Eto,totoo talaga to.
Naisip mo na ba yung time na mawawalan ka rin ng feels? Kasi sa totoo lang,darating din naman yung time na magsasawa ka na eh. Darating yung araw na ayaw mo na. Darating yung araw na pagod ka na.
Kahit na ilang beses mong sabihin na ang pagfafangirl ang makakapagpatunay sa forever, hindi eh. Kasi wala naman talagang forever. Ititigil mo rin yang ginagawa mo. Maaaring mamaya, bukas, sa kamakalawa, sa susunod na linggo,buwan,taon? No one knows.
Darating yung araw na may gagawin ka nang may mas kabuluhan kaysa sa pagfafangirl na ginagawa mo ngayon. Darating yung araw na magpapasalamat ka na lang sa lahat ng kasiyahan,kalungkutan, na nangyari sa buhay mo dahil sa fandom mo at sa idol mo.
Mapapasabi ka na lang,isang araw,ng,"It was all worth it.". Kahit na aalis ka na sa fandom na naging pangalawang pamilya mo, siyempre, hindi mawawala lahat ng nagawa nila sayo. Hindi mawawala lahat ng memories na nacontribute ng fandom mo sa buhay mo.
Darating yung araw na habang umiinom ka ng kape,naka-earphones ka,bigla na lang tutunog yung kanta na yung idol mo yung kumanta. Mapapaluha ka na lang, kasi nagflashback sa yo lahat ng ginawa mong kaharutan, kagagahan, noong fangirl ka pa.
Nakakaiyak lang isipin na kahit anong ikasolid ng fandom mo, mawawala rin yan. Darating yung araw na hindi na makakasayaw yung idol mo, hindi na sila makakanta, magfofocus na lang sila sa mga sarili nilang buhay. At syempre, ganoon ka na din.Sa mga kapwa ko EXO-Ls dyan,alam kong alam niyo yung sinabi ni Kai sa Happu Camp noong nawala si Kris. Yung darating yung araw na hindi na sila makakakanta,makakasayaw. Pero nandyan pa rin sila. (?) (nakalimutan ko na eh)
Pero sana sa ngayon,ienjoy mo muna yang ginagawa mo. Mahalin mo sila hangga't maaari pa. Pasayahin mo yung sarili mo,hangga't maaari pa. Maghanap ka ng dahilan para maging memorable yang yugto na yan ng buhay kasi magtatapos rin yan.
xx
(C/N: Naiyak ako dito hehe)