Habang nasa malayo palang ako, tanaw ko na ang teacher namin sa biology na nasa loob na ng classroom. Kung minamalas ka nga naman. Patay! Ang terror niya pa naman. Mamang! Magiging uling na ginisa na ata ako nito.Habang papalapit ako at nag-iisip ng paraan para di mapagalitan, may napansin akong babae na nakatayo sa labas ng classroom. Nginitian niya ako kaya ginantihan ko din siya ng jumbag, suntok, sapak, sipa.
Hahaha. Joke lang noh. Ginantihan ko din siya ng isang matamis na ngiti. Nilanggam nga labi ko e. ^__^ Tama na ngang joke Bebang. Nagmumukha lang akong clown na killer. Aysh!
Bigla namang pumasok sa classroom namin ang babae. Nakisabay na ako. Chance na 'to.
"Why are you late Bebang?" Pambungad ni Sir Guzman.
"Ah.. eh.. ano po.. uh." Nakagat ko nalang ang kuko ko.
"You may sit down." O.O Yun lang? Di niya na ako lalagain? Ay este gigisahin? Bago yun ah.
"As we go on. You have a new classmate. Ms. Lopez, come here in front and introduce yourself."
Wow! Ang bait ni teacher ah. Palibhasa may bagong classmate kami na maganda.
"Hi classmates. Kumusta kayo? Ako nga pala si Miles Lopez but you can call me Mimi."
Napasipol naman ang kalalakihan. Mga lalaki talaga oh.
"So, ikaw ang anak ng mga Lopez na isa sa pinakamayaman sa bansa?" Tanong ni Kurt sa Newbie.
"Yep." Masigla niyang sagot.
"WOW! Yayamanin." Komento ng isa kong kaklase.
"Anggara ni ateng."
"Ang yaman niya naman. Inggit akes."
Ewan ko kung bulong pa ba yan o sadyang malakas lang talaga ang pandinig ko.
Napatingin naman ako sa gawi ni Bienne. Waaah! Buti nalang at hindi siya nabighani sa ganda ng bago naming kaklase.
"Osiya. Pumili kana ng gusto mong upuan."
"Sir gusto ko pong umupo sa tabi niya." Turo niya sa akin.
O.o Napaturo naman ako sa sarili ko.
"Ako?" Tanong ko.
"Yep." Sagot niya.
Sigurado ba 'tong gusto niya akong katabi? Tomboy ata to.
"Okay. You may sit now." Sir Guzman.
Vacant kasi ang katabi kong upuan eh. Eh sa pangit nga daw kasi ako kaya ayaw nilang tumabi sa akin. Baka daw mahawa sila ng kapangitan ko.
"Hi miss. What's your name?" Masigla niyang tanong sa akin.
"Just call me Bebang." Tugon ko na nahihiyang ngumiti sa kanya.
"Nice to meet you Bebang." Ang masiyahin naman ng batang ito.
"Class listen, blah blah blah blah." Hindi ko na masyadong pinakinggan ang mga sinasabi ni Sir Guzman. Eh sa inaantok kasi ako eh.
Yung babae pala kanina na may inabot na maliit na plastic sa akin, mikmik pala ang laman. Pinagtitripan niya lang pala ako. Ayun friends na kami. Ang baliw nga niya eh. Buti nga may naging kaibigan na din ako sa tinagal-tagal na panahon kong paghihintay na magkaroon ng kaibigan sa school na ito.
Grade 8 ako samantalang siya naman nasa grade 9 na. Kahit bago palang kami nagkakilala. Magaan na ang loob ko sa babaeng 'yon.
"Oy Bebs! Nakikinig ka ba?"
"Ay sorry Mimi. Ano na nga ulit 'yon?" Tanong ko.
"Sabi ko, kaya ako lumipat dito dahil sa kanya. Hanggang ngayon nga hindi ko padin siya nakikita dito eh." Paliwanag niya.
"Sino?" Tanong ko.
"Diba sinabi ko na sayo kung sino?" Sagot niya na nakataas ang kilay.
"Ah. Oo. Oo. Siya nga. Hehe." Panggap kong sagot. Kunwari nalang kilala ko na.
"Tara na sa canteen. Libre kita. Break time na oh." Aya niya.
"Nako! Nako! Wag na. Wag na." Tanggi ko.
"Ano kaba? Ikaw ang pinakaunang naging kaibigan ko dito kaya ililibre kita. Sige na please." She pouted.
"Buti kapa. Ang ganda mo lalo kapag naka-pout. Samantalang ako nagmumukhang pato lalo." Pabiro kong sabi.
"Haha. Ano ka ba naman Bebs? Maganda kadin naman noh." Sabi pa niya.
Tinitigan ko muna siya.
"Ah oo. Maganda ang kuko sa paa. Alam ko na yan."
Hinampas niya naman ako ng mahina.
"You know what? You're funny. Hahaha. Tara na nga." At hinila niya nalang ako papuntang canteen.
Habang papunta kami ng canteen, hindi ako masyadong tinutukso ng mga nakakasalubong namin. May dyosa kaba namang kasama.
"Oy Bebang. Pakilala mo naman ako sa kasama mo." Sabi pa ng isang estudyante.
"Hey." Pagpapa-cute ni Miles.
"Wag mong pinagpapapansin ang mga yan." Sabi ko sa kanya.
"Ganun ba? Sige." Wow! Ang masunuring bata naman neto.
"Anong gusto mo Bebs?" Tanong niya nang makarating kami sa canteen.
Bebs siya ng Bebs. Sabi na eh tomboy 'to. Siguro lang naman.
"Uhm... gusto ko? Lalaki. Joke lang! Sandwich nalang sakin."
"Sandwich lang?" Gulat niyang tanong.
"Eh ano ba dapat? Saka 'yan lang naman talaga ang kinakain ko tuwing break time." Paliwanag ko.
"You should eat a lot. Kaya ang payat mo eh."
"Saka juice nalang."
"Yun lang?" Gulat niya uling tanong.
"Osige. Lahat nalang. Pati yang upuan, mesa, baso pati yang apron ng bantay." Natatawa kong sagot.
"Hahaha. Osige." Natatawa niya ding sagot.
"Seryoso?" Gulat kong tanong.
"Syenpre hindi. Seryoso na nga. Ano ngang sayo?"
"Nakakahiya talaga mimi. Yang spaghetti, pansit, salad, pizza, macaroni pati 1.5 na coke lang sakin." Nahihiya pa ako niyan. Ano nalang pala kung wala na akong hiya? Haha. Ge, pakihanap nalang yung paki mo.
"Oh ate, narinig mo naman po ang mga order niya diba?" Tanong ni Mimi sa nagbabantay.
"Yes mam." Masiglang sagot ng nagbabantay.
Sa sobrang dami kong inorder, nabundat lalo ang bundat ko na talagang tyan.
"Waaaaah! Mimi! Ang sakit ng tyan ko. Gusto ko ng matae." Reklamo ko habang siya natatawa lang sa itsura ko.
"Wag kanang manlilibre sa susunod ah." Dagdag ko pa.
Gusto ko ng masuka sa sobrang dami kong kinain. T_T Ang takaw kasi eh.
"Thank you ah." Ako.
"Wala yun." Siya.
"Thank you uli."
"Ano ka ba? Wala nga lang yun." Siya.
"Thank you talaga."
"Welcome." Siya.
"Thank you."
"Bebs? Unli?" Natatawa niyang tanong.
"Thank you. Last na promise."
"Ang kulit mo naman eh." Sabay kurot niya sa maitim kong pisngi.
"Tara na?" Aya niya sakin.
"Tara." Kahit masakit pa ang tyan ko. Pinilit ko pading tumayo. Para tuloy akong buntis kung maglakad. Natatawa nalang sakin si Miles.
BINABASA MO ANG
THE REVENGE OF BEBANG
Genç KurguMeet Bebang. An ugly and black girl who's being bullied by others na nawawalang anak pala ng isang mafia boss at isa sa pinaka-maimpluwensyang tao sa bansa. Simula nang malaman niya na anak siya ng isang mafia boss, pinangako niya sa sarili niya na...