One shot story.
WARNING : Maaring mabitin. Hehehehe.
*****
A Month With You.
Raven's POV
"Hey, dude! where are you? Be here at 11:00Pm." sabi ni Drake.
Alam ko na kagad ang tinutukoy nya. Ang lugar kung saan kami nagca-car race.
"Okay." may pustahan na naman siguro. Sino na naman kaya ang nangahas na lumaban? Wala naman nakakatalo sakin pagdating sa bagay na yun.
10:45Pm
"Oh nasan na ang makakalaban ko? Naduwag na ba?" sabi ko pagbaba ko sa red Ferrari Enzo 2012 ko. Kotse ko palang maangas na, pano pa kaya ang may ari, diba? *smirk*
"Wala pa nga, pare e. Baka nga natakot na." natatawang sabi ni Sebastian.
Nagkibit-balikat ako. Hindi naman yan ang unang pagkakataon na nangyari yan e. Malaman pa lang nila na ako ang makakalaban nila sa grupo namin, umaatras na.
Naglapitan na din ang babae sakin. Kanya-kanya na silang paanyaya na sa kanila na ako mag spend ng gabing ito. Geez! Mga babae talaga. Minsan na ngang pinagbigyan, gusto yata naman dalasan ko pa. Masyadong umaabuso. Hahaha! :DD
Maya-maya pa, may paparating ng kotse.
A Porsche Carrera GT.
Nagsigawan na ang ilang mga manunuod dito.
"Woooh! Nandyan na sya!" sigawan ng mga miron.
Nanatili naman akong nakatingin sa kotse. Tumigil na ito.
At nagulat ako na makitang isang babae pala ang sakay nito.
Is this a joke? Babae ang makakalaban ko ngayon?
Nagsipulan naman ang mga lalaki. "Yeah! Brittany!" sigawan pa din nila. Tahimik ko lang na pinagmamasdan sya na palapit sakin.
Nang makalapit sya sakin, she smiled seductively. "Are you sure?" nakakaloko ko pang tanong.