Yana's POV
"YANNAA!! BILISAN MO MAGLALAKAD PA TAYO PAPUNTA SA SCHOOL!" Tawag sakin ni Ate Nicole.
"Opo Ate nandyan na!" saka ko sinuot yung sapatos ko at nagtakbo papunta sa baba.
"Oh Apo di ka na ba kakain ng agahan mo?" sabi sakin ni Lola, Si Lola Rosi nalang at si Ate Nicole ang natitira sa Pamilya ko ang sabi sakin nung bata pa daw ako nasagasaan yung kotse na sina sakyan nila Mama yun ang kwento sakin ni Lola.
"Di na po La' baka po malate pa kami ni Ate sa klase." sabi ko at nag bless na kay lola at baka nausok nanaman ang ilong ng ate kong malupit.
"Ikaw talagang bata ka bilisan mo na at baka malate na tayo malayo layo pa school ko dito eh." sabi ni Ate habang napakabilis maglakad. Kasi si Ate ay 2nd year College na ako ay 3rd year highschool magkaiba kami ng University si Ate ay sa Ateneo dahil nakuha siyang Volleyball player so siya ay Scholar sa school nila pati ako Scholar din.
"Ito na nga po Ate oh binibilisan na eh." pano kung maglakad parang hinahabol ng kabayo.
"Oh nandito na tayo oh baon mo." binigay sakin ni Ate yung baon ko 120 lang kasi di naman kami mayaman.
"Salamat ate bye!" ako ay naka freestyle palang dahil wala pa akong uniform dito tinatahi pa ni Lola Rosi.
"Hi manong!" sabi ko dun sa guard dito sa labas ng campus namin.
"Hello ma'am." sabi ni manong guard
"Nako si Manong may nalalaman pang ma'am. Yana nalang po manong." sabi ko at nginitian si manong bago umalis sa harap niya.
Hinahanap ko yung section ko kasi naman para akong pumasok sa palasyo ang laki kasi nito kumpara sa dati kong school.
"Uh Sorry." sabi ko dun sa nabangga ko at pinulot yung mga nalaglag niyang mga gamit.
"Soryy duhh kung natingin ka kasi sa dinadaanan mo di ka makakabunggo ng ibang tao." sabi niya sabay inirapan ako at binunggo ng malakas kaya napa upo ako. Shizz ang sakit ng pwet ko bwisit na babaeng yun.
"Need help?" pagkatingin ko sa nagtanong, WOWWW ang ganda niya muka siyang Koreana.
"Uhmm parang, kasi masakit pwet ko eh." sabi ko kaya hinigit niya yung kamay ko kaya napatayo kaagad ako. Grabe ang puti niya di pa ako na ngangalahati.
"Hi I'm Jung SooHee and you are?" tanong niya sakin habang nikikipag abot ng kamay. Pinunasan ko muna yung kamay ko sa damit ko tyaka ako nakipag shake hands sa kanya.
"Ah I'm Yana Cruz." sabi ko tyaka kinuha yung panyo sa bag ko at pinunasan ang kamay niya.
"Uhm Yana what are you doing?" sabi niya na parang nagtataka.
"Pinupunasan ang palad mo baka kasi dumumi ng dahil sakin." sabi ko saka tinago yung panyo ko sa bag ko. "Ano nga pala Section at Year mo? Pure Koreana ka ba?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"3rd year my section is A1 and Yes I'm pure Korean." Ahh kaya pala napaka ganda niya at napakaputi.
"So magkasection pala tayo kasi A1 din ako eh. At last na talaga to, Maalam ka ba mag tagalog?" Tanong ko eh baka mamaya tumakbo na ang ilong ko sa sobrang dugo.
"Yes I know how to speak tagalog, Bakit mo natanong." sabi niya wahhhh galing
"Hahahaha maalam ka naman pala eh pinahihirapan mo pa ako." sabi ko tumingin ako sa relo ko na gold bigay daw sakin nung namatay kong Papa. " O gosh malapit na mag time tara na Soohee baka malate na tayo." sabi ko at tyaka namin hinanap room namin.
******************************