• Tobio's Pov •
"Tobio! Tulungan mo nga ako dito."
tinignan ko lang si mama ng masama. Bat kasi ako pa? Meron naman si Ao-- Ah. Nga pala, may gala daw sila.
-1 hour ago-
*rriiinnnggg*
Nagulat ako sa narininig kong nagriring at yung phone ko lang pala. Ang aga aga pa-- 8?! Oh maaga para sakin yan. Sino naman ang tumatawag?
Kinuha ko ang phone ko sa tabi saka ko tinignan. Aoi?! Dali naman akong tumayo at pumunta ako sa kwarto niya. Bat siya tumatawag? Eh parehas naman kami ng tinitirhan. Baka linoloko nanaman ako netoh.
"Oh! Gising kana pala. Yung kapatid mo nagpaalam na may practice daw sila kahit extended laban."
"Huh?! Anong oras siya lumabas?"
"6"
"!!" 6?! Eh hindi pa nga ako gising sa oras nayan pag walang pasok eh. Bumalik ako sa kwarto ko at tinawagan siya ulit. 5 missed calls. Pagkasagot ko palang, sigaw na niya nadatnan ko.
"Kuya!"
"Oh. Bakit!? Natutulog pa ako eh!"
"Si kuya naman! Sinabi naba ni mama na maaga akong umalis kasi may practice kami?"
"Oo. Bakit?"
"Yung totoo pinilit ko sila na mag practice pero wala naman palang susi."
"So ano ngayon?"
"Gala nalang daw kami sa mall." Mall?! Tsk! Mag gagastos nanaman ba toh?! Inubos na nga pera kakakain tapos sa Mall?!
"Mall?! Wala ka na ngalang pera eh!"
"Kuya, lakad lakad lang! Hindi ako bibili pramis. At! Wag mong sasabihin kay mama huh!? Papatayin ako nun."
"Gue na. Basta yung limit mo, 1-2 pm nandito kana."
"Oo! Thanks kuya. Lab u! Hahaha!"
"Anong La--" Bago ko pa matapos sasabihin ko, binabaan na niya ako. Lab u?! Hay nako.
Ngumiti lang ako at natulog ulit.
----
"Oo na. Haist." Tinulungan ko si mama mag sampay. Oo. Nagsasampay ako. Wag kayong tumawa. Once in a life time ko lang toh gagawin.
"Oh. Allowance mo. Matagal tagal narin kitang hindi binibigyan. Di ka naman kasi gastusin gaya ni Aoi." Kinuha ko lang ang pera sa kamay ng mama ko. Hindi ko toh ine-expect. NGAYON NIYA LANG AKO BINIGYAN NG ALLOWANCE. Kasi naman, si Aoi lang palagi binibigyan. Spoiled eh.
"Pero ma. Masyado atang madami to-" Bago ko matapos sasabihin ko, nagsalita ulit siya.
"Huwag mong sasabihin kay Aoi. Baka nakawin nanaman sa pitaka mo. Naaalala mo pa ba? Nung naubusan siya. Ninakaw niya ¥300 mo. Pinakita mo kasi." Ah. Matagal na yun. Hindi naman ako nagalit. Ewan ko, kahit anong ka gaguhan ginagawa sakin nang batang yun, hindi ako nagagalit. Kapatid ko eh. Haha.*siigghhh*
Tapos nadin sa wakas. Matutulog nalang ako ulit. Wala naman ata--- naputol agad ang sasabihin ko nung mag ring phone ko. Ano nanaman ba.!?
"Kageyamaaa!!" Putek!
"Ano?! Wag mo nga akong sinisigawan! Tsk!" Si Hinata lang pala. Ano problema netoh?!
"Nandito sa Mall si Aoi!" Alam ko. Mas nauna pa ako kesa sayo.
"Alam ko kasi nagpaalam siya sa akin kaya ok lang. Ano ba problema mo at may pasigaw sigaw ka pang nalalaman."
"Kasama niya yung manger nila. Si Takamura ba yun? Basta! Yung manager--"
"Huh?!" Manager?! As in yung Takamura na gagong yun?! Kapal!
"San sila ngayon?!"
"Oh! Chill! Bantay sarado kami kina Noya-senpai at Tanaka-senpai. Susundan nalang namin sila."
"Sige na. Basta, bantayan niyo yan."
"Sige sige. Bye" Kala ko ba kasama niya mga team mates niya? Si Takamura? Tsk! Tatawagan ko nalang si Aoi.
Pinaring ko ang phone niya pero hindi niya sinasagot. Bat ba hindi niya sinsagot?!
"Oi. Tobio. Bili ka nga ng toyo! Naubusan ako eh." Ma naman. Bat ngayon pa.
"Sige na nga." Kinuha ko ang pera kay mama saka nagmadaling pumunta sa convenience store.
Pagkarating ko dun, nakita ko ang mga ka team mates ni Aoi. Bat andito sila? Linapitan ko ang isa sa kanila at laking gulat naman nila nung nakita nila ako.
"K-k-kuya ni Aoi!" Sigay ng naka pink dress. Bat naka formal mga toh? Date? Teka nga.
"Alam niyo bang magkasama sina Takamura at Aoi?" Napatigil silang tatlo at nagkatinginan sa isat-isa. Sabi ko na nga ba eh. Sila nagsimula netoh.
"A-ah! O-o.... I-iniwan po namin silang dalawa ... sa... Mall... kasalanan mo toh Ayumi eh..!"
"Kuya! Sorry po talaga! Ako may kapakanan netoh!" Nag bow sakin ang naka pink dress habang naginginig. At sumabay narin ang dalawa.
"Tsk.!" Tinignan ko sila ng masama kaya mas lalo pa silang natakot sakin.
"S-sorry po talaga..."
"Ok lang. Sige na. Alam naman niya ang time limit niya eh. Kasalanan na niya kung lampas 2-3 siya. Malilintikan sakin ang babaeng yun."
Nagmadali na silang umalis saka nag bow sakin. Tsk. Ah! Yung toyo. Bwisit naman na buhay toh oo."Ma. Naaalala mo pa ba yung dati nating kapitbahay noong nasa Middle School palang ako?"
"Oo naman. Sina Mr. Takamura. Si Shun yung bestfriend dati ni Aoi diba? Haha. Naaalala ko pa nung grabe iyak ni Aoi nung lumipat sila." Yung time na yun. Galit na galit ako kay Shun. Ayoko kasing pinapaiyak kapatid ko. Pero sa tingin ko, walang maaalala si Aoi... Minsan na siyang nagka amnesia... Kaso, hindi pa namin sinabi sa kanya kasi gusto namin na makabuo siya ulit ng bago at masayang ala-ala sa buhay niya. Nung nawala si Shun, halos hindi na nga siya nakakatulog at kumakain noon. Pero makalipas ng ilang araw... Haist! Tama na. Alam kong masakit yun kay Aoi at masakit din para sa akin. Hindi niya naman kasi sinasabi na Takamura last name ng manager nila eh.
Ang kinakatakutan ko kasi, baka maging close sila ulit tapos maaalala niya na bestfriend sila dati. Ayaw kong mangyari yun. Sinaktan niya kapatid ko. Hindi man lang kasi nagsabi na lilipat sila noon. Pina alam lang nila kay mama. Hindi niya alam kung anong sakit ang naramdaman ng kapatid ko noon.
Ayoko na maulit ang nangyari katulad ng dati.
BINABASA MO ANG
The Uncrowned Prince's Sister
FanfictionWhat if, Tobio Kageyama from Haikyuu!! may sister? Pero magkaiba ng ugali? Tunghayan natin ang story ni Aoi Kageyama, sister ni Tobio.