Bea POV
Arghhhh! Kaimbyerna! Simula na naman ng pasukan. Asar. Bakit ba ganito? Ang unfair lang.
5 days of school, 2 days of weekend, 10 months of school tapos 2 months for summer?! Sinong nag-divide nito? Aish.
Padabog kong kinuha 'yung towel ko at pumasok ng banyo. Malakas kong sinara 'yung sliding door.
O____O
Oh my God! Muntik ng masira. Muntik ng mabasag. May crack na kasi 'to. Lagi kong nilalakasan 'yung pagsara ko eh.
After 1 hour
Lumabas na ako ng banyo habang nagpupunas ng buhok ko. Tumingin ako sa oras.
O____o
6:00 am? Grabe. Gano'n ba ako katagal maligo? Isang oras? 5:00 ako pumasok sa banyo tapos 6:00 ako lumabas? Wew.
Pumasok ako sa walk-in closet ko at naghalungkat ng damit. Hmm. Ano bang magandang isuot para sa aking first hatest day?
Satan costume? Mga damit na pang-Halloween?
Psh. Kumuha nalang ako ng black na may red na casual dress, tinernuhan ko ng black peep toe boots, at white na sling bag.
Naglugay lang ako ng buhok at nagasuot ng necklace. Which one kaya? 'Yung may heart pendant? Diamond pendant? O 'yung heart locket na-
Whatever. 'Yung silver na may maliit na diamond pendant nalang 'yung sinuot ko.
Nag-hair clip ako para hindi malaglag 'yung mahaba kong bangs na nasa right side ng mukha ko.
Pa-letter V kasi 'yung gupit ko na medyo hanggang waist ko. May pagka-brown 'yung buhok ko at straight. Rebonded kasi ako. Nagpapakulay din ako.
Bumaba na ako at naabutan si Kuya na kumakain. Psh. 'Di man lang ako niyaya.
Napatingin si Kuya sa'kin. "Oh! Bey, nandiyan ka na pala?"
"Ay hindi, Kuya, wala pa ako. Picture ko lang 'to. Psh."
"Walang galang."
"Ewan ko sa'yo." Sagot ko bago kumuha ng isang bacon, itlog at fried rice. Typical breakfast.
Nagsimula na akong kumain nang magsalita si Kuya, "Bey,"
"Ano?"
"Tumawag pala 'yung ex mo nung isang araw, kinakamusta ka."
"I don't care. Pwede ba, Kuya? 'Wag mong babanggitin 'yang Tarsier na ex ko. Nawawalan ako ng gana."
"Tss. 'Di ka pa rin pala nakakapag-move on."
"Tse! Inggit ka lang. Wala ka pa kasing nagiging girlfriend. Tanda-tanda mo na."
"Hoy! Limang taon lang tanda ko sa'yo."
Sinimangutan ko siya. "Still, mas matanda ka pa rin." Sagot ko.
Natapos na akong kumain kaya tumayo na ako. "Tapos ka na?" Tanong niya sa'kin.
"Hindi ba obvious? Kaya nga ako tumayo 'di ba?" Pamimilosopo ko. Inirapan niya lang ako. Tse. Bakla yata 'tong si Kuya. NGSB tapos nang-iirap pa.
Ako nga pala si Savannah Beatriz Yu. Bea 'yung nickname ko. 18 years old. 1st year college na ako sa Kim University. Dapat 3rd year college na ako. Kaso inabot ng Kto12 eh.
May isa akong kapatid, 'yung pinipilosopo ko kanina. Si Sean Dwight Yu. Half Filipino ako, one fourth Chinese at one fourth Spanish. And... dati niyang kaklase 'yung Tarsier kong ex.
BINABASA MO ANG
Living With My Ex And My Crush [Slow Update]
Teen FictionAnong gagawin mo kung kailangan mong tumira sa isang bahay kasama ang dalawang lalaki? Isang ex mo at isang lalaking gusto mo. Makakatulog ka ba ng maayos? Makakagalaw ka ba nang malaya sa bahay na titirahan mo? Pwede ka bang maging baliw sa harap n...