CHAPTER 4

1.5K 19 0
                                    

**REMEMBER ME?**


>>Super duper Fast forward<<



Ang sakit ng ulo ko. Hanep! Ikaw kaya ang hindi makatulog kahit antok na antok ka na? Tsss... Ilang araw na kong ganito. Wala lang trip ko lang sigurong gawin to sa sarili ko.



May good news ako sa inyo, CHRISTMAS VACATION na!!!! Yehey!!!



Ayan! Kaya malakas ang loob ko magpuyat. May chika pala ako. Huling beses kong nakita si Fr. Nico nung last Sunday of November. Ang lungkot ko tuloy. Super sad.



Simula nung nag-start yung December, hindi ko na siya nakikita. Gaya ng sinabi ko, hindi ko naman alam yung schedule niya. Pero may naobserbahan ako. Kapag may event, naiiba ang schedule nila. Kaya kapag may event, iexpect mo na wala siya. Basta ganun na yun.



Ang balita ko, bago lang siya dito sa Parish. Hindi ko alam kung ilang taon na siya dahil mukhang wala yatang nakakaalam. Pero kahit na ganun, ang bata niya kasing tignan. 25? 27? Ewan ko. Pero parang hindi ganun ang age niya kasi diba nga pari? Matagal-tagal na pag-aaral muna bago siya maging ganap na pari.



Anyway, yun lang naman ang kwento ko. Mahal ko kasi si Fr. Nico. Anong connect??? Hahaha!! Kulang kasi ang week ko kapag hindi ko siya nakita nang wala namang dahilan para hindi siya makita. Pakiintindi na lang yung sinabi ko haha! He serves as an inspiration.



Hanggang ngayon, wala pa rin nakakaalam ng malagim kong sikreto. Malagim talaga eh no? Hahaha! Oo, malagim siya talaga. Ayoko kasing sabihin sa iba kasi sigurado naman na kahit papano mahuhusgahan ako. Saka mahirap na baka kumalat pa. Sikreto nga eh kaya dapat itago. Maiintindihan mo ako kapag ikaw ang nasa sitwasyon ko. Mas pipiliin mo na ikaw na lang ang nakakaalam. Unless meron kang mapagkakatiwalaan talaga na pwede mo pagsabihan. Sa case ko kasi, wala.



Lumipas lang ang mga araw at sobrang saya talaga. Kasama ko syempre ang family ko sa pagcecelebrate ng Christmas at New Year. Alam niyo naman na siguro yung mga usual na ginagawa kaya hindi na ko magkkwento. Simpleng pagdiriwang ito at pagsasalo. Yung celebration niyo na lang ang intindihin niyo hahaha! LOL.



Sa wakas at natapos na rin ang taon. Sana maging mainam ang panibagong taon na ito sakin.


----------------------

Monday ngayon! Sobrang hyper ko hanep. Maaga akong pumasok at once in a blue moon lang ito mangyari. Naunahan ko pa yatang pumasok yung guard na on duty pag umaga hahaha! Syempre joke ko lang yun.

Hindi agad ako dumiretso sa room. Nilibot ko muna yung buong campus. Wala rin naman kasi ako mapapala kapag pumunta agad ako sa room. Pumunta ako sa isang garden na nasa bandang likod ng campus. Dito ako pumupunta kapag trip ko lang haha! Madalang ang pumupuntang estudyante rito dahil nga medyo tago ito at nasa likod pa na part kaya hindi masyadong pansinin. Hindi nila alam, may paraiso dito sa campus. Naupo muna ako sa ilalim ng isang punong malaki. Feel na feel ko yung oxygen na nanggagaling sa puno na ito. Nagbasa muna ako ng book para malibang kasi mamaya pa naman ang klase ko.

".........................................................."

".........................................................."

".........................................................."

".........................................................."

".........................................................."

"ZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"

"ZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"

"ZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"

"ZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"

"ZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"

*toinks*

Ouch! Hanep ano yun? Mangga?? Ay! Oo nga pala. Puno nga pala to ng mangga. Nakatulog pala ako. Salamat sa mangga at nagising ako.

Ano? Nakatulog ako?? What the??! Anong oras na?

"7:30 na! waaaahhhh!!!!!!"

Dali-dali akong tumayo at umalis sa lugar na yun. 7am kaya ang klase ko!!! Sayang naman yung effort ko na pumasok ng maaga. Haixt.

"Excuse me po! Late lang po. Excuse me." Binangga ko na lahat ng madaanan ko. Pero teka? 4th year din ang mga yun ah? Bakit nasa labas pa sila? Nevermind.

"Sorry Ma'am. I'm late."

Pagpakapasok na pagkapasok ko yan agad ang sinabi ko. Pero pakisabi nga sakin kung ano ang nangyayari dito? Nakatingin lang ang mga kaklase ko na parang naabala ko ang pagdadaldalan nila. Bakit ang gulo ng room? Wala bang Teacher? Tsss... Wala nga. Sayang effort.

"Bwahahahahahahahaha!!!!"

"Hahahahahahahahahaha!!!"

"Whahahahahahahahahaha!!"

Aba! Bakit sila tumatawa??

"Hoy! Bat kayo tumatawa?" pagsusungit ko.

"Kung ikaw ang andito, matatawa ka rin. Hahahahaha!!" Sabi ni Andrew, classmate ko malamang.

"Eh kasi naman po Gail, baka lang naman nakakalimutan mo, wala po talaga tayong klase ngayon." Si PJ, yung nice guy kumbaga sa batch namin. Tinapik trapik pa ko sa balikat. Tsk.

"Bakit wala?"Naguguluhan kong tanong.

"Nakalimutan mo nga." Sabay tawa niya. "Dahil March na ngayon, malapit na ang graduation! Yehey!" Sigaw niya kaya naghiyawan ang buong klase.

Oo tama ang nabasa niyo. From christmas vacation, Iniskip ko na lahat ng nangyrai at ginawa kong March niya. Wala ng ibang arte pa.

"Yehey! Woooooooh!!!" Mga adik kong classmates.

"Eh ano naman?" Ang sungit ko pa rin kunwari haha!

"Hindi mo ba talaga tanda? Simula ngayon mga dakilang tambay na tayo kasi hindi na tayo magkklase. Puro practice na lang ang gagawin natin. Sa araw na ito, may mga orientation anek tayo. Okay? Gets na?" Mapasensyang pagpapaliwanag sa akin ni PJ.

"Ah talaga? Hindi ako nainform hahaha!" Ayan na lang nasabi ko. Nawala talaga yun sa isip ko. As in totally nawala. Papasok ba ko ng maaga kung alam ko? Sabagay pwede rin haha!

"Class! Ayusin niyo na ang room niyo, nanndito na ang mga bisita natin. Compose yourselves. Bilis!" Biglang pumasok si Ma'am at natarang kami bigla. Umalis rin siya pagkasabi niya nun. Kami namang mga estudyante, dahil mabait kami, inayos namin ang kwarto at mga sarili namin. Umayos kami ng upo at sakto namang sumilip si Ma'am.

"Very good Class! Okay na kayo?" Ramdam ko na busy si Ma'am ngayon.

"Yes Ma'am." Sagot namin.

"Sige. Anytime papasok na sila rito so be attentive class. Goodluck!" Adik talaga 'tong teacher namin. Hehehe!

Kanya-kanya kaming kwentuhan pero wala nang nagsialis sa mga pwesto dahil gaya nga ng sabi ni Ma'am, anytime darating ang mga bisita.

After I think mga 10 minutes? May nagbukas na ng pinto at may pumasok. Tahimik ang buong klase dahil mababait kami.

Relax lang sila pero ako? Para akong binuhusan ng malamig na tubig.


My Forbidden Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon