Lahat ng bagay pwedeng mawala na lang bigla. Sabi nga, walang permanente sa mundo. Bawat pag ikot nito may nasasaktan, may iniiwan, may nawawala, may bumabalik at may muling nagmamahal ...
3rd Person's POV
Habang vacant ay walang ginawa ang buong klase kung hindi ang tumambay sa canteen at magdaldalan buong oras.
"Hoy bakla! H'wag mong takpan ng kurtina!" Reklamo ni Jaxon ng ayusin ni Brayden ang kurtina. Tinanggal nito ang pagkakatali at inayos.
"Alisin mo rin yang bulaklak sa ulo mo, nagmumukha kang ugat ng puno!" Pang aasar pa nito kaya agad na humarap si Brayden sa salamin para ayusin ang flower crown sa ulo nya.
Tiningnan nya ng masama si Jaxon na ayos na ayos ang pagkakaupo sa upuan habang nakataas pa ang dalawang paa at naka-shades.
"Alisin mo rin yang shades mo, nagmumukha kang bulag!" Asar din nito sabay walk out.
Maya maya lang ay pumasok na ang 2nd teacher nila para sa pangalawang subject. Una nitong napansin si Anika at Blake na naghaharutan sa may likod.
"Kayong dalawa sa likod, huwag nyo kong ini-stress nakakamatay yun!" Sabi nito habang hinihilot pa ang sintido nya.
"Inggit lang yan si Sir! Yieee," asar ni Mark kaya agad napangiwi ang guro.
Ito yung bagong guro nila na halos isang buwan na ring nagtuturo sa kanila.
"Asan si Ms. Hailey?" Tanong nito.
"Wala pa po sir. Hanggang ngayon hindi pa pumapasok," sagot ni Kiara habang chine-check ang attendance.
Napatingin ang guro kay Brayden na hanggang ngayon ay nag aayos ng kurtina.
"Kapag isa sa inyo ang naging asawa ni Mr. Angeles di na kayo kukuha ng katulong," wika nito habang nakatingin kay Brayden. Napasimangot naman si Brayden at saka umupo sa kanyang upuan.
Di nagtagal ay nagleksyon ang guro at katulad ng dati ilan lang ang nakikinig at ang ilan ay tulog.
Di maiwasang tingnan ni Tracy si Anika at Blake na hanggang ngayon ay magkatabi at nagkukulitan sa likod.
"Tumigil ka na nga, pag tayo napagalitan ni Sir," ani Anika.
"Ayos lang, para sabay tayong mapalabas," nakangisi nitong saad kaya napangiti na lang si Anika.
Itinuon nya ang pansin kay Isha na katabi nya na mahimbing ang tulog. Kaya pala, walang humuhugot kasi tulog sya.
Muli syang napatingin kay Anika at Blake. Hinampas ni Anika si Blake at hinuli naman ni Blake ang kamay ni Anika.
Napangiti sya ng mapait. May mga bagay na ayaw nating paniwalaan kahit nakikita natin. O siguro, ayaw lang talaga nating paniwalaan.
Kahit kitang kita na nya, ayaw nya pa ring mawalan ng pag-asa na magb-break din sila. Masama ba syang kaibigan? Siguro nga.
Pero wala syang maggagawa. Aantayin nya na lang ang oras na mapagod ang puso nya at kusa itong tumigil.
~
"Anika sabay ka paglunch?" Tanong ni Candy.
Agad na napailing si Anika, "Nope, sabay kami ni Blakey! Next time na lang!" Saad nito at saka pinuntahan ang boyfriend sa locker area.
Pagkarating sa locker area ay nagtaka sya ng si Jared ang maabutan nya doon. Nahagip ng mata nya ang gloves na suot nito sa kamay.
"Pareho pala kayo ng gloves ni Blake?" Tanong ng dalaga kaya tumango na lang si Jared.