Prologue

34 1 0
                                    

101214/Times Square, New York Bldg. 2/ 10:45 pm

"Hindi ko alam!!" Sabi ng lalaking nakaluhod sa sahig at halos di na makilala ang itsura dahil sa mga bugbog na natamo nito.

"Alam kong alam mo, sasabihin mo o sagot ko na ang libingan mo?" nakangising sambit ni Hendrix habang tinututok ang baril sa ulo ng lalaki.

[Name: Hendrix Gauge]

[Age: 18]

[Under: Oxford]

[Skills: Sharpshooting]

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo?!! Wala nga akong alam!!" sigaw ng lalaki

Napansin ni Hendrix ang pag-igting ng bagang at nanlilisik na mata ng kasama niyang si Deacon kaya lumapit siya dito.

[Name: Deacon Lux]

[Age: 20]

[Under: Oxford]

[Skills: Hacking]

"Pano ba yan pards? Matibay tong isang to, ayaw umamin tuluyan na ba natin?" sabi ni Hendrix kay Deacon at inakbayan ito.

Tinaas ni Deacon ang kanyang salamin at tinutok ang hawak niyang baril kay Hendrix .

"Taena pards!! Chill ka lang!!" Pagkakalma ni Hendrix kay Deacon habang lumalayo dito.

"Gago talaga tong si Gauge, alam namang laging may regla yang si Lux" natatawang sabi ni Javier habang papalapit sa dalawa.

"Tsk mga ugok talaga" bulong ni Deacon at ibinalik sa bulsa niya ang kanyang baril. Natawa na lang si Javier at lumapit sa lalaki.

[Name: Javier Price]

[Age: 18]

[Under: Oxford]

[Skills: Defusing Bombs]

Inapakan ni Javier ang likod ng lalaki kaya naman napadapa ito.

"Alam mo brad, sabihin mo na kasi kung nasan siya." Igting na sabi ni Javier habang hinihila ng madiin ang buhok ng lalaki.

"Kahit anong gawin niyo!! Hindi ko sasabihin kung nasan siya!!!" sigaw ng lalaki kaya naman pinukpok ni Javier ng baril ang lalaki dahilan para mawalan ito ng malay.

"Mukang wala tayong mapapala dito ah?" sabi ni Hendrix.

Biglang nagring ang cellphone ni Hendrix kaya naman napatingin ang dalawa sa kanya.

"Taena! Si Bossing tumatawag!" tarantang sabi ni Hendrix

"Bat di mo sagutin?" nakangising sabi ni Deacon

"Lanya naman mga tsong, wala ba kong moral support jan?" kinakabahang sabi ni Hendrix

"Gago sagutin mo na lang" natatawang sabi ni Javier

"Ang saya mo ah?" nakabusangot na sabi ni Hendrix. Sinagot niya ang tawag at niloud speaker ito.

"He-Hello bossing! Magand---" agad na naputol ang sasabihin ni Hendrix

"Bakit ang tagal mong sumagot?!" sigaw ng boss nila kay Hendrix kaya natawa si Deacon at Javier.

"Pasensya na boss naghahang yung cellphone ko eh." pagdadahilan ni Hendrix habang nagkakamot ng batok. Si Deacon at Javier naman halos mamatay na sa kakatawa.

"The same with Price and Lux, you shits ain't fucking answering my calls!" pagalit na sabi ng kanilang boss nila na siyang ikinaputla ng dalawa kaya natawa ng mahina si Hendrix.

"There's nothing funny you goddamn rascal" malamig na sabi nito at agad namang nanigas si Hendrix.

"Opo ser, ano po bang maipaglilingkod ko?" sagot ni Hendrix

"Get your shits out of there. We're going back."

--------------------------------------------------------------------

Under The King's ControlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon