Ashleen's POV
"Anak. Gising na. Tanghali na, ano ba yan? Nakatalukbong ka pa! Ke-init init ng panahon!"
Sigaw ng nanay ko habang inaayos niya ang mga damit ko sa cabinet ko na kagagaling palang sa sampayan.
Hindi ako umimik. Gumalaw lang ako at nagtalukbong ulit. Nakakaantok.
Nang biglang tanggaling ni Mama yung kumot para magising ako.
Ash: Si Mama naman..
Kinurot pa ako sa tagiliran.
Ash: Aray!!!
Mama: BANGON NA! Mag aalas onse na at nandyan ka pa rin? Hala! Sige! Bangon!
Sabay palo sa pwet ko.
Dumilat ako ng bahagya. Maliwanag kasi. Nagtanggal muna ako ng muta siyempre. Habang nagkakamot sa likod ay bumangon na ako at naginat inat. Pero pagkamulat ko ng mga mata ko.. Ayun si Mama, at nagbabasa na ng message ko. Agad agad akong nag ninja moves at hinablot ko ang cellphone ko mula sa mga kamay niya.
Ash: MAMA NAMAN!!! >.<
Mama: Nakuu. Ang lantod mo anak ah!
Napanganga pa ako.
Mama: Paiyak iyak ka pa nun, e..mukhang may...bumabalik?
Ash: Tse! Si Mama e nuh?
Mama: Muling ibalik ang tamis ng pagibig... Muling pag---
Sige. Kanta pa! Etong nanay ko talaga, malakas trip. Kahit saan, kahit kailan!
Ash: E-WAN KO SA-YO MAMA!
Mama: Oh. Toothbrush muna bago hiyaw!
Pangasar!!
-----------------
Pagkatapos kong maghilamos ay dumiretso na agad ako sa kainan. Nakita ko si Papa na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape. Si Mama naman ay naghahain. Naupo nalang ako at kinalikot ulit ang cellphone ko.
Mama: Ashleen..
Ash: Uhm?
Mama: Kinukuha ka ulit na Reyna Esperanza sa Santacruzan.
Sabay lapag niya ng kanin at adobo sa harap ko.
Papa: Huy. Gising ka na pala? Di man lang kita napansin.
Ngumiti lang ako kay Papa.
Mama: Nak? Narinig mo sinabi ko?
Ano nga uli sinabi ni Mama?
Ash: Ano po yun?
Mama: Bitawan mo nga muna yang cellphone mo. Sabi ko, kinukuha kang Reyna Esperanza para sa Santacruzan..
O.O Weh? Parang kailan lang nung bumalik ako ah? Tas kinukuha ulit?
Ash: ahhh.. Alam ko yan!!! Hahhahaha. April Fool's ba yan? Si Mama.. Syadong late ah. Para ba di halata?
Binatukan ako ni Mama.
Mama: Si Mark magiging escort -----
Nanlaki agad mga mata ko.
Ashleen: Hindi nga, Mama?
Papa: Yun ata ang.. April Fool's..
At nagtawanan silang dalawa. Umupo ako na parang naasar sa kanilang dalawa.
Ashleen: Ewan ko sainyo.. Paasa..
Papa: Move On na kasi anak..
Ashleen: Si Papa.. Drama mo!
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?