Who Killed You?

7 0 0
                                    

Please do not distribute the contents of this story without the permission of the author. Again, please obtain permission.

Title: Who Killed Who?
Author: iHoneyDew
Genre: Mystery/ Thriller/ Horror
Words: 4374
COMPLETED

"Tama na po!"

Napatingin ako sa bahay na nasa tapat ng mismong bahay na tinutuluyan ko. Bahagyang nakabukas ang pintuan nito dahilan kung bakit nakita kong sinasaktan ng babae ang kanyang anak.

"Hindi ka talaga nagtututong bata ka! Ilang ulit ko nang sinabi sa iyo na gusto kong nakahain na ang almusal pagkagising ko!"

"Pasensya na po. Nahuli po kasi ako ng gising at natagalan po ako sa pag-iisip ng maaaring ihanda dahil wala ng natirang pagkain sa ref," isang malutong na sampal ang natanggap ng bata mula sa kanyang ina.

Napailing na lang ako at umiwas ng tingin. Itinuloy ko ang pagdidilig sa aming mga halaman.

Mag-iisang buwan na akong nakatira dito at hindi na rin bago sa akin ang ganitong eksena. Madalas kong nakikita ang mag-inang iyan na nagsasakitan. Kadalasan ay sampal at suntok ang nakukuha ng bata mula sa kaniyang ina. Minsan naman ay binabato ang bata ng mga baso, vase, pinggan o kaldero ng kaniyang ina kapag ito ay galit na galit. Minsan kong nakasalubong ang bata at nagulat ako ng nakita ko siyang puno ng pasa at sugat. Gusto ko man siyang tanungin kung ano ang nangyari sa kanya ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako sa kanya.

Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang trato ng babae sa kaniyang anak. Kalaunan ay nalaman ko mula sa aking kaibigan na siyang may-ari ng bahay na tinitirahan ko ngayon na ang bata ay anak lamang sa labas ng kaniyang ina. Namatay daw ang tunay na ama ng bata kaya napilitan ang babaeng kunin na lang ang kaniyang anak na siyang bunga ng kaniyang pagkakamali. Ang bata daw ay sinasaktan din noon ng kaniyang tunay na ama.

Ang malas niya. Sobrang malas niya. Bata pa lamang siya pero sobrang kamalasan na ang mayroon siya. Kahit na bunga siya ng isang pagkakamali, hindi parin tama na saktan siya.

Napabuntonghininga ako sa aking naisip. Naisip ko na rin noon na ang malas ako pero mukhang may mas malas pa pala sa akin.

"Zitty!" naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko ang matinis na tinig ng kaibigan ko. Nakadungaw siya sa pinto at may nakapulupot na towel ka kanyang buhok. Mukhang kakatapos niya lang maligo.

"Bakit?" tanong ko at agad naman siyang nameywang.

"Anong bakit ang pinagsasabi mo?! Para malaman mo, mag-aalas siete na ng umaga. Maligo ka na at malelate na tayo!"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi niya. Agad kong pinatay ang gripo at isinauli ang balde at tabo bago pumasok at nagmadaling pumunta sa kwarto.

Kinuha ko ang aking towel na nakasabit sa hanger bago pumunta sa banyo. Nagmadali akong maligo ngunit sinigurado kong malinis pa rin ang katawan ko.

Nang matapos ako sa pagligo ay agad akong lumabas ng banyo at kinuha ang aking mga damit na nakapatong sa aking kama. Naihanda ko na ito kanina kaya wala na akong problema. Ginawa ko ang mga karaniwan kong ginagawa bawat umaga. Nagblower ako ng buhok at naglagay ng konting make up. Nakasimpleng black peplum dress ako at doll shoes. Mataas ako kaya hindi ko na kailangan pang magsuot ng heels. Isa pa, masakit iyon sa paa.

Sinugurado kong wala na akong nakalimutan bago ako lumabas at nilock ang aking kwarto.

"Tara," pagyaya ko kay Nice. Tumayo siya at inis na tumingin sa akin. Umirap siya at nagsimula ng maglakad palabas. Bumuntonghininga ako at sumunod sa kanya pagkatapos kong ilock ang main door.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who Killed Who?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon