Chapter 28

23.1K 392 11
                                    

Note: 30 chapters lang ang AVW pero gagawa ako ng flashback chapters pagkatapos para ipakita ang past ni Lean with the twins Vian&Gian :)

Chapter 28

Sebastian POV

Nakulong na rin sa wakas si Kim at ang tauhan niya, hindi ko alam kung life sentence ba o ano pero mabibigat ang mga kasalanan niya, una, ang pagnanakaw niya ng mga pera lalo na ang mga nakalaan dapat para sa orphanage, pangalawa, ang pagtangka niya sa buhay ni Lean.

Nakausap na ng pamilya ni Kim si Carlo-ang ama ng batang dinadala ni Kim, wala naman siyang kasalanan na ginawa, sabi niya paninindigan niya ang pagiging ama sa dinadalang tao ni Kim which is good.

Halos isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin nagigising si Lean, ang vital organ kasi niya ang natamaan ng baril noon, nasa state of coma siya, hindi ko alam kung kailan siya magigising but hopefully, sana bago magpasko at bagong taon ay magising na siya.

Nilapag ko ang bulaklak na binili namin ni Cyan kanina sa may table, si Gian ay nasa sofa at halata ang pagod sa kanyang mukha habang pinagmamasdan niya ang walang malay na si Lean, "bro, umuwi ka muna at magpahinga, kami na muna ang bahala ni Cyan dito. Bibisita raw ang pamilya ni Lean mamaya."

Gian had been pushing his body to his limits... kailangan rin niya ng pahinga at may negosyo pa siyang hindi na naaasikaso kaya si Tito Ian na muna ang nag-take over ng paglalakad sa kompanya, "kaya ko na ito, mamaya na ako uuwi." He declined.

Nagkatinginan kami ni Cyan at umiling, oo, ayaw namin si Gian dahil sa ginawa niya noon kay Lean pero nagawa lang naman niya iyon dahil sa pag-ibig, masyado siyang nabulag ng emosyon niya pero halata naman na nagsisisi siya at wala naman siyang kasalanan sa amin kaya ayos naman ako sa kanya, kilala ko si Gian dahil pinsan ko siya-alam ko na mahal niya si Lean at alam kong mahal rin ni Lean si Gian, masyado lang siyang stuck up kay Vian.

Tinignan ko si Lean na maamong natutulog, kelan ka ba magigising Lean? Maraming nag-aalala sa 'yo at ang kompanya mo napapabayaan na... mabuti na lang andito kami ni Cyan para alagahan ang kompanya mo.

"Si Lean!" Sigaw ni Cyan na nasa tabi ng kama ni Lean kaya naman napatingin kaming dalawa ni Gian kay Lean.

Suminghap ako. "Lean?!"

***

Lean POV

Minulat ko ang aking mga mata, medyo masakit pa ang aking mga mata at medyo hindi malinaw ang tingin ko pero habang tumatagal ay bumabalik sa dati ang paningin ko.

"Lean?!"

Parang nanghihina ang katawan ko pero nagawa kong tignan ang pinanggalingan ng boses, bumungad ang nag-aalalang mukha ni Gian.

"G-Gian..."

Ngumiti siya, tears suddenly escaped on his eyes, "tatawagin ko lang 'yong nurse at sabihin na gising na si Lean." Boses ni Sebby.

Hinawakan ni Gian ang kamay ko, "akala ko hindi ka na magigising..."

Doon ko napansin na nasa hospital pala ako at kasama ko sina Cyan, Sebby, at Gian. Ano ang ginagawa ko dito? Pinikit ko ang aking mga mata at naalala ang gabing 'yon, naalala ko ang sakit sa katawan ko habang ramdam ko ang init ng dugo ko na tumutulo noong nabaril ako ni Kim.

Suminghap ako at nanginig.

"Ssh, you're safe now." Bulong ni Gian sa akin. "Nasa kulungan na si Kim..."

Biglang kumalma ang katawan ko at hinayaan ko si Gian na hawakan ang kamay ko, his touch felt familiar to my skin and I wanted nothing more but to stay on this position for as long as time lets us. The warmth in his hand is assuring me, it makes me feel comfortable and it brings back memories.

"Bakit ka umiiyak?" Medyo mahina pa ang boses ko, ilang araw ba akong nakatulog?

He smiled sadly, "akala ko hindi mo na bubuksan ang mata mo..."

"Ilaw araw akong tulog?" Tanong ko.

"Almost a month..." Mahinang sagot ni Gian, almost a month?!

~*~

Mabuti at pinayagan na rin ako ng doctor na lumabas sa hospital, wala akong ibang nasa isip noon kundi ang magpalakas para makalabas sa hospital, nalaman ko na nakulong na pala si Kim. Well good for her.

Hindi ko alam pero wala na ang sama ng loob ko sa kanya, para bang tanggap ko na ang lahat at sa tuwing naaalala kong maghiganti ay hindi ko maiwasang matawa... what had I been doing to my life all these years? Revenge surely did nothing to me but hurt me.

Naglakad ako papuntang opisina ko sa kompanya, clearly, Sebby and Cyan had been doing all my work while I was sleeping which is why I'm thankful to those two men.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman kinapa ko ang bulsa ng jeans ko, it was a message from Gian. Medyo ayos naman na kami ni Gian, no hard feelings involved...

Family dinner tonight as a celebration for your release @ Fuentelord Hotel. My family and yours are invited. ;)

I smiled.

"Your smile tells me you're planning something." Cyan commented, nakaupo siya sa sofa ng office ko.

I laughed. "I'm planning on what I will wear for tonight." I rolled my eyes, "huwag kang mag-isip ng masama, I've been long over with my revenge and I have no plan to continue it."

Tumawa sina Sebby at Cyan, "wala kaming sinasabi." Sabay na sagot nila.

"What's the occasion for tonight?" Sebastian asked.

"Family dinner." Sagot ko, "my family and Gian's."

Tumango naman ang dalawa, "good luck."

"I don't need luck." I smiled, completely feeling a deja vu, "but thanks."

The boys chuckled, "so glad to have Adé Lean Cassiopea... back in business."

"Oh, I am back."

***

Gian POV

"Mom, it's just a family dinner." I rolled my eyes as my Mom search for an outfit. "I can just wear a long sleeve and slacks."

Tinignan niya ako ng masama, "no, you have to look presentable for Lean." She smiled, "oras na para magkabalikan kayo."

"She doesn't love me, Mom." Bulong ko. "It was always Vian..."

"Don't put words in her mouth, Gian. You never know." She smiled, "oh this suit is perfect for you!" Saad niya sabay lahad sa akin ng dark blue long sleeves.

Bumukas ang pinto at bumungad si Tracy sa labas ng kwarto ko, "Kuya Devil, kung hindi mo mapasagot si Ate ng matamis na oo, I will hate you forever!" She smiled to me, "good luck sa 'yo tonight, Kuya."

I closed my eyes, "yes, thank you. I'll be needing all the luck I can get."

***

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon