeding, hindi tulad ni sarah parang lalaki!

Natapos ang kanilang klase, ngayon ay recess. Nagkayayaan sa mga barkada niya na sina Mark, James, Roman at Ace. Heartthrob na maituturing ang mga barkada dahil sa kagwapohang taglay.

"Tara bro" sabi ni mark na nasa bukana ng pinto ng room nila.

"Hindi naman halatang gutom ka na noh?"

Tumayo siya at patalikod na sana ng... Hawakan ang kanyang kamay. Napatingin siya sa babaeng humawak sakanya. Anong kailangan niya?

"Pwede ba akong sumama sa inyo?"

"Nananagalog ka pala?"

Hinubad niya ang suot na salamin at tumayo.

"Oo naman"

"Bro! Isama mo na! Gutom na ako!" Reklamo ni James.

"Sige Tara"

"Thank you" ngumiti ito. Your so handsome.

Naglalakad ngayon sa pasilyo ang magbabarkada. Habang naglalakad parating sinisiko ni roman si kyle.

"Bro naka huli ka ng isda" pabulong na sabi nito sa kanya.

"Shut up!!" Napalakas ang sigaw niya kaya lahat sila napatingin sa dalawang nag uusap pati na rin ang dalaga.

"Wala to" napapatangong nagpatuloy sila sa paglalakad.

Nakaupo na sila sa reserve seat nila. Maraming napapatingin sa babaeng kasama nila. Lalo na ang fans ng lima.

"Sino yun?"

"Ewan ko"

"Baka fling, ang lakas talaga ng loob ng mga yan. Kababago bago naglalandi agad!"

Samantala, nakatayo si sarah malapit sa glass door ng canteen. Kasama niya si Clarence. Bakit may nakaupo sa upuan ko? Ang lakas ng loob niya!!

Napapayukom ang kamay ng lalong lumapit ang babae kay kyle. Idinidikit nito ang katawan kay kyle. Nakita niyang napatingin sa kanya ang babae at tumingin kay Clarence at ngumiti.

"Tara gutom na ako!" Seryosong sagot ni Clarence. Nagulat si sarah ng hawakan niya ang kamay nito.

"Anong ginagawa mo?"

"Alam kong nasasaktan ka"

"Huh?" Wala na siyang nasabing iba.

"Kanina ka pa nakatayo dyan, naiinip na ako. Tapos nakayukom pa yang kamay mo na parang may susuntokin kaya hinawakan ko para pigilan ka" sabay ngiti sa kanya.

Ang gwapo niya. Bigla niyang hinawakan ang pisnge ni Clarence na ikinagulat naman ng binata.

"Ang gwapo mo pala"

"Aish! Matagal na akong gwapo. Hindi mo kasi ako pinapansin kaya ngayon mo lang napansin. Ang sungit mo kasi"

"Sarah ang pangalan ko. Ngayon alam mo na"

"Tara sarah, gutom na ako"

"Sige" magkahawak kamay silang pumasok sa canteen. Si Clarence ang nagvolunteer na bumili na lang. Nagngingitian na para bang matagal ng magkakilala. Panatag ang loob ni sarah kaya madali silang nagkapalooban.

Samantala, nakita ni kyle ang holding hands ni sarah sa lalaking kasama. Kitang kita ni kyle ang mukha ng lalaki dahil nakaharap ito sa table nila, habang si sarah nakatalikod sakanila. Nakakaramdam siya ng selos hindi niya alam kung bakit

"Bro sino yung kasama ni sarah?" - ace

"Baka boyfriend niya" - mark

"Oo nga noh, pero parang bago lang. Ngayon ko lang siya nakita dito eh" - roman.

"His my brother" sabay sabay silang na patingin kay Cassie.

"Kapatid mo yun?"- ace

"Yes"

"Bago kayo dito no?" - mark

"Yup your right"

"Anong pangalan niya?" - james.

"Clarence Chan"

"Ikaw pala anong pangalan mo?"- roman

"Cassie Chan"

"Astig pre! C yung pangalan c din apelyido nila"

"Oo nga noh"

Tumayo si kyle. Pupuntahan niya sila sarah. Lalong nakaramdam ng selos.

"Bro saan ka pupunta?"

"Pupuntahan ko sila" matigas niyang sabi.

"Hayaan mo lang sila, kailangan nila ng space" sambit ng dalaga.

"Space? Ano ba sila magjowa? Ngayon nga lang sila nagkakilala eh" kunot noong sagot niya.

"Malapit na silang maikasal" walang emosyon na sagot niya.

"ANO!" Sabay sabay na sigaw ng magbabarkada. Napapalingon sakanila ang mga costumer.

"Sorry" napapayukong paghingi nila ng pasensya.

"Hindi niyo pa ba alam na nandito kami kasi nandito rin ang babaeng pakakasalan ng kuya ko"

"Kayo ba yong anak ni Mrs Chan?" Di makapaniwalang tanong ni kyle.

"You know about mommy?"

" Yes I know about your family"

Kung ganun sila pala ang anak ni Mrs Chan. Hindi na pala kailangan ng tulong namin. Magkakilala na pala sila. Edi mag enjoy sila! Parang kailan lang umiiyak siya ng todo tapos ngayon masaya siya?! Ano yung luha niya fake?!! Nagdadrama lang ba siya?!!! Kung ganun ang galing niyang umarte. Bilib na ako!!

Biglang umalis si kyle sa canteen. Tinatawag siya ng barkada pero nagpatuloy pa rin ito.

Bakit ba ako nasasaktan?!

===itutuloy====

CRUSH:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon