Paasa..
Mga taong akala naten ay totoo. Yun pala gusto lang nila na may paglibangan.
taong kunwari concern sayo. Yun pala wala lang siya magawa sa buhay niya kaya natripan lang niya mag tanong kung "kumain ka naba?","ingat ka sa pag uwi ha.. mamahalin pa kita"
Wow.. sarap saktan diba?
Taong maya't maya itetext ka. Mag tatanong pa yan ng kung ano ano tulad ng."nakauwi ka naba?","sino kasama mo?","ingat ha..","i miss you.."ikaw naman tong si tanga.. maniniwala na totoo ang pagiging concern niya.
Syempre anjan na yung kikiligin ka pa.minsan pa mukhang tanga ka pa nakangiti habang nakatutok sa cellphone dahil busy ka sa pagtetext sa kaniya..
Yun pala.unlimited text lang siya sayang ang load niya kaya siya nag tetext sayo. Hindi siya concern sayo. Concern lang siya sa sim card niya baka kasi masira kapag hindi niya ginamit.
Ang gago niya diba.
Minsan pa nga makikipag puyatan ka pa sa kaniya.umaabot pa nga kayo ng umaga dahil ang dami nyong napag uusapan.
Katulad ng "nag ka boy friend ka naba?", "ilan na naging boyfriend mo?"... at kung ano ano pang tanong. Ikaw naman si tanga. Aliw na aliw sa kaniya kasi ang dami niyang tanong sayo. Maiisip mo pa nga na intiresado siya sayo kasi ang dami niyang tinatanong tungkol sayo.hindi mo alam....
Boring lang siya.. kasi Nakatulog na yung iba niyang katext ikaw nalang kasi ang gising kaya ang dami niyang tanong sayo...
Minsan pa nga maya maya ka pa tumitingin sa cellphone mo kung may text naba galing sa kaniya.Tumunog lang cellphone mo akala mo siya na agad. Isang buong araw palang na hindi nag tetext sayo kung ano ano na iniisip mo. Tulad ng"may kasama ba siyang iaba kaya hindi siya nagtetext saken".. bakit ate girl friend ka? Kailangan minuminuto may text ka sa cellphone mo galing sa kaniya?
Minsan pa nga pag dalawa o tatlong araw na siya hindi nag tetext sayo badtrip ka na. Parang pinagbagsakan ka na ng langit at ulap. Dinaig mo pa mga mga kaibigan mong broken hearted sa pagiging badtrip mo eh.
Sasabihin mo pa sa sarili mo na"kung ayaw niya mag text di wag! Tssss.." pero deep inside gusto mo ng ibato ang cellphone mo kasi feeling mo wala ng kwenta. Kasi wala ka naman text sa cellphone mo galing sakaniya.
Paasa nga diba?
Ang mga taong Paasa. Pafall ikaw naman tong si tanga asa ng asa kaya ayan broken hearted ka ngayon...
Lesson:
Kung gusto ka talaga ng isang tao. Hindi ka niyan dadaanin sa text,tawag pag pupuyat hanggang madaling araw para makipag kwentohan lang sayo... kung di pupuntahan ka sa bahay nyo, hindi matatakot na mag paalam sa magulang mo kung pwede ka ba ligawan..
Tandaan mo tayong mga babae. Pinaghihirapan,nirerespeto at higit sa lahat minamahal at hindi pinapasa..
-------
Vote...
Comment...
;)
BINABASA MO ANG
LOVE,HURT,AND SACRIFICES
Short Storymga pangyayaring hindi naten inaasahan. mga bagay na akala naten ay totoo yun pala panandaliang kasayahan lang. this is not love story. this just a situation na madalas na nangyayari sa buhay naten na hindi naten inaasahan.