CHAPTER TEN
One year later...
MASAKIT na ang kamay ni Lavender dahil sa kakapirma na kung anu-anong dokumento. Binaba niya ang hawak na fountain pen at bumaling sa Daddy niya. Nakaupo ito sa likod ng malaking office desk nito at ganoon rin ang ginagawa.
Napabuntong-hininga siya at saka pinagpatuloy na lang sa ginagawang pagpirma.
Another year had passed. Patapos na ang pagte-train sa kanya ng ama para sa pamamalakad ng family company nila. Medyo nahirapan si Lavender lalo na't habang nagte-training siya ay pinakuha rin siya ng Master in Business Administration ng Daddy niya. Well, it helped her a lot. She graduated three months ago.
And a month ago, she stopped from her career in modeling. Although, tumatanggap pa rin siya ng ilang projects ngunit napakadalang na rin. Dalawang modeling stint kada apat na buwan. Ganoon naging kadalang ang paglabas-labas niya sa madla. As she made a quiet comeback last year, she also had a quiet exit last month. Mas gusto niya nang pagtuunan ng pansin ang bagong trabaho at si Miggy...
Napahinto ulit siya sa pagpirma. Napangiti siya at napatingala. Oh, her precious little boy... ano kayang ginagawa nito ngayon?
Nag-birthday na last month si Miggy. He just turned one! Of course, she was present. Her parents were ever present. Pati si Glaiza ay isinama niya sa Singapore. Ninang kasi ito ng anak niya. Humabol rin si Emil. Naging masaya ang first birthday ng anak niya kahit sila-sila lang ang naghanda.
"Daddy, ang bilis ng panahon, ano? I can't believe that Miggy just turned one year old last month."
Huminto rin ito sa ginagawa at napangiti. "Yes. At mas lumikot pa siya lalo. Nahihirapan na nga yata ang Mommy mo sa pag-aalaga. But, she can manage, I know. Mas makulit ka nung mas bata ka."
She chuckled. Tumayo siya at lumapit sa tabi ng ama. "Next week, Daddy, pupunta ulit akong Singapore. Wala munang training, ah?" paglalambing niya rito. "I want to be with Miggy. Kahapon, umiiyak siya sa video call. Hindi mapatahan ni Mommy. Hinahanap daw ako," naaawang wika niya nang maalala na hindi tumahan ang anak niya hangang sa nakita lang siya sa video call kahapon.
Kahit wala siya lagi kung nasaan ito, sobrang malapit silang mag-ina sa isa't isa. Kaya nga kahit magpabalik-balik siya sa Singapore, she does not mind basta makasama lang ang anak.
"Kailan mo ba iuuwi ang apo ko rito? Para naman makauwi na rin ang Mommy mo..."
Lavender bit her lip. Halatang nami-miss na rin talaga ng Daddy niya ang Mommy niya. Unlike her, hindi madalas nakakapunta ng Singapore ang ama dahil sa dami ng trabaho nito. Hindi rin naman makauwi ang Mommy niya dahil nga kay Miggy. Kaya alam niyang miss na miss na ng mga ito ang isa't isa.
Minsan lang umuwi ng Pilipinas ang Mommy niya at siya ang nag-stay sa Singapore para alagaan ang anak. That was the time that her Lola Mercelina died because of colon cancer. Umuwi ang Mommy niya para makasama ang ina nito sa huling mga araw nito.
Lalong nakaramdam ng guilt si Lavender. She was not able to say good bye to her grandmother. Haley told her that Lola Mercelina wanted to talk with her but she can't be found. Nakauwi lang siya nang ililimbing na ito at sobra ang iniyak niya noon. Hindi na nito nakita si Miggy. Hindi niya pa rin maiuwi ang anak...
Namatay ang lola niya na hindi kan lang nito nasilayan ang apo sa tuhod. But her mother said na bago daw mamatay si Lola Mercelina ay inamin nitong kaya wala siya dahil inaalagaan niya ang anak niya sa Singapore. The old woman understood. She wanted to see Miguel. But it was too late. That happened months ago. Hanggang ngayon, medyo nagsisisi pa rin si Lavender.
BINABASA MO ANG
Sassy Classy Brat (TOG #3) - Published by PHR
RomanceAng pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this the kind of love still deserving of a happy ending? Written ©️ 2014-2015 (Published 2018 by PHR) Boo...