✿
[Pakinggan niyo yung cover ni Jungkook na Paper Heart, habang nagbabasa.]Remember the way you made me feel
Such young love but
Something in me knew that it was real
Frozen in my headI am the happiest man in the world when you said YES to me. You made me believe in LOVE.
But you're the one who made me feel this pain. You're the one who made my first heart break.
Pictures I'm living through for now
Trying to remember all the good timesNaalala ko pa nung una kitang makita. Nasa school garden ako nun at kasalukuyang umaamin sakin yung babaeng pinapaasa ko. Pa-fall akong tao, gusto ko kasing may aamin sakin about sa feelings nila at i-rereject ko.
Madalas akong tawaging paasa. So?
Wala namang taong paasa kung walang taong umaasa."Nang-reject ka nanaman?" yan ang sabi mo sakin nung makita mo akong pinaiyak yung babae.
Hindi ko alam kung sino tong babaeng nagsalita ng basta basta nalang nung tumakbo paalis yung babaeng ni-reject ko.
"Nanaman?" tanong ko sakanya.
Tumawa siya na ikina-bigla ko.
"Halos araw-araw nalang kasi kitang nakikita dito tapos may babaeng pinapaiyak." sabi niya sakin habang nakangiti at inaayos yung mga buhok niyang nagsiliparan dahil sa hangin.
Wala akong masagot at basta ko nalang siyang tinitigan habang pilit niyang hinahawakan yung buhok niyang medyo mahaba.
"Ngayon lang kita nakita dito." yan ang lumabas sa bibig ko. Parang nagulat pa siya sa sinabi ko.
"Lagi kaya ako dito, lagi din kitang nakikita dito. Sabagay no one notice me." ngumiti siya pag-katapos niyang sabihin yun. Simple lang yung pagka-sabi niya. Parang normal lang na tao tong kaharap niya. Walang halong pag-papacute yung boses niya.
Masyadong sikat yung pangalan ko, Jeon Jungkook. Playboy, Paasa, Heart breaker, Heartthrob, etc. Kaya halos lahat ng mga babae na kakausap sakin, halata mong nag-papacute.
Pero kakaiba siya. Kakaiba si Keira.
She said no one notice her. But after that day, everytime I look around nakikita ko siya. Parang biglang lumiit ang mundo, dati naman hindi ko siya nakikita or napapansin.
Our life was cutting through so loud
Memories are playing in my dull mindNag-lalakad ako pauwi habang naka-earphones at nakikinig sa music. Napansin kong huminto yung taong nasa unahan ko kaya napatingin ako. Keira, nalaman ko yung pangalan niya nung araw na nag-kita kami. 'By the way, I'm Keira.' pakilala niya at sabay alis na niya.
"No, no. Hindi kita sinusundan." biglang sabi ko sabay may hand gesture pa telling 'no'.
"Alam ko. Same tayo ng daan pauwi, incase you don't know." nakangiti niyang sabi. I didn't know.
Tumango nalang ako. Para akong naiilang sakanya.
"Malungkot kaba kasi break na kayo ng mga girlfriend mo?" sabi niya sakin.
"HELL NO!" gulat kong sabi dahil nagulat ako sa sinabi niya. Never pa akong nalungkot dahil sa babae. Never din akong umiyak dahil lang sa babae.
Napatawa siya sa inasal ko. Masyado akong ilang sakanya parang hindi ko kilala ang sarili ko ngayon or everytime I see her. Bakit ganon pag ibang babae ang kasama ko, madami na akong nababanggit na banat at girlfriend ko na agad. Hindi ko namalayan na nag-kukwentuhan na kami at sabay na nag-lalakad.