*CHAPTER 15*

202 8 2
                                    

~Ang Pagbabalik
(Dawn's POV)

Ang sakit na ng sikat ng araw sa balat. Hindi na ako umuuwi magmula noong iniwan ako ni Zeus. Haynako -___- Ewan ko naman kasi doon sa bugnutin na yun eh. Tinanong kung nagkaboyfriend ako tapos noong sinagot ko biglang nagalit. Maalala ko ng pala ilang araw ko ng hindi nachecheck yung phone ko, nagmadali ako umuwi sa mansiyon, nakita ako ni Zeus na hinihingal pero hindi ko siya pinansin. Ano siya lang may karapatan bugnutin? Dumiretso lang ako sa kwarto ko at hinanap ko agad yung phone ko.

15 messages. Great.

Inopen ko agad yun isa-isa. Yung lima galing kay Gwen, puro 'Where are you?' lang naman. Siguro may balak na naman 'tong babaeng 'to. HAHA :D well I'm missing her na.

Yung lima kay Yaya Agnes naman galing. Puro pangangamusta naman. Si nanay Agnes talaga. Marami akong ikukuwento sa kanya pagbalik ko ng manila.

Yung 4 kay daddy naman galing. Yung una 'How are you hija?' Tapos 'Hope you're always fine.' Yung pangatlo naman, 'I missing you so much hija.'

Ewan ko ba. Biglang tumulo yung luha ko. My dad misses me. And so I did. Kamusta na kaya siya? Sana okay na siya. Iniinom niya kaya yung mga gamot niya? I hope so. Hindi ko pa inoopen yung isang message ni dad. Biglang may nagpop up na message sa screen. Number lang siya.

From: +639×××××××××
How are you baby?

Biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Sino kaya 'to? Hindi kaya si...

No! That's impossible..

Siguro prank texter lang binack ko agad yun tapos bumalik ako sa unread messages may dalawa pa kasing hindi nabubuksan, yung isa kay dad pa ulit galing yung pangalawa naman unknown texter na naman. Inuna ko muna yung unknown number, pero iba na yung kutob ko. Familiar sakin yung number and yung area code iba, sa States ang area code na 'to.

From: +1 (843) ×××-××××
Hello baby.. Im on my way. I want to see you. I missed you so much.

Siya kaya? Tama ba ang kutob ko. I tried to ignore it at binuksan ko yung message ni daddy.

From: My dad
Anak, Cammy is here in the Philippines.

Oh F*CK! THIS CAN'T BE HAPPENING! Biglang nanlambot yung tuhod ko at nabitawan ko yung phone ko sa sahig.

So si Cameron nga yun. Sinundan niya ako. But why? Bakit ngayon pa. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at niluwa nun si Zeus.

"Kanina pa ako kumakatok!! Akala ko may nangyari na sayo kaya pumasok na ako.." Tinignan ko lang siya. A blank one. Hindi ko naiintindihan yung sinasabi niya. Parang malabo parang malalim yung boses niya nagstart na rin manlabo yung vision ko pero inalog ako ni Zeus. And there parang nagising yung diwa ko. Ilang minuto ba akong lutang?

"Anong nangyari sayo? May masakit ba sayo?" Nag-aalala ba siya. He look so bothered.

"O-okay lang ako.."

"Sigurado ka?"

"Oo.." Tipid kong sabi sa kanya.

"Di nga?"

"Oo nga. Bakit ang kulit mo?" Iritable kong sagot sa kanya. Tss. Tumayo ako at padabog na kinuha yung cellphone ko sa lapag tapos umupo ulit ako sa kama. Umupo din siya. So annoying.

Bigla nagring yung phone ko and to my surprise yung number din kanina. Yung first unknown number. Im sure si Cameron 'to. Nasa Philippines na nga siya, kasi hindi na gagana yung isang number niya dito sa Philippines.

Breaking His Dark SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon