Pagdating namin sa classroom. Nandoon na lahat maliban sa teacher namin. Bakit wala pading teacher? Napatingin ako sa relo ko.
Ay shunga! Shunga ko talaga. 12:30 palang pala.
"Aba! May friend na si Bebang oh. Yayamanin pa. Big time!" Sabi ng babaeng nasa likod namin.
"Oo nga. Kung ako sayo Miles, wag mong kakaibiganin yang si Bebang. Ang ganda mo samantalang si Bebang ang pangit pangit. Kapag magkasama kayo magmumukha lang siyang negrang alalay." Nakangising sabi ni Kurt. Nagtawanan naman ang iba.
"PANGIT! PANGIT! PANGIT!" Sigaw nila.
Ayan na naman sila. Mga walang magawa sa buhay.
"Wag mo na silang pansi--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Miles.
"Eh ano kung pangit si Bebang?"
Aray naman Mimi. Akala ko pa naman seryoso siya sa sinabi niya kanina na maganda ako.
T_T
"Ganito ba kayo dito? Mga walang respeto sa kapwa niyo? Eh ano kung naging magkaibigan kami ni Bebang? Angal kayo? Bakit? Hawak niyo ba ang buhay ko para sabihin kung sino ang mga dapat at hindi ko dapat na kaibiganin? Damn! Kahit ganyan siya mas gusto ko siyang kasama kesa sa mga katulad niyong balahura ang ugali."
Natahimik naman ang lahat.
Nakita ko namang umirap si Sheena. Ang maldita sa classroom namin.
"What's happening here?" Biglang pasok ni teacher Shane Rosario.
"Kasi nama--" Tinakpan ko naman agad ang bibig ni Miles.
"AH.. ma'am nag-aaktingan lang po kami." Palusot ko.
"Are you sure? Nothing's happening here?"
Tumango-tango naman ako.
"Yes ma'am." Nakangiti kong sagot.
"Okay then." Sagot niya at dumiretso sa table.
Phew!
Nakita ko namang kinuyom nalang ni Miles ang kanyang kamao.
"Ano kaba naman? Dapat sinusumbong yang mga yan eh." Bulong niya sakin na may halong inis.
"Hayaan mo na. Sanay naman na ako." Bulong ko din sa kanya.
"Wait. Sanay kana? It means hindi ito ang una? Dati kana nilang ginaganito? Aysh! Lumalaban kadin ba kahit minsan?" Pabulong niyang tanong.
"Hmm.. Hindi." Sagot ko.
Nasapo niya naman ang noo niya.
"Matuto ka namang lumaban Bebs. Dapat pinagtatanggol mo din yung sarili mo."
"Wala namang mangyayari kung papatulan ko sila. Lalo lang lalaki ang gulo." Paliwanag ko.
"Alam mo ba kung bakit ka nila laging inaapi? Kasi nagpapa-api ka. Di ka naman nila gaganyanin kung hindi mo sila hinayaang apihin ka." Miles said while shaking her head.
"Ehem. Ms. Lopez and Ms. Ruiz! May i interrupt your convo?" Singit ni Ma'am Rosario.
Kanina pa pala sila nakatingin sa amin ni Miles. Ni hindi man lang namin namalayan.
"Sorry po teacher." Paghingi ko ng paumanhin.
Natapos ang klase sa buong maghapon na walang nambubully sa akin. Thanks to Mimi. Bantay sarado niya ba naman ako.
Ito na ba ang simula ng tahimik kong buhay? Oh my! Sana nga.
Kasabay kong maglakad pauwi si Clip ngayon. Natatandaan niyo ba siya? Siya yung babaeng nakilala ko sa field. Pareho kasi kami ng dadaanan pauwi. Kaso pagdating sa kanto namin, maghihiwalay na kami ng landas (Char! Ansabe ng maghihiwalay ng landas. Haha). Kasi pagdating sa kanto namin, doon na siya sa kaliwang daan at ako naman sa kanan. Sadlayp!
Kanina bago ako umuwi. Pinagpipilitan ni Miles na ihatid ako pauwi. Haru jusko! Ang lapit lang po ng bahay namin. Sa huli, ako padin ang nanalo.
"Alam mo Clip. May nakilala ak--"
"Anong nakilala mo? Maligno? Kapre? Tikbalang? Ano? Magkamukha ba kayo?" See? Ang baliw mag-isip ng babaeng 'to.
--____________--
Hinampas ko naman siya ng mahina sa ulo. Close na kami e.
"Gaga! Ang OA mo."
"OA? As in Onggoy Ako? Aray ko naman." With matching hawak sa puso niya.
"Patapusin mo kasi muna ako. Okay?"
Tumango-tango naman siya.
"May nakilala ako. Newbie siya dito sa school natin at kaklase ko siya. Alam mo ba ang ganda niya at ang bait-bait pa." Natutuwa kong sabi.
"Hmm." Si Clip.
"Anong hmm?" Sabay tingin ko sa kanya.
"Oh? Bakit naman bigla kang nalungkot?" Tanong ko.
"Kasi... may bago kanang friend tapos kakalimutan mo na ako tapos ako nalang mag-isa uuwi kasi nga may bago kanang kaibigan tapos rereypin ako kasi nga ako nalang mag-isa ang naglalakad pauwi tapos tsutsugiin ako ng rapist tapo--"
"Ano ba yang iniisip mo Clip Cortez?" Galit kong tanong sa kanya.
"Loka-loka ka talaga. Syempre hindi kita kakalimutan. Ikaw kaya ang unang naging kaibigan ko. Kaya hindi kita kakalimutan noh." Sabay kurot ko sa pisngi niya.
"Ayiiee!" Ay kinilig ang bruha.
"Osiya nandito na tayo sa kanto. Bye Clip." Paalam ko sa kanya.
"Bye Chetara." Parang di ako sanay tawagin sa totoo kong pangalan.
"Bebang nalang kasi." Ako.
"Di bagay sayo ang Bebang, ano kaba? Saka real name mo naman yun ah." Sabi pa niya.
"Ah basta. Bebang nalang." Ako.
"Oo na. Oo na. Bye Che. Hihi." Ang kulit din talaga.
At tumalikod na siya sa akin kaya nagsimula na akong maglakad pauwi.
(A/N: Hi readers! Kaway naman kayo oh gamit ang siko. XD Salamat sa mga patuloy na nagbabasa nito. Dont forget to vote and comment your saloobin. ^___^)
BINABASA MO ANG
THE REVENGE OF BEBANG
Teen FictionMeet Bebang. An ugly and black girl who's being bullied by others na nawawalang anak pala ng isang mafia boss at isa sa pinaka-maimpluwensyang tao sa bansa. Simula nang malaman niya na anak siya ng isang mafia boss, pinangako niya sa sarili niya na...