Chapter 1

107 1 0
                                    




Hello, guys! NOTE: Sa bawat chapter ay may katanungan. Umaasa akong masasagot niyo 'yun, comment your answers at kung sino ang unang may tumpak na sagot, may prize! Good luck and thank you. ♡

Chapter 1 - Bakit nag kakaroon ng kabit ang asawa mo?

Jirby's POV

I parked my car in the usual part, of course, sa garahe ng bahay. Nakaka-stress sa opisina. Sana masarap ang ulam.

"Hi, Daddy!" bati sa akin ni Jannah.

"Hello, Jannah. Where's Mom?"

"She's upstairs, Dad." magiliw na sagot ng anak ko. 5 years old na siya. Samantalang pitong taon na akong may asawa.

Umakyat ako sa kwarto namin ni Mina. Naabutan ko siyang may kausap sa telepono. Narinig ko 'yung pagsabi niya ng address namin.

*sigh* Deliver na naman. Hindi kasi siya marunong mag luto.

"Oh. Andyan ka na pala, Love." She said, without even kissing me.

Sabi sa facts, dapat ay sinasalubong ng halik ang asawa para ganahan umuwi. Tsk. Pitong taon kaming ganito. Walang bago.

"Siya nga pala, nagpa-deliver ako ng pagkain." sabi niya at naupo sa kama habang nagbabasa ng kung ano.

"Yeah, obviously." I said. Dumiretso ako sa walk-in closet at binuksan ang ilaw. Ako na mismo nagtanggal ng neck tie ko. Hindi man lang niya ako inasikaso.

Pagkatapos ko magbihis, wala na siya sa kama. Dumating na siguro 'yung pagkain.

"Daddy, oh! Stars!" sabi ni Jannah. May tatak siya sa kamay.

"Wow, very good, baby." puna ko sa kanya. Si Jannah na lang ang nagiging stress reliever ko.

Kumakain na kami sa hapag. Kinamusta ko ang araw ng mag-ina ko.

"Ayos naman. Normal lang. Nag grocery na din ako, mga pang baon ni Jannah."

"Nabilhan mo ba ako ng toothbrush? Binilin ko nung isang araw." Sabi ko sa kanya.

"Ay! Hindi pala." tumango na lang ako.

Pati ba naman simpleng bagay hindi niya maasikaso. Kahit doon ko lang sana maramdamang may asawa ako. Tsaka, isa pa, siya lang may gusto na magpakasal kami.

Kung sana'y di niya ako pinikot.






Okay! Maigsi muna ito. Try lang. Hihi. So, comment your answer, guys! Salamaaaat. ♪

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm the Mistress of my Ex-boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon