Bad Girl (One Shot)

72 7 0
                                    


"Hindi ko na po uulitin Ms.Rieneya!!
Sabi nung babaeng pinagsalitaan ako patalikod kaya sinampal ko sya ng napakaraming beses hindi naman makapagsalita pag kaharap ako.

"Matuto kang gumalang sa mas nakakaganda sayo!!."
Pataray kong sabi sa babaeng feelingera na yun akala ang ganda sabihan ba naman ako na retokada ako excuse me kahit mayaman ako hindi ako napaparetoke eh mas retokada pa nga sya sa akin eh.

"Opo Ms.Rieneya."
Sabi nya na nagmamakaawa na akala mo tuta sa sobrang plastic ng pagkaamo ng mukha.

"Umalis ka na ang sakit mo sa mata."
Pagpapaalis ko sa kanya bagay lang sa kanya yan matuto kasi siya lumugar.

Pqgkaalis niya ang dami ng bulungan sa tabi tabi.

"Ang kapal talaga ng mukha ni Nica noh?... sabihan ba naman si Ms.Rieneya na retokada eh siya nga yun eh."

"Oo nga!! eh ganda ganda kaya ni Ms.Rieneya."
Sabi ng mga fans ko,oo sikat ako dito kilala ako bilang bad girl dito sa Linson University.

Ako ang maldita dito lalo na sa mga bitch pero hindi ako pumapatol ng mababait like nerds,nobody or whatever pero kapag bitch ka hindi kita tatantanan.

Naglakad na ako papuntang room ng may humarang sa akin... siya na naman.. lagi siyang epal sa mga ginagawa ko.

"Jerikko ano na naman ba??!!"
Pasigaw kong sabi sa kanya.

"Itigil mo na yung ginagawa mo nakakasakit ka na."
Seryoso niyang sabi sa akin.

"Tingin mo ako hindi nasasaktan?.."
'Nasasaktan ako kapag may ipinagtatanggol kang iba kasi mahal kita'
buti nasa isip ko lang ang daldal ko talaga.

"What do you mean??.."
Tanong nya sa akin.

"Ano kasi.. ano kasi nasasaktan ako sa mga sinasabi nilang salita sa akin!! Oo ayun!!."
Natataranta kong sabi buti nakapagpigil ako.

"Itigil mo na yang pambubully mo porket sikat ka lalaki na ulo mo."
Seryoso sabi sakin ni jerikko.

"Jerikko wala ka kasing alam."
Seryoso kong sabi sa kanya,umalis na ako sa harap nya dahil gusto nang bumagsak ng mga luha ko.

Nagdecide na muna ako na wag muna pumasok dahil ang sama ng pakiramdam ko hanggang ngayon gusto pumatak ng mga luha ko,
Pumunta muna ako sa park na lagi kong pinupuntahan. Dito ako naglalabas ng sama ng loob ko.

Iyak lang ako ng iyak wala naman tao dito eh kaya pwedeng pwede ako umiyak.
Jerikko kasi bakit ganyan ka ang dami daming nagkakagusto sakin bakit sayo pa na laging epal sa mga ginagawa ko bakit ang bad girl na ako nagkagusto sayo nakakasakit ka na eh matagal na kita gusto pero bakit di mo ako napapansin.

Iyak lang ako ng iyak dito hindi ko talaga kaya eh parang anytime gustong gusto ko na sabihin sa harap nya.

"Miss are you ok?"
Tanong sa akin ng boses lalaki tinignan ko siya hindi siya taga L.U dahil ngayon ko lang siya nakita.

"May okay ba na umiiyak?
Alam ko tears of joy lang yun eh pero nakita mo ba ako na nkangiti habang umiiyak?"
Sarcastic kong sabi sa kanya.

"Sungit mo naman Rieneya Mendoza!
Ahm, ako nga pala si Nico Chards."
Sabi sa akin ng lalaking ito lumapit siya sa akin at doon ko lang naaninag ang mukha nya ang gwapo niya pala kaso pakialamero.

"Bakit mo ako kilala?."
Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kasi sikat ka sa L.U ikaw ang bad girl dun diba? Totoo nga yung sinabi nila, doon kasi ako magtatransfer kaya kinikilala ko na yung mga sikat baka mamaya mabangga ko iyon eh, teka nga pala may kilala ka bang Jerikko Reyes?."
Mahaba nyang paliwanag,hindi ko namamalayan pumapatak na ang luha ko dahil narinig ko ang pangalan nya ang lakas talaga ng epekto nya sa akin.

Bad Girl (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon