My Bus Story (One shot)

46 0 0
                                    

Love is more than a noun. It is a verb. It is more than a feeling. It is caring, sharing, helping, sacrificing. Love is indeed complicated.

Tandang tanda ko pa noong unang pagkakilala namin, Nasa bus station ako, umuulan ng mga araw na yun wala akong dalang payong, masyadong masikip sa bus station halos mabasa na ko ng ulan, habang nilalaro ko ang aking paa sa tubig may biglang kumausap sakin, inalok niya ako ng payong ngunit tinaggihan ko ito. Katabi ko parin siya hindi siya umaalis napansin kong Pinapayongan niya ako. Walang umiimik saming dalawa. Limang minuto ang dumaan bago siya nagsalita.

"15 minutes may dadating na bus" Sabi niya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ako umimik.

Hindi kalaonan may dumating na bus. Nagsisiksikan ang mga tao para sumakay. Naiipit na ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papasok ng bus. Buti nalang may bakante pa na upuan na sakto para sa dalawa.

"Thank You" sabi ko sa kanya

"No problem. Mabuti na lang at hindi tayo nakatayo dito sa bus" Nakangiting sabi niya. Ang gwapo niya pala pag nakangiti, Ang tangos ng ilong niya mahaba din ang pilik mata niya yung kilay niya makapal. Bigla siyang tumingin sakin, Mabilis akong tumingin sa may bintana, nahiya ako dahil nakita niya akong nakatitig sa kanya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Simula nung araw na yun palagi ko siyang hihintay dito sa bus station pag uwian. Palagi kaming sabay pag umuwi pero hindi kami masyadong nag uusap. Pasimple ko lang siyang sinusulyapan at masaya na ako sa tuwing pinagmamasdan ko siya.

Sa bawat araw na nakakasama ko siya sa bus ay ang unting unting pagkahulog ng loob ko sa kanya. Natatakot akong magtapat sa kanya dahil baka ma reject ako. Alam ko sarili ko na Mahal ko na siya.

Isang araw napagdesisyonan ko na magtapat ng nararamdaman sa kanya. Nung Sasabihin ko na may gusto ako sa kanya ay may biglang tumawag sa kanya sa phone. Pinagmamasdan ko lang siya ang saya saya niyang nakikipag usap sa telepono. Nasabi ko sa sarili ko na hindi pa ito ang tamang panahon para masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Nang matapos na siyang makipag usap sa phone tinanong niya ako kung ano yung sasabihin ko sa kanya. Sinabi ko nalang na wala at nginitian ko nalang siya..May mga araw na gusto kung magtapat sa kanya ngunit nangingibaw ang pagkahiya at takot na mareject kaya nanatiling lihim ang pagmamahal ko sa kanya.

Sabado non. Magkatabi kami sa bus, Naramdaman namin ang malakas na SCREECH ng sinasakyan namin marami ang mga pasahero ang nagsisigawan at umiiyak, may naramdaman akong may yumakap sakin and everything went to black.

Nagising ako dahil sa ingay at tunog ng ambulansya. Nakita kung may rescue team at mga pulis na tumulong sa mga pasahero kitang kita ko rin ang duguan at walang malay na lalaki nakayap sakin. Hindii na napigilin ng mata ko ang umiyak.

"Gising. Gising! TULONG! " Pinipilit ko parin na tawagin siya at humingi ng tulong kahit hirap na hirap ako sa paghinga.

"HOY! Lumaban ka. Pleaasee Tulongan niyo kami." biglang gumalaw ang kamay niya. Iyak parin ako ng iyak.

"Wag muna . Pleeaseee. Lumaban ka," nanginginig padin ang boses ko at patuloy sa pag iyak. May lumapit samin na rescue team at kinuha kami sinakay siya sa Ambulansya. Hawak hawak ko parin ang kamay niya hanggang sa hospital. Naiwan ako sa may labas ng operating room dahil hindi ako pwedeng pumasok dun. Hindi ko alam ang gagawin ko ng nga panahong yun. Iyak ako ng iyak. Iniisip ko na baka mawala siya sa buhay ko. Pano nalang ang araw araw na paghihintay ko sa Bus station makasama lang siya.

May lumabas na nurse at may binigay sakin na papel nasa bulsa daw to ng pantalon niya. Binuksan ko ang papel na may dugo pa niya at nagsimulang magbasa

Hi Irish. Irish pala pangalan mo. Hehe. Nakita ko kasi sa I.D mo kaya nalaman ko ang pangalan mo.. Palagi kitang hinihintay sa bus station, pinili kung mag commute kahit may sundo ako para lang makita at makasama kita. Sa bawat araw na nakikita kita ay ang unting unting pagkahulog ng damdamin ko sayo. Masaya na ako sa simpleng pasulyap sulyap ko sayo. Wala akong lakas na loob para lapitan ka kaya nung araw na umuulan at nababasa ka ng ulan ay nilapitan kita hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob nun. Ang cute mo pala pagmalapitan. Masaya na ako sa tuwing sabay tayong sumasakay ng bus. Kahit hindi tayo masyadong nag uusap. Natotorpe kasi ako sayo. May araw na gusto kung magtapat ng nararamdaman ko sayo kaso nakakatulog ka o di kaya nakaheadset ka. Nung last attempt ko na umamin sayo e bumababa ka ng bus kaya hindi ko natuloy yung sasabihin ko sayo kaya Idadaan ko nalang sa sulat. Irish gusto kita hindi lang gusto kasi mahal na kita. Tatanggapin ko kung ereject mo ko, pero sana sabay parin tayong sasakay ng bus.

-Mr. Bus-

Matapos kung basahin ang kanyang sulat ay tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Lumipas ang dalawang oras bago lumabas ang doktor. Sabi ng doktor na May posibilidad daw na mabulag siya dahil sa mga bubug na la tumama sa mata niya. Kailangan daw makahanap ng eye donor para makakiita ulit ito. pero walang mahanap Critical condition na siya.

Sometimes you need to sacrifice something that matters to you to offer something that matter to someone else.

kayang kung magsakripisyo para sa taong mahal ko.

Handa kong ibigay ang mata ko para sa kanya

Atleast kalahati ng pagkatao ko sa kanya mapupunta.

Kahit ako ang mag suffer. Okay lang

Dahil alam ko sa sarili ko na ang magdadala ng mata ko. ay ang taong mahal ko Sinulatan ko ang donor card na hinigi ko sa ospital at pinirmahan ito.

****************************************
I wish to donate my organs and tissues. I wish to give my eyes Donor signature: XXXXXXXXXXX Date: Feb. 21. 2013

********************************************************

Dalawang taon na ang nakalipas simula ng Aksidenteng yun. Nabulag ako. Pinili kong ibigay sa kanya ang aking mata, Hindi ko rin pinaalam sa kanya na ako ang donor para makakita ulit siya.

Sa bawat tunog ng bus na naririnig ko ang siyang nagpapaalala sakin sa kanya.

"Nawala man paningin ko, nanatili parin siya sa puso ko."

----------------End---------------------

Property by Yuriahseon.

My bus storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon