Ako nga pala si Coleen, at Siya si Jhong...
DATI :
Ako yung laging katabi mo. :""">
Sabay tayo papasok. Sabay tayo uuwi.
Sabay tayo magrerecess. Dati ang saya pag naglalaro tayo. :)) Dati ibe-beat ko pa yung score mo sa temple run.
yung kahit isang beses lang tayong sabay mag lunch dko yun makakalimutan. hihi. 3.14.13 :)))
Dati, ako yung dahilan kung bakit ka masaya, ngayon hndi na.
Masaya nako makita kalang. Makasama kalang.
Dati araw araw tayong magkatext. Lagi tayong nagchachat.
Dati Lagi akong may load.
Dati iisa lng katxt ko ngayon wala na. -________- Dati tabi tayo ng upuan pag exam, kung hindi tabi magkatalikudan. Yung mga terms na tayo lang ang may alam ng ibig sabihin, naalala mo paba yun? PERO DATI NA YUN, baka nakalimutan mo na. Dati pagkagising ko ng umaga text mo na agad mababasa ko. Dati baby/babe tawag mo sakin ngayon di mo na ata ako kilala.. Dati buhok ko lang hinahawakan mo, ngayon iba na. Dati akin ka pa, ngayon dina, hindi na talaga -.- Dati excited ako lagi kapag 19, ngayon parang ayaw ko ng dumating pa. Dati akala ko magiging masaya, dati akala ko tayo na talaga. Pala hndi. Dati akala ko ako lng mahal mo. Hndi pala. Dati akala ko forever na. Pala hndi. Dati akala ko ako na ung pinakamasaya, pinakaswerte at pinakamagandang babae para sayo, mali pala ako. Mali talaga ako, dahil nag-assume lang ako. Dati ako lang yung nakikita mo. ngayon hindi na, bukas na ulit ang puso at mata mo sa iba.. Dati masaya tayo. Yun bang parang wala nang bukas. Masaya, na parang tayong dalawa lang yung tao sa mundo. Yun halos araw araw akong excited pumasok kasi gusto kita lagi nkikita. Mas gusto ko nga na sana walang bakasyon. Yung sana laging may pasok. Kasi yun lang yung mga araw na magkakasama tayong dalawa. Pero ngayon parang ayoko nang pumasok. Ewan :/ Dati, kapag nagseselos ako, anjan kana para maglambing. Ngayon, wala na. Wala na ikaw pake. Yun bang wala lang sayo. Sabagay, wala naman na talaga akong karapatang magselos. Ang sakit lang. HAHAHA XD
Naalala mo paba yung nung 12.19.11? Nakalimutan mo na siguro. Birthday ko yun. Yun lang :)))))))))))))
Oh eto, naalala mo paba yung nung 12.08.12? Syempre Birthday mo po yun. May kasalanan pa ako sayo nun. SORRY :((((((
Naalala mo pa din ba yung nung 12.19.12? Siguro hindi na rin...? Nasayo paba yun? ANG KORNY at BADUY KO PA NUN EH. pero totoo lahat lahat ng sinabi ko dun.
Sana :
Sana nangyari nalang to kapag graduate na tayo ng high school no? Para alam mo yun? Para madali nalang kalimutan. Para madali nalang mag move on. Para hndi na kita nakikita at hndi mo na rin ako nakikita. Sana hndi mo nalang ako tinanong kung pwede mo ba akong maging girlfriend. Sana ki-nontrol ko nalang nararamdaman ko dati. Sana hndi nalang kita nakilala :( kung ganito rin lang pala kasakit. PERO. Hindi ako nagsisisi kung bakit kita minahal kasi MASAYANG-MASAYA ako sayo. Sa piling mo. Alam mo yun? ikaw kasi si First eh. Sabi ko sa sarili ko sana ikaw na rin si LAST. pero wala eh. WALA :(
*Sana hinabaan ko nalang pasensya ko sayo dati para masaya pa tayo ngayon, para tayo pa. Di sana ako pa yung gusto mo ngayon. Di sana ako pa yung mahal mo. Di sana sabay pa tayong mangangarap ngayon. Di sana yung mga plano natin tuloy pa. Di sana maisasama pa kita sa church. Di sana di ako nagkakaganito. Di sana hanggang ngayon tayo parin. Di sana hanggang ngayon kinikilig pako. Wala na rin tayong magagawa. tapos na eh :))))))
Kung alam mo lang :
Kung alam mo lang kung gaano kasakit na mawala ka sakin.
Kung gaano gumuho ang mundo ko nung nawala kana sakin. Kung alam mo lang kung GAANO kasakit tiisin na hndi ka itext/ichat. Kung alam mo lang kung ano yung nararamdaman ko nung tinatanong mo ako kung may feelings paba ako sayo, at sabi kong WALA NA? Kahit OO talaga ang totoong sagot. Masakit eh :( pero tiniis ko. Tiniis kong hndi magpaapekto sayo.
Kung alam mo lang kung gaano kasakit malaman na wala nang pag asa. Kung alam mo lang kasi kung gaano ko lagi pinagdadasal na sana maintindhan mo nako. Kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga sakin. Kung gaano ka ka-special, kung gaano ka kagwapo para sakin. Kung alam mo lang kung gaano kasakit nung nabasa ko yung sulat at binalik mo lahat ng pictures sakin, parang gusto ko ng mamatay non. Para kong binuhusan ng malamig na tubig. Pero wala eh. Wala akong magagawa. KUNG ALAM MO LANG KUNG GAANO TALAGA KITA KAMAHAL. Oo aaminin ko mas minahal pa kita kesa sa mga kabigan ko. Mas nabigyan kita ng oras kesa sakanila. Mas nabigyan kita atensyon kesa sakanila. Nagkamali ako :(
Nasasaktan parin ako :
Kapag nakikita kita. Kapag nakikita kitang may ibang kasama/kausap. Kapag masaya ka sa iba. Kapag iba ang tinitignan mo. Kapag may katext/kachat kang iba. Pinipilit ko mang hindi ka tignan pero wala rin eh. Ganun ba talaga yun? Bat ang hirap? :( Bat nasasaktan parin ako? Bat ang sakit? Bat ang drama ko? Hahaha! :)))
Ang gusto ko lng naman kasi yung magbago ka at magbago rin ako. Yun mga pangit na ugali natin aalisin na. Kaya ko ginawa yung hiwalayan ka kasi sa akala ko magbabago ka, nagbago ka nga, pero ano eh. Hindi yun yung kilala kong ikaw.. At akala ko rin mas makakabuti sa sayo/atin. Pero wala pala. Mas lalong lumala. Ayoko sanang iwanan ka dati eh kasi mahal kita, ayaw ko talaga. Sino ba namang may gusto? Pero sa nangyayari kailangan talaga. Nung bakasyon? oo, medyo naka-move on ako ng konti. Medyo nakaya kong hindi ka itext at ichat. Medyo nakaya ko rin hindi ka isipin. Yung huling nag video call tayo? Naalala mo pa? Yun yung araw na hindi ko makakalimutan. yun yung pinakita mo saakin kung anong klase kanang tao ngayon. Yung hindi na si *toooot* na kilala ko. Na MINAHAL ko. Siguro yung nararamdaman ko ngayon, may halong GALIT, TAKOT, at SELOS, kaya hindi ko maintindihan. Pero ngayon, ngayong pasukan, ngayong nakita kita ulit, ewan ko kung bakit. ewan ko ba kung anong tawag sa akin. Dakilang Martyr ba? o sadyang t*nga lang? Kasi kahit anong gawin ko wala eh. Na hanggang ngayon galit na galit parin ako sayo. Hndi ko alam kung kaya ko pa. Alam mo kasi kung pwede lang akong magtransfer ng school, ginawa ko na, para mas madaling mag move on. Pero sayang loyalty award e. HAHA!
Hindi, seryoso. Ang hirap kasi wala tayong personal break-up. Ni hndi napagusapan lahat. Hndi ko alam side mo at hndi mo alam side ko.
Siguro tama ka nga. (KUNG NAGBREAK MAN KAYO, MAY PLANO SI LORD SAINYO AT MAY MAS MAKIKILALA KAPANG "MAS BETTER SAKANYA".) at alam kong sadya mo yun para saakin. Awts yun eh. Nanlamig ako nun. Hindi ko akalaing kaya mo palang sabihin yun. Siguro nga talagang naka-move on kana. at ako medyo hindi pa. Alam ko naman na may mas better talaga sa akin eh. Tanggap ko yun :) Inisip ko lalaki nalang sana ako para hndi ako masaktan ng ganito. Hihi XD
Hndi nako umaasa/nageexpect pa na magkakaayos pa tayo. Iniisip ko lang kung paano ko maeenjoy itong last year na ito kung sa tuwing nakikita kita nasasaktan ako.. Na sa tuwing maririnig ko yung boses mo natatakot nako. Ewan ko ba. Ang hirap talaga. Kainis. sana lang, isipin mo rin minsan na may taong hindi pa nakaka get over sa past niya kaya ganito. Siguro dahil babae nga ako, masyadong madamdamin. Buti nga ang mga lalaki, andaling makalimot. :(((((
SALAMAT NALANG SA LAHAT. PAGPAPALAIN KA NI LORD. PANGAKO YAN. MAIPAPASA MO YAN. MAGALING KA EH. KAYA MO YAN. KILALA KITA. GOODLUCK!
THANKS! :)
Just So You Know ♫ ♪ ♥ - Jesse McCartney
![](https://img.wattpad.com/cover/6232016-288-k536e1d.jpg)