C/N: Dahil emo ako ngayon. xx
Hindi man natin sabihin, hindi man natin ungkatin, hindi man natin pag-usapan, yung mga masasayahin,sabog,baliw na fangirls, nagdadrama rin yan,nasasaktan. Maraming fangirls ang miserable ang buhay pero kinakaya pa rin nila kasi nandyan yung idol nila. Nandyan yung dahilan kung bakit siya namumuhay.
Sa totoo lang,napakarami kong kilalang tagahanga na naglalaslas,oo,naglalaslas. Yung mga fans na gusto na talagang mamatay? Who knows,kasama pala ako don,kasama ka pala don? Yun yung mga fangirls na sobrang laki na ng naiambag ng idol nila sa kanila. Bakit? Kasi yung idol nila,ayan yung inspirasyon nila sa lahat ng bagay. Maaaring ayaw pa niyang magpakamatay ng tuluyan, kasi gusto pa niyang makita si bias, gusto pa niyang maging asawa ng iniidolo niya. Gusto pa niyang maging masaya kakafangirl.
Kahit ang mga fangirl,hindi sila kilala ng mahal nila,okay lang sa kanila basta masaya sila. At malay mo,yun lang pala ang kasiyahan niya?
Hindi natin masasabi kung hanggang kailan ang buhay ng isang fan na miserable ang buhay. Paano na lang kung hindi na sikat yung idol niya? Paano na lang kung nawalan na siya ng feels? (Realtalk 1 lol) Paano na lang yung buhay niya? Isipin mong mabuti.
Kaya sana,ang payo ko sayo, iwasan mo yung pakikipagaway sa mga fangirls na hindi mo kilala. Kasi paano kung may mabitawan kang masakit na salita? Iwasan mo rin yung pamamahiya kasi hindi mo alam,ayan na yung makakapatay sa kanya?