"SIGURADO KA na ba sa desisyon mo, Isaac?" puno ng pag-aalalang tanong ni Miranda sa nobyo habang naghihintay sila sa sala ni Judge Armetio Sumangil na ama ng kaibigan nitong si Wilson.
Ngumiti ito sa kanya. "Ito ang pinaka-tamang desisyon na ginawa ko sa tanang buhay ko, Miranda." Hinalikan nito ang kamay niya na nakakulong sa mga palad nito. "Tawagin mo na akong corny pero hindi ko yata kayang mabuhay nang hindi ikaw ang makakasama ko sa mga panahong ilalagi ko dito sa mundo."
Hindi niya mapigilang matawa sa sinabi ni Isaac. Kahit paano ay nabawasan niyon ang kaba at takot na naraamdaman niya.
"Pero itatakwil ka ng Papa mo."
Tumiim ang anyo nito. "I don't care."
"Sigurado ka ba? Kapag ako ang pinili mo mahihirapan ka lang. No flashy cars. No credit cards. No dining on fancy restaurants. Ibang-iba ang mundong nakasanayan mo sa mundo ko."
He looked at her eyes with so much love that made her want to cry. "Kasama ko nang isinuko ang lahat ng mga bagay na nakasanayan ko ng mahalin kita, Miranda." Pinunasan nito ang luhang kumawala sa kanyang pisngi. "Magsasama tayo habambuhay."
Natawa siya sa sinabi nito. "Ang sweet natin ngayon ah," panunudyo niya dito.
Napakamot lamang ito sa batok. Napatayo sila ng makitang dumating ang kaibigan nitong si Wilson kasunod ang isang may katandaang lalaki na sa telebisyon at balita lamang niya nakikita.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Isaac?" tanong ng ginoo. "Aba, hindi biro ang pag-aasawa."
Hinapit siya nito palapit. "Siyempre naman, Tito. Ang mga ganitong babae, hindi na dapat pang pinakakawalan dahil baka makatakas."
Marahan niya itong hinampas sa dibdib na ikinatawa ng tatlong lalaki.
Despite the circumstances, she found the wedding ceremony peaceful and solemn. Hindi naman nagtagal ay natapos din ang seremonya.
MATAMANG PINAGMAMASDAN ni Isaac ang natutulog na asawa. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Asawa. Hindi niya akalaing darating ang araw na iyon.
Hindi niya napigilan ang sarili at binigyan ito ng magaang halik sa mga labi. Ang dampi ay naging mapusok ng magsimula na din itong tumugon.
Dahan-dahan itong nagmulat ng mata. "Good morning," bati niya dito.
She smiled sleepily. "Good mor---." He cut her words in another mind blowing kiss.
How can someone taste so sweet? He can't get enough of her. Nagsimula na ding maglakbay ang mga kamay niya. Mula sa balakang nito, pataas sa bewang hanggang sa gilid ng dibdib. She moaned when he cupped her breast.
Nagsimula na namang mag-init ang katawan niya. And again, they danced in the rhythm that only lovers knew.
"SIGURADO AKONG hindi na nila tayo mahahanap dito," ani Isaac kay Miranda nang makapasok sila sa isang munting bahay. Ilang buwan na din kasi silang palipat-lipat ng tirahan dahil lagi silang nahahanap ng tauhan ng ama ni Isaac.
Tumanaw si Miranda sa labas ng bintana. Napakaganda ng tanawin. Berdeng-berde ang parang at sariwa ang simoy ng hangin. Naramdaman niya ang pagyakap ng asawa mula sa likuran.
Pumikit siya at isinandal ang likod sa dibdib nito. Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. His arms bring warmth and peace. Tila ba sinasabi ng mga iyon na lagi siyang poprotektahan.
"Nagustuhan mo ba?"
Humarap siya dito at niyakap ito sa baywang. "Baka nakakalimutan mo na sa probinsya ako lumaki." Ibinalik niya ang tingin sa bukid. "I love this place. Sigurado akong magugustuhan din ito ng magiging baby natin."
BINABASA MO ANG
Loving The Mobster Princess 0.5
RomanceIto ang story ng magulang ni Nicolette. Hindi ko nga lang idinetalye dito ang ligawan or kung paano nauwi sa kasalan ang magulang ni Nicolette. Ito ang nangyari bago mapunta sa poder ng lolo niya si Nicolette. Sana ay magustuhan ninyo ang part na i...