Love Story? (Oneshot)

168 11 7
                                    

Nakasakay ako ngayon sa jeep mula sa aking trabaho. Mahaba-haba ding oras ang aking gugugulin dito bago makarating sa amin.

At iyan na nga po ang sinasabi ko, matraffic na naman at di ko namalayan na nakatulog na ako dala na din ng pagod.

"Babe, inaantok ka ba?" tanong ng katabi kong ubod ng gwapo. Ngunit dahil sa aking antok ay napatango na lang ako. Naramdaman ko namang isinandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat na mas lalong nagpakomportable sa akin na matulog.

.

.

.

.

.

Hindi ko na namalayan kung nasaan na ako at napasarap ang aking tulog. Basta ang natatandaan ko lang ay pinatulog ako ng gwapong kuya sa balikat niya. Naalala ko na naman ang itsura niya, matangos na ilong, mapupungay na mata at mapupulang labi. Nang magbalik na ako sa katinuan at tapos ng kiligin ay saka ko lang naisip na mukha na akong tanga.

Bigla kong naalala na magpasalamat sa kanya kaya't napalingon ako sa aking kanan kung nasaan siya. Ngunit ang inaasahan kong love story ay biglang gumuho.

Si kuyang gwapo wala na at ang masaklap pati ang aking gamit ay tuluyang nawala na din. Si kuyang gwapo, magnanakaw pala.

The End.

Love Story? (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon