Ang Sarap Umasa

412 12 0
                                    

Oo. Masarap UMASA. Nung bata pa ako. Yung mga panahong naglalaro kami sa labas ng mga kaibigan ko.Umaasa ako na bababaan ako ng eroplano sa tuwing pumapalakpak ako. Sa klasrum, pagkatapos ng klase. Umaasa ako na sana mapalitan ang sagot ko sa pagsusulit. Ginagamit ang laway kahit panis para pambura ng mga linyang maliliit. Umaasa ako na sana'y minsa'y makahawak ng sigarilyong gawa sa stick-o. Ninanamnam ang tamis na dulot nito. Oo. Umaasa ako. Na Sa araw ng graduation, Umaasa ako na balang araw magiging doktor ako. Na magiging abogado ako. Na magiging bumbero ako. Na magiging dakilang Guro ako o kung ano pa yan. Oo. Umaasa ako. Ang sarap lang isipin na masarap umasa habang bata pa.

At total, hmmmmmm.. sinasabi ko naman na ngayon kung gaano kasarap umasa. Kaya panahon na SIGURO para malaman mo 'to. Madaming bagay kung saan umaasa ako. Tulad ng, magiging tayo. Teka, Mali. Hindi na pala bata 'to. Umaasa ako sa kung anong meron tayo. Sa kung anong magiging tayo. Sa TAYO. Umaasa na ako balang araw, mahahagilap na lang tayo sa altar. Magkahawak ang mga kamay, nangangako sa isa't-isa na tila di na maghihiwalay. Saksi ang lupa't langit, dapat wala ng pait, sakit, galit. Oo, umaasa ako, Wala ng PAIT. SAKIT, GALIT. Magsasama sa paraiso, habang magkasama tayo. UMAASA AKO. Umaasa ako na sana'y magkita tayo. Di ko na kailangan ng mikropono, ng palabas sa telebisyon o sa radyo para masabi sa buong mundo itong nasa loob ko. At oo nasa isip kita. Sa tuwina.

Sa UMAGA. Umaasa ako na sana ikaw ang katabi ko. Na sa pagmulat ng mga mata ko. Ngiti mo ang makikita ko.
Nasa isip kita, sa TANGHALI. Umaasa ako na sana kinain mo na yung inihanda Kong sandwich para sayo. Umaasa din ako na sana minsan ako ang mag aabot ng pagkaing niluto ko.
Nasa isip kita, sa HAPON, Umaasa ako na sana'y makauwi ka ng maaga. Di ka sana mapahamak sa mga tao sa kalsada. Umaasa ako na pagbukas mo ng pinto ng bahay. Kamay ko agad ang aalalay sa katawan mong matagal ng nangangalay dahil sa tambak ng trabaho na sa iyo'y binigay.
Nasa isip kita, sa GABI. Umaasa ako na sana'y makita kita. Wag ka sanang mairita. Umaasa ako na sana'y sabay tayong kakain. Isantabi muna ang lahat ng gawain. Ibigay lahat ng panahon sakin.

Oo. Ikaw nga. Ikaw ang tinuturo ko. At hindi ako papalakpak para lapitan mo ako. Di gaya ng eroplano. Umaasa ako. Umaasa ako at naniniwala ako sa isang bulalakaw mula sa langit. Kapag humiling ka daw. Ibibigay ng walang kapalit. Walang sakit.
Umaasa ako sa mga nakakatawang bagay. Kaya bakit hindi ako aasa sa kung anong kaya natin? Sa kung anong meron sa atin? Sa kung anong maaari nating gawin.
Oo. Maaaring isipin mo na nababaliw na ako. At kahit pumalakpak ako, gusto ko lapitan mo ako, ilipad mo ako. Kahit saanmang paraiso. Dalhin mo ako sa kahit saan mo gusto. Kung saan mamumuhay tayo ng wasto.

At ngayon, umaasa pa rin ako na sana mangyari lahat ng 'to. Isinilid ko na sa baul lahat ng kayamanan ko. Sinama ang duguang puso. Humukay ng malalim na butas sa labas. Umaasa pa rin ako. Na matatagpuan mo ito. Na balang araw iaabot mo sakin sabay sabing, "ito ang pusong minsa'y sinaktan ko kaya patawad sa lahat ng ginawa ko sayo" Di ko batid kung ano gagawin mo, ibebenta,itatabi, o ipagsasawalang bahala. Wag naman sana. Umaasa pa rin ako na matatanggap ko ito, UMAASA AKO.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UMAASAWhere stories live. Discover now