Hiiiii. Just want you to know me first.
Ang pangalan ko ay Athena. Syempre, hindi ko sasabihin real name ko kahit na sinabi ko in the first place na kilalanin nyo muna ko. Hahaha! Sorry na ha? Grade 9 na ko. 14 years of age. Nakatira ko somewhere in Bulacan. Lima kaming magkakapatid. Ang mama ko at mga kapatid ko ay mga taga-Quezon City. Ako lang nandito sa Bulacan. Ang papa ko, kasama na ni God eh. :) And nakatira ko sa side ng papa ko. Since birth. Sila na nagpalake at nagpaaral saken. Since pre-school hanggang elem., private nila ko pinag-aral. Nitong highschool lang ako nagpublic. Excited na nga ko magSenior high eh. Hahahahahahayssss!Ako yung tipong babae na palamura. Haha! Nakakatawa nga eh. Kase, laki ako sa isang Christian School. Kaya pigil pigil talaga ko magmura nun. Alam ko kaseng masama eh. Mga kalagitnaan ng pagiging elementary ko, nasusubukan kong magmura. Pero still, naagapan ko pa naman. Haha! Pero nung naghighschool ako. Grade 7, pag may naririnig akong may nagmumura sa isa mga kaibigan o kaklase ko, binabatukan ko. Realtalk! Tapos sasabihin ko, "YUNG BUNGANGA MO NGA!!!!! PANAY MURA AH!" Pero ewan ko ba. NagGrade 8 & Grade 9 ako, ako na yung sinasaway ng mga kaklase o kaibigan ko pagdating sa pagmumura. Hahahaha! Ewan ko ba't nagkaganun. Hayssss. Haha!
Mga tropa ko, mga lalake. Madalas akong One Of The Boys Hahah! Pero hindi ibig sabihin nun, malandi ako. Yung iba kase pag One Of The Boys ka, yun lang yung way mo para lumandi. Pero ang totoo, Medyo Boyish talaga ko umarte Kaya kong sumabay sa trip nila. Nakikipagsuntukan ako, kung umasta ko parang lalake sa mga tropa ko. Hahahah! Mga ganun. Mga trip nila, trip ko din talaga. Hindi sila plastik eh. Ansasarap kaya kasama ng mga lalake kahit bugok. Kase more on kalokohan talaga, mga partner in crimes ko yun eh. Sa mga troubles magkakasama kame Walang laglagan. Hahahahaha! Mga tropa ko? Sila yung tipong may mga bisyo pero nirerespeto nila ko pag ayaw kong bumisyo, hindi nila ko pinipilit. Pagka sila naisipang bumisyo, minsan ayokoooo! kaya nagbibisyo lang sila madalas pag wala ako. Sabi kasi nila, pag kinunsinte, di tunay na kaibigan. Pero kase, nakilala ko sila ng ganun na. Wala naman akong karapatan para pigilan sila. Dahil una sa lahat, hindi galing saken ang mga pinambibisyo nila. At tanggap ko kung ano sila, dahil ako, tunay na kaibigan nila. Sila yung tipong trip kung trip pero marespeto sa mga kaibigan nilang babae.
Isa kong Student Government sa paaralan namin. Tumakbo ko bilang isang Grade 9 Representative, pinalad ako. Lakas ng kapit ko kay Lord eh ☝ Dapat nga hindi ako tatakbo. Kaso kase sobrang lake ng oppurtunity para tanggihan ko. Nananahimik lang kase ko sa room nun. Recess namen. Tapos biglang .. "Uy Athena, may naghahanap sayooo" akala ko naman, Yung president ang hinahanap. Malapit kase sa pangalan ko yung pangalan niya. Tipong pag isinigaw, akala mo ikaw. siya pala. Hahahah! pero ako pala talaga ang hinahap. Muse kase ko hindi ako President. Wala naman kaseng ginagawa muse kaya bakit ako. Tapos lumabas na ko. Tapos tinanong ako kung gusto ko daw bang tumakbo. Syempre gusto ko yun. Hindi para maging popular. Basta bet ko talaga yun. Biglaan nga eh. Nakakagulat kase, hindi ko inaasahan. Kinuha lang ako eh, haysss. Tapos nun. Nalaman ng president namen. Sabe niya "Takbo din kaya ako?" Ayun, napunta siya sa kabila. At kalaban ko siya, hay nakoo. Kaibigan ko yun. At pinaka ayoko sa lahat, nakakalaban mga kaibigan ko. Pero siya, makikipagkumpitensya talaga siya saken. alam mo yung pakiramdam na magbaback out na ko kase sobrang lake talaga ng pag-asa na siya yung manalo? kasi Yes-O siya sa school namin. Madami siyang kakilala. Ako madaming nagagalit saken. Kesyo maarte daw ako. Ganun ganun. Tapos pagdating sa mga kaklase ko, sabe niya "Uy ako yung iboto niyo, pag ako nanalo magkakaroon ng JS" tapos makikita ko mga kaklase ko, sinasabe "Talaga? Osige." Mga tuwang tuwa sila, kawalan kaya ng pag-asa. tapos ako wala lang. Siya ginagawa niya lahat para manalo siya. Makapal kase mukha nun eh realtalk, haha. Pero dahil mas kilala ng mga kaklase ko kung sino nararapat, Pinili nila yun sa botohan. Di ko naman alam kung sino mga pinili nila eh. Pero hayss wala na kong pake dun. Basta "GOD IS WITH ME " ☺☺ Sobrang saya kaya ng kampanya. Enjoy na enjoy eh. Room to room kase. Tapos papakilala mo sarili mo, plataporma. As in yung puso ko, DUGDUG DUGDUG DUGDUG! Mayghaaaddd Whole day kameng ganun. Saya talaga promise. Habang tumatagal, dumadami mga kaibigan ko. Ang saya kayaaaaaa :) Hays. Pinakadabest siguro eh nung sa stage na namen gagawin mga ginawa namen nung Nangampanya, as in lahat ng nag-aaral sa school namen eh, nagsama sama. Lamig na lamig kamay ko nun. pero buti na lang may supportive akong boyfreng. Tapos nung tinawag na yung Grade 9 Representative eto na rarampa na kame ng partner ko. Pero promise nanginginig talaga ko. Pinauna ko syang magsalita kahit ako yung babae sa sobrang kaba. First time ko yun e, eh yung lalaki na yun lumalaban ng pageant sa school kaya may confident. Pero after nun, sobrang saya talaga. Kase yung result, ako ang napili ng kapwa ko mag-aaral para paglingkudan sila hayss.
Ako yung tipo ng estudyante na mahilig kausapin ng mga teacher. Kase mga kaibigan ko, mapababae at lalaki talaga, mga bugok. Bad Influence daw kase kaya lumayo layo daw ako. Pero syempre iba naman yung nakikita nila sa nararamdaman ko. Totoong kaibigan tong mga to nu. Eh yung mga nirereto nilang mga kaibiganin ko, kulang na lang ihipan para lumipad sa sobrang PLASTIKKKK!
Pero ayuuun. Sobrang sarap kaya mabuhay nang walang pinagsisisihan. ☺
Masasabi kong SWERTE KO SA MGA KAIBIGAN KO kase sila yung tipo na hindi ako iniwan. Andyan sila pag kailangan ko. Kahit na madalas wala ako pag kailangan nila ko. Naramdaman ko lang mga tunay na kaibigan nung Grade 8 ako. Kaya super happy akoo. Tipong kasama ko sila sa lahat ng troubles. Mapahappy man o nakakalungkot. Taghirap man o tagyaman, sila kasama ko! :) Sa lahat ng tawa ko, sila kasama ko. Basta promiseeee! Swerte ko nung nagkaroon akong SILA BILANG KAIBIGAN KO! :)
Ako din yung tipong OO, SWERTE SA KAIBIGAN PERO LAGING SAWI SA PAG-IBIG! LAGING NALOLOKO.
Lagi kong iniiyakan mga lalake. Umiyak ako kase masaket. Sobraaaaa! hindi ako sineseryoso eh. Hahahaysss! Ayos lang! Alam ko, someday maiintindihan ko din kung bakit hindi ako para sa kanila. Hindi para sa iba. Kundi para sa kaniya. hayssss! Can't wait na mahanap ko na yung The One ko kahit sobrang bata ko pa. Okay lang kay mama magbf ako eh :) pero syempre alam ko po limitasyon ko. Mas mahalaga yung "NO SEX UNTIL MARRIAGE" diba, :) Soooo ano? Let's start na? :*