Kabanata 31: Strugggle

759 15 1
                                    

Naibagsak ko ang aking balikat ng makapasok ako sa kwarto at linapag ang bag sa kama. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuntong hininga. Muli kong dinial ang number ni Carlos ngunit ring lang ng ring at hindi niya sinasagot. Kinalma ko ang aking sarili at kumuha ng damit sa closet niya. Dumiretso ako sa banyo para maligo. I feel sore and wet. Nanlalagkit parin ang pakiramdam ko dahil sa ginawa kanina ni Carlos.

Binuksan ko ang shower at hinayaan ang pag agos ng tubig sa katawan ko. Gusto kong sumigaw at itapon ang unang bagay na mahawakan ko. Nagagalit ako. Naiinis. Kung hindi din lang naman pala ako malalaanan ni Carlos ng oras ay sana hindi na lang ako pumunta dito. And worst, nasaan siya sa mga oras na ito? It's almost midnight for god's sake! Umiling ako at pinatay ang shower. Sinandal ko ang katawan sa dingding at bumuntong hininga. What if he's at the bar? Paano kung kasama niya si Stacey at nag iinoman sila? God. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Kung matapang lang sana akong iwan siya ay kanina pa sana ako bumalik ng La Union. Pero hindi, I am his fiancé. Hindi ako 'yong tipo ng taong iniiwasan ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Pero itong ginawa saakin ni Carlos? Ang paghintayin ako sa wala at iiwanan ay nakakaubos lang ng pasensya. Hindi siya ganito. Hindi. Sigurado akong may importante lang siyang pinuntahan. Napaghandaan ko na ito sa totoo lang. Noong pinayagan ko siyang manatili dito ay naisip ko na ang mga posibilidad na pwedeng mangyari. I'm aware of it. Pero shit lang at hindi man lang siya nag paalam. Alam niyang maghihintay at maghihintay ako sa kanya. But he still chose to left me like a stupid in his office.

Pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko at tinapos na ang pagligo. Sinuot ko ang isa sa mga plain t-shirt niya at ang kulay itim niyang boxer. Blinower ko ang aking buhok at humiga sa kama. Muli kong sinulyapan ang phone ko ngunit wala pari siyang text o di kaya ay tawag. Gusto kong bumaba at tanungin si manong Marjon kung ganito ba siya laging umuuwi ngunit baka tulog na siya. Yinakap ko ang unan at pinikit ang aking mata. I hate this feeling. Ayoko iyong binabalewala ako ni Carlos. Or is he really doing it now? Ang balewalain ako.

Nagising ako ng maramdamang lumubog ang kama. Mabilis akong bumangon at nakahinga ng maluwag ng makita si Carlos. Wala siyang saplot na pang itaas at tanging boxer lang ang suot niya. He smell like fresh from the bath. Nginitian niya ako at umupo sa tabi ko. Hinaplos niya ang pisngi ko ngunit tinaboy ko ang kamay niya.

"Nagising ba kita? I'm sorry, my Odessa. Go back to sleep now." akmang isasama niya ako sa paghiga ngunit muli kong tinaboy ang kamay niya.

"Are you drunk?" natigilan siya at umiwas ng tingin. Pansin ko rin ang paglunok niya at bumigat ang paghinga niya. Kinalma ko ang aking sarili at naikuyom ang kamao. My God! Tama nga ang hinala ko at galing siya sa bar! Amoy alak ang hininga niya!

"No. Hindi ako lasing, Odessa. Let's sleep." umiling ako at tinignan siya ng mariin.

"You can't fool me, Carlos! Alam mo bang ilang oras akong naghintay sa opisina mo? Nag mukha akong tanga kakahintay sa'yo! Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot ang tawag ko. Tapos ito? Uuwi ka ng dis-oras ng gabi at lasing ka? Is this how you waste your night?"

"God, Odessa, it's almost one in the morning! I'm tired, please, matulog na tayo." sandali akong natigilan at hindi makapaniwala sa narinig. Bumuntong hininga siya at naihilamos ang palad sa mukha.

"What? You're tired? Napagod ka sa pag inom? Ako Carlos natanong mo na ba ako? I went to your office straight! Natanong mo na ba kung kumain na ako? Tapos sasabihin mong pagod ka? Carlos napagod din ako sa biyahe papunta dito! Wow! I can't believe you!" napahikbi ako at umalis sa kama.

Pinunasan ko ang aking luha at kinuha ang bag ko. I was shocked. Ni minsan ay hindi ako trinato ni Carlos ng ganito. Ngayon lang at parang ako pa ang sinisisi niya kung bakit siya napagod. God. Sana hindi na lang ako pumunta dito. But I still don't regret it. Dahil kung hindi ako pumunta dito ay hindi ko malalaman ang gawain niya. Wasting his night and time at the bar with who knows? Maybe it was Stacey!

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon