Her Side of Story
Sabi nga nila there are always three sides on a story—theirs, yours and the truth.
Sa mga mata ng IBANG TAO ako ay isang babaeng kailanman ay napaka impossibleng mawalan ng lalake, babaeng kahit sinong matipuhan eh kayang angkinin gamit ang mga sariling paraan, babaeng mapaglaro,mabait,mataray, ang babaeng pinakahuli mo'ng maiisip tuwing nababanggit ang salitang kalungkutan.
Sa pagkakakilala ko sa aking SARILI marahil ay masasabi ko na medyo may tama rin sila pero ang hindi nila alam na sa likod ng aking mga halakhak at tila matatag na aura ay ang nakatagong kalungkutan—na sa tuwing mag isa nlang ako sa apat na sulok ng aking kwarto ay di ko mapigil pigilan ang mga hikbi at luhang kusang umaagos mula sa aking mata dahil sa masakit na KATOTOHANAN na kinikimkim ko sa napaka habang panahon. Ang KATOTOHANAN na nakikihati lamang ako... nakikihati sa pagmamahal at atensyon ng taong kailanman di ko pwedeng lubos na maangkin.