CHAPTER 18: A MOTHER'S LOVE

2 1 0
                                    

Nakalabas din ako ng hospital pagkalipas ng ilang oras. Sobrang alaga nila sa akin kahit na sinabi ko na ok na talaga ako. Sabi ko nga na ako na lang ang mag aalaga kay Yumi pero sabi nila ay ok lang pero wag daw akong masyadong magpakapagod. Kahit na si Coder ay ganun din sa akin. Most of the time ay sya ang kasama ng mga bata. Nandun lang ako sa room at tinitignan lang silang naglalaro.

Dun ko nga naisip na masaya na ako sa buhay ko. Noon kasi, Parang walang pag asa na hindi na ako magiging masaya pa dahil sa pangungulila ko sa mga kapatid ko at pati na rin sa parents ko. Pero nang makilala ko sya, Nagbago ang lahat. Kumpleto na ako at wala na akong hihlingin pa kundi ang masaya kaming magkakasama at sama sama ring haharapin ang mga problema na haharapin namin bilang pamilya.

Si Kentarou kaya? May pamilya na rin kaya sya? Naaalala ko pa rin sya. Si Samara naman ay wala namang bf. Focus muna daw sya sa family business nilang parlor na may bagong branch na malapit sa subdivision namin. Pero naniniwala ako na sila talaga ang nakatakda para sa isat isa.

Puno ng sigla ang bahay sa pagdating ni Yumi. Giliw na giliw ang mga maids, drivers, si aling tess , si Coder williams and si coder mismo. Sabi nga nila, kamukha ko daw pero sabi naman ng iba naming kasama sa bahay ay si coder daw. Hindi naman mahalaga kung sino ang kamukha nya pero sana ay makuha nya ang katalinuhan ng daddy nya.

Dahil sila ang nag aalaga sa kanya, Napapagod din naman sila at nung narinig kong umiyak si Yumi nung madaling araw ay ako na lang ang gising nun. Hindi rin kasi ako makatulog kaya ako ang nagpatulog sa kanya. Karga karga ko sya at nag iingat na rin. Medyo kabado pa rin kahit na alam ko na kung paano magbuhat ng sanggol. Iyak ng iyak pa rin si Yumi, HIndi ko sya mapatahan nun. Gusto ko sanang gisingin si Coder kaya lang eh may pasok sya bukas kaya sinubukan ko pa rin hanggang sa unti unti na syang huminto sa pag iyak, nakakatulog na sya. Nang ibabalik ko na sya crib ay nakita kong gising si Coder at nakatingin sa akin.

''Bakit hindi mo ako ginising agad? Nahirapan ka bang patulugin sya?''

"Medyo''

''Ok lang yan. Masasanay din sya sayo''

''Kayo kasi ang nag aalaga sa kanya eh kaya nailang ata sa akin?''

''Hindi naman. Bukas, Ikaw ang mag aalaga sa kanya''

''ok''

''Kaya naman ako ganito kasi ilang araw akong magiging busy sa work and seminar din kami sa probinsya''

''Huh? Kailan? Bakit ngayon mo lang sinabi?''

"Dapat nga ay sa susunod na araw pa pero sa thursday na daw agad''

Nalungkot ako sa sinabi nya. Kinuha nya si Yumi at nilagay sa crib ng dahan dahan.

''Mamimiss ko kayong tatlo lalo na ikaw. Wag kang mag alala, Mag iingat naman ako dun promise''

''Huwag mong pababayaan yung sarili mo dun huh?''

''Oo naman.'' sabay yakap sa akin

''Mahal na mahal kita Conan''

''Mahal na mahal na mahal din kita Coder''

tapos nun ay natulog na kaming dalawa. Susulitin ko ang araw na kasama ko sya bago sya pumunta sa seminar nila.

Ilang araw din na sinulit ko na kasama sya at nung oras na para umalis sya para sa seminar nila ay tahimik lang ako at malungkot.

Hindi sya nagsalita at nagpaalam sa mga anak namin at sa mga iba naming kasama. Hindi ko kayang magpaalam sa kanya kaya pumasok ako sa bahay ulit at nasa sala lang namin. Umiiyak ako nun. Nasanay ako na lagi lang syang nasa tabi ko. Mahirap pala kapag wala sa tabi mo ang taong mahal mo

Tapos nun ay may yumakap na lang sa likod ko ng mahigpit.

''Alam kong mahirap ito para sayo pero kailangan kasi. ''

Umiiyak pa rin ako tapos humarap ako sa kanya.

Hindi ako makapagsalita. Pinunasan lang nya ng kamay nya ang mga luha ko.

''Mahal kita. Tandaan mo yan''

Tapos sabay kaming lumabas habang hawak namin ang kamay ng isat isa.

Nung nakasakay na sya sa kotse nya ay ngumiti sya sa akin at napangiti na rin ako.

Alam kong malungkot ako pero bilang ina ay kailangang magpakatatag. Mamimiss ko talaga sya ng sobra. Mag ingat ka palagi at mag iingat din kami.


I WANT TO DIE!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon