PAGE'S POV
I have an idea on how to beat that Sean, but it's too risky. Baka hindi tanggapin ang script ko at baka macriticize lang. Baka hindi na rin nila basahin. Or worse, baka matalo ang buong section namin sa competition.
Pero kapag hindi ko sinunod ang first idea ko, mahihirapan na akong mag-isip ng bagong concept. So even though I have weighed the consequences, I still took the risk.
Nagsulat ako ng nagsulat hanggang sa di ko na namalayang may kumakatok na pala sa pintuan ng room ko.
"Hindi ka ba kakain ng breakfast? Kanina ka pa namin.... ano ba yang ginagawa mo? Ang aga aga." tanong ni Kensie sabay pasok sa kwarto ko.
Anong breakfast ang pinagsasasabi niya? Eh gabi pa lang ah. Loka loka to nananaginip na naman.
"Naglalakad ka yatang tulog." sagot ko.
"I am so awake na kaya. Wait, di ka pa naliligo? Maligo ka na babae at baka malate pa tayo!!" pagpupumilit ni Kensie. Bakit ako maliligo eh kakaligo ko lang kanina.
Tiningnan ko yung clock sa baba ng screen ng laptop ko.
"Shooot!! Umaga na pala!!! Bakit di ko man lang namalayan?!!" sigaw ko. Akala ko wala pang midnight, sobrang focused ako sa ginagawa kong script hindi ko na namalayang I've been awake all night!!
"Don't tell me wala ka pang tulog. Mamaya ka na magdahilan girl, maligo ka na at mag-usap na lang tayo sa school." sagot ni Kensie at umalis na palabas ng room ko.
Kaya sinave ko na yung draft at inoff ang laptop. Ayokong mapasma ang mata ko pero wala akong choice kaya naligo na lang ako.
Pagkatapos kong maligo, nilagay ko yung laptop sa bag ko at yung reference book ko sa script. Pagkatapos ay bumaba na ako at inabutan ko sina Bullet at Kensie sa garage na naghihintay sa tabi ng car ni Kensie.
"What took you so long? Hindi ka naman dating ganyan, you haven't even tied your necktie." salubong sa akin ni Bullet sabay pumasok na sa car.
"Hay naku, as always, she burned the midnight oil again. Tinapos yata yung script." sagot ni Kensie. Siya ang magdadrive ngayon.
"Whoa, hanep din ang dedication mo Page. Talagang gusto mong matalo yung Sean na yun. So natapos mo ba?" tanong ni Bullet.
"Hindi eh pero nasa last scene na ako kaninang tawagin ako ni Kensie. Matatapos ko siya on the way to school." sagot ko.
"Yeah right, but first, fix yourself up. Put on your necktie or else di ka papapasukin sa school for incomplete uniform." sagot ni Bullet.
Kaya I tied my necktie na and finished the script. Just in time before we arrived at school. But now I'm starting to feel groggy as I am feeling sleepy na.
Nang matapos kaming magmeeting about sa props and stuff for the play, nagpunta ako sa computer room and asked na iprint nila yung script na ginawa ko. After that, pinasa ko na kay ma'am.
Since super busy ang school sa darating na foundation day, wala masyadong nagkaklase. Kaya pagbalik ko sa room, sobrang ingay ng mga classmates namin.
"I heard you passed your script. Atat mo naman yata." sabi ni Sean na bigla na lang umupo sa desk ko.
"Hindi ako atat. I worked hard to finish it kaya wala kang pakialam kung natapos ko na at ikaw hindi pa." sagot ko.
"You worked 'hard' huh. That's fine, buti na lang hindi ko kailangang magwork 'hard' para lang magsulat ng script. That's so damn easy."
"So easy? Ah kaya pala hanggang ngayon wala ka pang natatapos. Wait, have you even started writing yet? I bet not." I smirked.
BINABASA MO ANG
Doomsday High : Girls vs Boys (Teen Disputes)
Teen FictionAll hell broke lose nang magkrus ang landas ng tatlong Femme Fatale at ng tatlong alpha boys sa iisang school. Ang inaakala nilang "taas kamay with confidence" sa kanilang mala-first day eh naging DOOMSDAY high pala. Ang Suplado at Vain na si Theo V...