Erza's Pov
Woops, welcome back to me! I'm so glad naging active na ulit tong story, matagal-tagal din yung pahinga ko ah!
Anyway, nakakabagot na ang buhay ko. Sawang sawa na ko sa pagmumukha ng tao dito sa bahay, si Dad? Uhm nandoon siya sa basement, dinadalhan na lang siya ng pagkaen don. And ngayon, kakatapos ko lang gumawa ng paper works na kailangan papirmahan ko sa daddy ko! Para maipamana na niya sakin yung kayamanan niya diba?
"Ma'am."
"Oh? Can't you see I'm busy?"
"May bisita po kayo"
"Sino?"
"COUZ!!!"
"Dynna? Anong ginagawa mo dito?"
"Eh di ka sumasagot sa mga calls ko eh! Namimiss na kita, kamusta na ba yung mga money mo? Nakuha mo na?"
"Eto, natapos ko na yung paper works. Papapirmahan ko na lang dad"
"What are you waiting for? Papirma mo na."
"Di maganda ang kalagayan ni dad, sa tingin mo mapapapirma ko siya?"
"So anong gagawin mo?"
"Di ko alam"
"Wow, ngayon ko lang narinig sa isang perre ang salitang di ko alam. Ngayon ka lang yata nawalan ng plano?"
"Napapagod na kasi ako eh, ang hirap maging kontrabida no. Nakukuha ko lahat ng gusto ko pero para makuha ko na lahat-lahat, walang tumutulong sakin"
"I can help you"
"How?"
"Tawagan natin si Atty.Vuenca, magaling siya sa mga ganyan"
"Osige, kailan?"
"Now. Masunurin naman siya sa pamilya namin"
Lumabas saglit si Dynna, siguro kakausapin na yung Atty.Vuenca na sinasabi niya.
And yeah, si Dynna yung pinsan ko na kasabwat ko sa pagsira ng buhay ni Renee. Sinabi ko sa kanya na agawin niya si Yuan kay Renee, para dumami problema niya or worst para madepressed siya. Kaso wala na kong balita sa impaktang yun, tinamad na din kasi akong hanapin siya eh. Nung tumakbo siya galing mini eleven? Wala na, di ko na siya hinabol, mas nagfocus ako dito sa kayamanan ni Dad. Peste lang sa buhay si Renee eh, bat ko pa siya pagaaksayahan ng oras, right?Naalala ko bigla si Charlie, kamusta na kaya yun? Alam niyo bang siya ang minahal ko sa buong buhay ko? Nauna kaming nagkakilala bago si Renee, masaya naman kami nun eh. Sobrang saya! Kaso tangina, nang dumating si Renee sa buhay niya? Nakalimutan niyang may girlfriend siya, nagmakaawa ako sa kanya, ginawa ko lahat para maging kami ulit, ako ang naghabol, ako ang ilang beses na-reject, hindi siya. Masakit, sobra. Kaya naisipan kong sirain buhay ni Renee eh. Dahil sa totoo lang, buong buhay niya alam ko. Nagka-amnesia siya dahil sa nanay niyang tatanga-tanga? Naglayas dahil nahuli yung tatay naming gago na may kabet, hinabol ni Renee, nagtulakan tapos naaksidente. Oh how cool right? And then yung ni-reject din siya ni Charlie, si Charlie na ngayon ay Jace na. Kinain kasi siya ng konsensya niya nang malaman niyang maaksidente si Renee eh, nagpanggap na bestfriend tapos binaliktad pa yung kwento. Ako pa daw ang nag-reject sa kanya, at siya ang naghabol. I'm like wow. Ako pa ang lumabas na masamang tao.
Hindi ko din kaya maintindihan ang case ni Charlie/Jace, whatever. Para siyang desperado sa isang bagay, na kailangan kapag naisipan niya, gagawin at gagawin niya nang walang pakundangan, feeling ko may mental disorder na yun, gusto ko siyang ipagamot, dahil sa totoo lang, mahal ko parin siya sa kabila ng pagdurusa ko sa kanya noon. Gusto kong magsimula siya ulit, bagong buhay kuno. Yung maayos na yung pagiisip niya, hindi yung ipipilit niya sa mga taong nakapaligid sa kanya na siya si Jace at hindi si Charlie, yung hindi takot sa mga tao at super friendly. Ganyan kasi yung pagkakakilala ko kay Charlie eh, mabait sobra.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (On Going)
Fiksi RemajaA girl who lives in lies, how will she know the truth? Would anyone will tell her? Or she could figured it out herself? How can she escape? Or will she? What if she doesn't?