I

28 2 0
                                    

[Hendrix's POV]

"Ahh! Sa wakas! Nanakit yung pwet ko dun ah!" pag uunat ko ng makalabas kami ng eroplano.

Umalis kami agad dahil sa utos ni Zander, ang boss namin, na babalik kami ng Pilipinas.

"Kala ko pa naman magtatagal tayo sa New York, sayang dami pa namang chiks dun." nanghihinayang na sabi ni Javier.

"Para namang lalapitan ka nila? Tsk tsk kawawa ka naman pards" asar ko kay Javier habang umiiling.

"Aray! Lanya naman tsong!" daing ko. Lakas ba naman mambatok ni Deacon.

Natawa na lang si Javier. Gago nun, konti na lang talaga iisipin kong magsyota yang dalawang yan. Lagi ba naman akong pinagtutulungan.

Naglakad na kami papuntang parking lot para kunin yung mga sasakyan namin.

"Still sexy as hell" nakangisi kong sabi pagkakita ko sa kotse ko. Pito lang ang models nito sa buong mundo. At ang isa nasa akin. Hahaha gwapo ko talaga.

"Namiss ko tong baby ko" Sabi naman ni Javier sabay yakap dun sa mustang niyang kulay pink.

"Gayshit" bulong ni Deacon pagkasakay niya sa kotse niya kaya natawa ako. Sinamaan naman kami ng tingin ni Javier.

"Tsk. Panglalaki kaya ang pink" nakangusong sabi ni Javier. Taena kinikilabutan ako.

"Whatever you say dude" sabi ko at sumakay na ng kotse.

Sumakay na din si Javier. Agad naming pinaandar ang makina ng mga kotse namin.

Nagkatinginan kaming tatlo.

"Paunahan?" tanong ni Javier habang nakangisi.

"Game." sabi naman ni Deacon habang nagsusuot ng gloves.

"Get set.." saad ko habang sinusuot ang shades ko. Para gwapo! este, gwapo na pala talaga.

"Go." sabay naming sabing tatlo at pinaharurot ang mga sasakyan namin.

Nagpaunahan kaming tatlo makarating sa mansion ni bossing.

At siyempre it's a tie. Tsk, no fun.

Bumaba ako ng kotse sabay tanggal ng shades at kinindatan yung mga maid.

"Hey ladies." Nagtilian naman yung iba kaya napatawa na lang ako.

"Yak brad, para kang may kuliti sa mata." sabi naman ni Javier

"Selos ka babes?" tanong ko at binigyan siya ng mapang asar na ngiti.

"Gago ka bro mandiri ka." sabi na lang niya at sumunod na kay Deacon papasok.

Hirap talaga pag pinanganak kang gwapo, pati lalaki napapaibig.

"Bat parang kakaiba na naman tong aura ng mansion ni bossing" sabi ko ng pagbuksan kami ng pinto nung mga katulong.

"Wag ka na magtaka, lagi namang biyernes santo dito." sabi ni Deacon

Nagpatuloy na kaming tatlo sa paglalakad at tumigil sa harap ng pinto ng opisina ni bossing.

Alam kong pareparehas na kaming kinakabahan ngayon. Si bossing kasi ready pumatay anytime, anywhere. Madami pa kong pangarap sa buhay!

"Ganto na lang, ako kakatok, kayo papasok--uyy!!" nagulat ako ng biglang buksan ni Deacon yung pinto at tinulak ako papasok. Sumunod naman si Javier.

"Tangina niyong dalawa humanda kayo sakin" bulong ko na lang. Nasubsob kasi ako eh malay ko bang andito pala sa harap si bossing. Lanya patay ako neto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under The King's ControlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon