After few hours of travel , we're home safe. Nagkanya - kanya na ng paalam.
Kina Gary ,
Nagpalit na ng damit si Gary, nagpatugtog ng paborito niyang Side A band cd at
Inilatag na nito ang katawan sa malambot niyang higaan.
Hindi mawala sa isip niya si Yel . Nagiisip ito at kinakapa ang damdamin para sa bestfriend at kababata niya.
" Anong nangyayari sa akin, bakit di mawala sa isip ko ang makulit kong kababata ? Bakit parang mis na mis ko siya ? At ng yakapin niya ako kanina , iba ang naramdaman ko , ganung lagi naman niya itong ginagawa. At nakaramdam ako ng selos sa tuwing nakikita ko sila ni Nel na naglalambingan at magkasama. Mali ito, may girlfriend na ako at bago lang kami ni Glenda. Gary , focus. Si Glenda ang girlfriend mo. Si Yel ay bestfriend mo lang ."Kumusta naman kaya ang ating pilyang bida after ng beach scenario.
Kumuha ng snack, naupo sa balkonahe ng bahay at ipinatong ni Yel ang mga paa sa isang upuan . At nangingiting binalikan ang nangyari sa beach.
" Nanibago talaga ako kay Gary. Biglang naging sweet sa akin. At iniwan niya si Glenda para lang makasama ako ng sarilinan ! at take note , with matching buhat pa ng sabihin kong pagod na ako. Tuwang - tuwa naman ang Peg ko. Kilig to the bones pa. At nung yakapin at halikan ko siya bakit humigpit ang hawak niya sa akin na parang ayaw niya akong ibitaw. Kakaiba ang ipinakita niyang ugali, naku may chance din palang mag transform ang mabangis na lobo hihihi... at ako naman , hindi ko alam kung sino sa mga bestfriends ko ang mas matimbang. Si Nel , napakagwapo pala niya at ang romantiko. Ramdam kong safe ako sa kanya at talagang mamahalin din ako. Yel, Yel . Hindi mo pwedeng paglaruan ang damdamin ng dalawa mong bestfriends. You have to choose.
Yan ang mga sumagi sa isipan ko. At ng matapos ko ang snack nagtuloy na ako sa kwarto ko para magpahinga.Dahil Sunday ngayon, at napagod sa outing, tinanghali ng gumising sina mommy at daddy. Ako din naman ay di maagang nagising pero nauna kina mommy at daddy.
Sinubukan kong ako ang maghanda ng almusal. Binuksan ko ang ref at kinuha ang ilang pirasong itlog. Pinirito ko ito na scramble tulad ng ginagawa ni mommy. At ng may dumaan na nagtitinda ng pandesal tinawag ko ito at bumili ako.
Nagpainit din ako ng tubig para sa kape.
Naglagay na din ako ng mga coffee cups sa table.Ng magising sina mommy at daddy , laking gulat nila sa nakita.
" Yel , ikaw bang naghanda nito ?"tanong ni dad.
"Opo hehehe." Sagot ko habang paupo na sana para makapag almusal.
" Hmmm..may gusto tiyak yang anak mo hahaha." Nakangiting sabi ni mommy.
" Halika nga dito anak ." At binukas ni daddy ang dalawang kamay niya para ako'y yakapin.
" Thank you anak, masaya kami ng mommy mo sayo . We are always here for you." Habang yakap ako ni dad.
" Thank you daddy , I love you po, kayo ni mommy."
" O kain na tayo baka lumamig ang kape tikman natin ang nilutong itlog ng anak mo." Pag yayaya ni mommy.
Matapos kaming makapag almusal ,
Knock , Knock , KnockNg buksan ko ang pinto si Gary.
" Good Morning Everyone , Hi Yel good morning ganda." Masayang bati nito na di makikita ang kasungitan.
" Tita , Tito pinadala ni mommy pancakes po." At iniabot niya kay mommy ito.
" Naku , nahuli ka , iksi naman ng paa mo , katatapos lang namin nag breakfast pero titikman namin yan , salamat sabihin mo sa mommy mo." Sagot ni dad.Nakatingin lang ako sa kanila habang tinutulungan si mommy sa pagliligpit ng pinagkainan.
" Yel , may lakad ka ba ngayon ? " tanong ni Gary.
" Bakit ? Ililibre mo ako ? O ipag shoshopping ?" Pilya ko na namang sagot.
" Aba sige kabibigay lang ng allowance ko , pwede kong tipirin , saan mo gusto ?" Pag sang ayon naman ni Gary.
" Mommy , daddy narinig ninyo po ha , ipagshoshopping daw ako ni Gary."
" Yel , here, take this ,magshopping ka ng things mo , huwag ka ng magpabili kay Gary ." at iniabot ni daddy ang 2 thousand pesos.
" No , dad siya ang nagsabi at siya din po ang nagyaya , so dapat lang noh ! Sige po magbibihis na ako ." At mabilis na akong nagtungo sa bedroom ko .
" Tito , Tita , isasama ko muna po si Yel , diyan lang kami sa Geneva Mall . " pagpapaalam ni Gary.
" Gary huwag mong pababayaan si Yel ha, tiwala kami sayo. At huwag mo ng ipamimili may pera siya." Paalala ni dad.
" Naku tito , yun po ang hindi pwede , gusto ninyong sa mall palang nagalit na yan at nagwala pag di ako tumupad sa usapan hahaha..." paliwanag ni Gary.
At nagkatawanan sila ....
