[A/N: Cheesy. Walang sense. Walang kwenta. Worst oneshot I've ever written... I think. I warned you, alright? XD]
Pasulyap sulyap.
Hindi ko alam kung paano ako nakatagal sa simpleng pasulyap sulyap sa kanya. Paano kasi, hindi naman kami close. I mean, nag-uusap kami oo. I’ll give you that. Pero paminsan-minsan lang, tsaka hindi ko pa rin masasabing friends kami.
Ang layo niya kasi sa akin.
Hindi literally ah. In fact, isang upuan lang ang pagitan namin.
Kaso parang hindi ko pa rin siya maabot.
Hindi naman sa sikat siya at ordinary lang ako. Sa totoo nga eh, parang baliktad pa.
Hindi ko masasabing sikat talaga ako, pero madaming nakakakilala sa akin. Anla, gulo. Ganito kasi yun, member ako ng drama club at broadcasting team sa school namin. Kaya siguro medyo kilala ako. Tsaka, madami din daw nagkakagusto sa akin.
Cute daw kasi ako.
Alam mo ba kung ilang beses kong hinintay na siya ang magsabi sa akin niyan?
Kahit simpleng compliment lang galing sa kanya, Masaya na ako.
Kaso asa pa ako. Me hindi nga kami close eh.
Kaya hanggang ngayon.. pangarap lang kita.
--x
“Ako na yan.” napatingin ako sa gilid ko at nanlaki ang mata ko nang makita ko siya.
“H-Ha?”
“Yang dala mong libro. Ako na.” sabi niya at kinuha yung mga libro ko sa akin.
Hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo. State of shock ako eh. Kinausap niya ako? Weh? At tinulungan pa!
Kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
Pangarap Lang Kita. [Oneshot]
Short StoryAt kahit mahal kita.... wala akong magagawa.