It Happens To Be You, Sweetheart!
Chapter One
"NAH. 'Sorry," bulong ni Candrice sa stationary na hawak bago iyon initsa sa pinakamalapit na basurahan. Kumuha siya ng panibagong sulat na mababasa mula sa kanyang locker-cum-mailbox.
"Candrice, ano'ng ginagawa mo riyan?" tanong ng classmate at kaibigan niyang si Mayo. Nasa may pinto ito ng cooking lab na katapat lang ng locker area. Tulad niya ay naka-apron at hairnet din ito. Mas maayos nga lang ang pagkakasuot nito kaysa sa kanya.
Iwinagayway niya ang binabasa. "Kailangan niyo na ba ako riyan?" tanong niya. "Marami pa akong ididispatya rito, eh."
Lagi siyang naroon sa labas ng lab kapag mayroong cooking presentation ang klase nila gaya ngayon. Gusto niyang tumulong sa kanyang mga kagrupo. Ang kaso, kahit sandok ay hindi siya pinapahawak ng mga ito. Tsaka lang siya papasingitin ng mga ito kapag garnishing na. Doon daw kasi siya magaling. Ayos naman sa kanya ang setup na iyon. At least, hindi siya matatalsikan ng mantika. O mamangangamoy seasoning.
"Hindi pa naman," sagot nito. "Pero pinapapasok na tayong lahat ni Ma'am. May surprise daw siya."
"Ows? Bago 'yan, ah." Hinakot niya ang iba pang mga sulat sa kanyang locker at siniksik iyon sa bulsa ng kanyang apron. "Sa loob ko na lang babasahin ang mga ito. Dagdag panggatong."
Tumawa si Mayo na katabi na niya. "Electric stove po ang gamit natin, day. Tsaka bakit ang dami mong reklamo? Mabuti nga at nakakatanggap ka niyan."
"Pinapasakit nila ang kilay ko."
"Kawawa naman ang mga admirers mo."
"Mas kalunos-lunos ako." Nagkibit lang ito ng balikat. "Huwag mo na nga akong konsensyahin. Mabuti nga binabasa ko pa ito. Kaysa naman iitsa ko na lang basta,'di ba? Fair akong tao."
Lumabi lang ito. Naki-usisa siya sandali sa mga kagrupo bago naupo sa isa sa mga mesa sa loob ng lab. Doon niya tinuloy ang pagbabasa.
"Hay, sumasakit na ang ulo ko," anas niya. "Hindi ba uma-attend ng klase ang mga nagpadala nito? Tsk! Ang lakas ng loob magbigay ng sulat, baliko naman ang grammar—"
Halos mapatalon siya sa kinauupuan nang bigla na lang magtilian ang mga kaklase niya. Mukhang may pinagkakaguluhan ang mga ito sa table ng kanilang teacher. Baka iyon ang sinasabi ni Mayo na surpresa raw ng teacher nila.
Kinalabit niya ang katabi. "Ano'ng meron?"
"May anghel na naligaw dito!" patiling sagot nito.
"Ano? Lalaki ba?" tanong uli niya. Sabay-sabay na nagsitango ang mga ito. Napailing na lang siya. Palibhasa, puro babae sila sa subject na iyon kaya napapraning ang mga ito kapag may pumapasok na kalahi ni Adan doon. "Lalake lang pa—"
"Supermodel na anghel!"
"Nananaghinip yata ako! Shuckz!"
Napatanga na lang siya sa kanyang mga kaklase na sa tingin niya ay mas mukha pang tanga kaysa sa kanya ngayon. Ano ba ang pinagsasabi ng mga ito?
"May drugs yata ang asin na ginagamit nila. Hay, makalabas na nga lang."
Nakipagsiksikan siya sa nagkakagulo niyang mga kaklase para makalabas. Bumalik siya sa locker niya. Doon na lang muna siya habang hindi pa siya tinatawag ng mga kagrupo niya. At least doon, tahimik.
At may malapit na basurahan pa.
NAKAKALAHATI na ni Candi ang binabasang mga love letters na hindi man lang nakiliti ang romantic bones niya― kung meron man siya noon─ hindi pa rin siya tinatawag ng mga kagrupo niya. Sumilip siya sa pinto ng lab. Busy pa rin sa pagluluto ang lahat.
BINABASA MO ANG
It Happens To Be You, Sweetheart!
HumorFriendship could end up to love; but love to friendship, I don't think so... ♥♥♥