Kerk's POV
Yow! Zup there? Ako nga pala si Kevin Clark na mas kilala sa pangalang 'KERK'. At sabi nga sa movie na Step Up 3, "I am born from a boom box." Meaning, isa akong dancer.
Nasa loob pala ako ngayon ng dance studio ng school namin, ang Blue School of the Arts (BSA).
Kasama ko ang mga tropa ko para maghanda ng ipepresent naming number sa Acquaintance Party na gaganapin next week.
Ako pa naman ang naatasan na gumawa ng choreography namin.
Tzz.
Bakit ako pa? Nandiyan naman yung dance instructor ah! Lanya! Ang sabihin niya lang ay tamad siya na gumawa ng dance steps. Psh.
"Huwag ka na ngang mag-emote dyan! Para kang bading! Pasalamat ka nga at ikaw yung naatasan na gumawa ng steps natin eh. At least mapo-prove mo sa lahat ng estudyante dito na da best ka na ngang dancer, da best ka pang choreographer." sabi ng isa kong katropa na nagngangalang Jags.
"Manghuhula ka ba tol? Pano mo nalaman kung ano ang nasa utak ko?" Pwede ng maging mind reader 'tong si Jags.
"Psh. Kanina ka pa kasi dada ng dada dyan na bakit ikaw pa yung gagawa ng steps natin. Paulit-ulit ka kaya."
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Pasensya naman mga pre. Ganyan lang talaga ako mag-emote.
"Wuy mga tol. Balita ko kakanta daw si Phia sa Acquaintance Party." balitang hatid ni Yupio.
Heto na naman sila. Nagsisipag chismisan tungkol kay Phia.
"Eh ano naman ngayon kung kakanta siya?" cold kong tanong.
"Bulag ka ba Kerk? Ang kagandahan ni Phia pati na rin ng boses niya ay nag-iisa lamang dito sa mundo. Wala ka ng mahahanap na kasing ganda niya at ng boses niya." sabi ni Freth. "Bakit ba ang cold mo pagdating sa mga babae, hah, Kerk?" dagdag pa niya.
"Ito naman oh! Parang walang alam sa past ni Kerk." singit naman ni Krest.
Yan na naman ang usapan. Kaya nga tumatahimik na lang ako kapag tinatanong ako ng mga ganung bagay eh!
"It's been two years na pala noh, since ginamit ka bilang p--"
"Huwag na nga natin yan pag-usapan. Tulungan niyo na lang ako gumawa ng dance steps para matapos na." bigla kong sulpot para hindi matuloy yung sasabihin ni Verter.
Gusto kong kalimutan na kung ano man ang nangyari two years ago. Gusto kong burahin lahat ng alaala niya. Gusto kong ibasura ang lahat ng mga memories namin. Gusto ko ng ibaon yung nakaraan para makapag move-on na ako.
Pero bakit di ko magawa? Bakit di ko magawang makalimutan yung nangyari?
"Alam mo Kerk, isa lang ang tanging paraan para makalimutan mo na yung nakaraan mo." sabi ni Jags, the mind reader.
"Ano?" tanong ko.
"Buksan mo muli ang puso mo tol. Hayaan mong yan mismo ang maghanap ng tunay na pag-ibig." sagot ni Keigi.
"Tama!" –Jags
"Buksan muli ang puso ko at hayaan itong maghanap ng tunay na pag-ibig? Napapraning ba kayo? Sa tingin niyo ba ay iibig akong muli kung natatakot ako na baka masaktan ulit ako o kaya naman ay gamitin ulit ako ng mga babae bilang isang panakip butas?" sabi ko.
BINABASA MO ANG
He's a DANCER,She's a SINGER
RomanceALL RIGHTS RESERVED.Places,incidents,and the names of each of the characters in this story are products of the author's imagination.Any resemblance to the story is highly coincidental.I apologize if it did so. [author]