Cool Off

205 12 0
                                    

"Kim, ikaw na lang matitirang single," giit ng pinsan kong si Shane. The way she said it wasn't really insulting. Kami na lang kasing dalawa ang hindi pa kasal sa aming magpipinsan kaya siya rin ang naging pinakakaclose ko dahil lagi kaming nipe-pressure ng mga Tita namin and other relatives na magpakasal na rin but now she's planning for her own wedding!

I smiled at her. "Iniwan mo ko," biro ko.

She giggled a bit. "You're so workaholic kasi. Magbigay ka naman ng time for lovelife," nakangiti niyang wika.

Both of us are in the receiving area of the bridal boutique. Nakaupo sa coffee table dahil tapos na magsukat habang ang iba kong pinsan ay hindi pa tapos magtingin ng designs.

"I don't wanna rush. I'm happy with my life, I don't need a man dahil lang ako na lang ang single dito," I said with a smile. I'm not really pressured.

Naningkit ang mga mata ni Shane at bahagyang nagforward palapit sa akin. "Umamin ka nga, hindi ka pa nakakamove on sa ex mo no?" paratang niya.

I chuckled trying to brush the thought away. "Ikaw ha, akala ko ba we understand each other pagdating sa 'huwag magmadali' part?" Ako naman ang naningkit ang mga mata sa kanya.

Tumaas ang isang kilay niya bago ngumisi sa akin. Muling umayos sa pagkakaupo. "Oo na, sorry na. Kasi naman, kahit boyfriend wala ka. I want you to be happy too," aniya at sumimsim sa tsaa niya.

I smiled at her genuinely. "I'm fine." I sipped on my tea. "I don't need a man to be happy," giit ko habang may naglalarong alaala sa isipan.

Shane did not replied anymore and I felt more relieved at that. I have work kaya hindi na ako sumama sa kanila na kumain sa labas and I also don't want to hear all their questions na paulit-ulit. Akala ko masasanay na ko but no, nakakarindi na rin.

I went to my office that same day for work dahil one week akong naka-leave para sa wedding ni Shane kaya tinatapos ko na ang lahat ng kaya kong matapos bago ang leave ko. Pinili kong one week dahil gusto ko rin ng pahinga para sa sarili ko after the wedding dahil alam ko na agad na pulit-ulit na naman akong makakarinig sa mga kamag-anak ko ng mga pangungulit about sa pag-aasawa.

And I was right. Nang unti-unting maubos ang mga bisita ay nagpaalam na rin ako agad. Ayokong magtagal at maghintay na kaming magkakapamilya na lang ang matira. Shane knows me well at alam niya kung bakit hindi ako makakapagtagal. She's sad about it pero siya rin ang tumulong sa aking makawala sa iba pa naming pinsan. She even told me na ipapahatid niya na lang sa bahay si Mama so I can go now without worrying about my Mom.

Hindi ako masaya na kailangan pang mangyari ito. I want to be with them. I want to be there because I'm happy for Shane. She's my closest and as much as I want to stay, I can't just stay there and listen to the same questions over and over again. Hindi naman kasi pressure ang kalaban ko. It's my heart and my emotions.

I don't know when it all shifted from "nasaan na ang boyfriend mo?" to "magboyfriend ka na kasi ulit". Nabura na siya sa alaala nila pero hindi ko alam kung kailan siya mabubura sa alaala ko.

Walang pagdadalawang-isip kong nilisan ang lugar para piliing mapag-isa. Ayoko na ring magdahilan o pakinggan sila. I'm single sa mata nila but my heart only belongs to someone I don't know anything about. At paano ko yun ipapaliwanag sa kanila? So I reasoned and reasoned and reasoned na kahit ako napapagod na. I'm happy fulfilling my dreams and providing for my Mom and myself. Pero nakakapagod ipaintindi sa kanila yun lalo't naiisip ko rin na I'm now stable and I'm not getting any younger. I'm not pressured but frustrated, sad and emotional everytime.

My heart felt heavier when I noticed kung saan ako napadpad. I'm in the familiar bridge where my long-time boyfriend Jake asked me for space and three years later, hindi ko pa rin alam kung space ba ang hiningi niya o breakup.

Cool-off (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon