Chapter 48: Which is it?

75 3 0
                                    

Matapos kong ihanda ang mga gamit ko ay agad kong isinukbit sa aking balikat ang dala kong duffel bag. Pagkatapos nung insidente sa photoshoot ay inihatid na lang ako ni Mervin rito matapos kong ipaliwanag sa manager na hindi ko kayang gawin yung pinapagawa nila sa akin.

Humingi naman ng sorry si Avi noon dahil pakiramdam daw niya e napressure niya ako sa ginawa niya pati na rin sa iniutos nung photograher nila. Hindi ko na lang inisip yung nangyari doon at sinabihan siyang huwag na lang isipin iyon.

Mula sa biyahe ay hindi na ako kinibo ni Mervin. Takang taka pa nga noon si Hana at pilit akong tinatanong kung may problema o kung nag-away ba kami ni Mervin. Pero nginingitian ko na lang siya. Wala namang kasalanan si Hana para pagbuntungan ko e.

Pagkalabas ko ng pintuan, "Hi." halos mapasandal ako pabalik ng pinto ng may biglang may magsalita sa aking tabi.

"Yuu! Ginulat mo ko." ani ko habang nakahawak sa tapat ng aking dibdib.

Umayos naman agad siya ng tindig mula sa pagkakasandal niya sa pader at humingi ng sorry.

"Bat ka nga pala andito?" tanong ko.

"I was just gonna ask you if you wanna see movies?" tumaas ang kilay ko nang mapansing parang nahihiya pa ito.

"I woud love to." hindi pa man ako tapos sa sasabihin ko ay mukha itong nabuhayan ng dugo at halata ang pagliwanag ng mukha nito.

"So let's go." masayang turan nito.

I pursed my lips before shaking my head. "What?" biglang bumagsak ang mga balikat nito na para bang alam niya na ang mga susunod kong sasabihin.

"May private session ako ngayon e." pagpapaliwanag ko at halata sa mukha nitong naguguluhan siya.

Dahil mukhang gusto pa niyang i-explain ko kung ano yung tinutukoy kong private session ay inaya ko na lamang siyang maglakad habang ini-expain iyon sa kanya.

Pagkatapos kong ikwento sa kanya kung anong ginagawa ko sa isang private session ay huminto ito sa may lobby lang ng condominium.

"Can I come?" nakangiti nitong saad. Tss. How can I say no to that?

"Of course."

Pasimple kong kinuha yung spare key ko sa aking bulsa bago buksan yung grand gate ng gymnasium. Yeah, it's Sunday. Walang ibang staff dito sa school kundi yung security guard lang.

"Are you doing this every weekend?" tanong ni Yuu mula sa likod ko at eksaktong nagclick open yung lock.

"Hindi naman lagi. Sometimes, I guess when I don't wanna think of things?" ani ko at tuluyan nang binuksan yung pintuan.

"So, may bagay bang ayaw mong isipin?" slang na pagkakasabi nito sa akin.

I smiled to myself nung maalala ko na naman yung mangyari sa amin ni Mervin. Nilingon ko si Yuu.

"Wala naman, kailangan ko lang talagang magpractice para sa nalalapit naming game."

"Can I help you with anything?" tanong nito.

Binuksan ko na rin yung supply room at hinila yung ball basket. "You play ball?" taas kilay kung tanong nung palapit na ako sa gitna ng court.

"Doesn't mean that I cook means I can't handle a little sweat." he smirked at pumusisyon na parang sasaluhin  yung bola.

Napangiti ako at pinasa sa kanya yung bola. He caught it, dribbled it in place before running swiftly under the ring and taking a lay up.

"Smooth." I smiled while nodding.

"How about a one on one?"

"Hinahamon mo ba ako?" pinamewangan ko siya.

"Well? Andito na rin naman tayo di ba?" sabi nito at nagkibit balikat na lang. 

Troy's POV

"Ahy gagu ka pare!" bulalas ko nang makabawi ako sa pagkakabuga ko nang iniinum kong beer.

"Kaya mo yan Troy, inum ka lang dyan." panggagago ni Jake at pakunwari pang hinahaplos haplos yung likod ko..

"Oh anong problema?"  tanong ni Mervin na kung makatitig ay parang tinanggalan ng kaluluwa sa pungay ng mga mata niya.

"One shitty bastard you are." rinig kong tugon ni Ven ngunit hindi kalakasan para marinig ng lahat. Sa tingin  ko nga ako lang ang nakapansin sa sinabi niya e.

Mukhang magulo na yung pinag-uusapan namin kaya i-explain ko na lang. Umiinom kasi kami rito sa may clubroom namin sa school. Nagtataka siguro kayo kung paanong hindi kami nasisita no? Well di ko nga rin alam e. First time namin uminom dito sa school ngayon. Ito kasing si Mervin bigla na lang sumulpot na may dala dalang dalawang case ng beer.

Una pa lang sisitahin na sana siya ni Chris, pero wala e nagkakaintindihan ang dalawa. Isang tingin pa lang nila sa isa't isa, alam na. So, speaking of which kung bakit ako biglang nagbuga ng beer ay dahil hindi ako sanay uminom. Hoy! hindi yun kabaklaan no! Mga mukha niyong lahat! Pagtatadyakan ko kayo e!

Pero joke lang! Hehe. Labs ko kayo e. Hindi kasi nakakagwapo ang alak. Good boy kasi ako di katulad ng mga lango sa alak na mga to lalo na yang si Ven! Shit, nalingat lang ako saglit nakaka-isang lagok pa lang ako, tumba na agad apat na bote sa kanya.

Ayy oo nga pala. Hindi lang pala dahil sa hindi ako sanay uminom kaya ako nabuga ng alak. Ito kasing si Mervin patanga tanga! Magpaiyak ba naman ng babae!? Yun ang baklain di ba?

"Kwento mo nga ng maayos gago ka. Pinaiyak mo si Ronnie?" seryosong tanong ni Chris sa kanya. Langya pag ito nagtagalog seryoso na talaga e.

"Nope. Asa ka pa? Veronica crying? Pssh!" napapaypay lang sa hangin si Mervin. "Pero mga tol! May mali ba sa ginawa ko? Wala naman di ba?"

"Dude, if you're talking to us for you to ease your guilt, man, it's not happening." dere deretsong litanya ni Jake habang umiiling.

Sang ayon din naman ako kay Jake e. Kahit kasi saang anggulo mo tignan e maling mali ang ginawa nitong si Mervin.

"Anong naisip mo para ikumpara si Ronnie kay Hana? You're an as.hole." sa wakas ay naisaboses ni Ven.

Sa panahong ito ay biglang tumalas yung mga mata ni Mervin sa gawi namin, lalong lalo na kay Ven.

"Ano namang mali dun? Veronica is not traced to become a model."

"Lasing ka na ba o talagang gago ka lang!?"

"Shit!" mura ko nang biglang dinambahan ni Ven si Mervin. Hawak niya ito sa kwelyo at halos lumabas na ang apoy sa bibig nito.

"Boyfriend ka ba niya talaga o ano ha!? Tangina mo gago ka a!" 

"Awat na bro!" hinawakan ko si Ven since mas malapit siya sa akin. Pota, ang lakas ng gago. Sina Chris pilit na hinihila palayo si Mervin na mukhang nag-iinit na rin. Mga pre! Kung dito kaya kayo umawat kay Ven?? Nahihiya ako sa tangkad nito e!

"Treat your girlfriend better! You fvcking idiot!"

Pagkatapos nun, binawi niya yung braso niyang hawak ko at padabog na kinuha ang blazer niya bago tuluyang lumabas ng clubroom.

Nagkatinginan na lamang kami nila Jake at Chris habang si Mervin ay pailing iling na umupo. Muli nitong kinuha ang bote at uminom na parang walang nangyari.

"That guy is really a hot mess." Komento ni Jake at bumalik ng upo.

"As for you Mervin, you know Ven was right. Kung hindi mo siya aalagaan ng tama, baka sa susunod malaman mo na lang na mayroon na palang ibang nag-aalaga sa kanya." Chris said.

Tinitigan ko si Mervin at nakangisi siyang umiling bago muling tunggain ang hawak na bote ng alak.

Ven's POV

I left the room irritated. Damn that's a fvcking understatement. Mervin is a fvcking idiot. Fvcking moron. Just the stupidest person I knew.

I was about to open the car door when I felt my phone vibrate.

As soon as I held it on my ear, "Boss.." after I hear what he has to say,

"Damn" I hissed.


Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon