Phia's POV
"Phia." tawag sakin ni Hyrant kahit magkatabi lang kami sa paglalakad mula sa canteen.
"Bakit?" tanong ko naman.
"Paano mo ba matutulungan si Kerk na makapag move-on kung sakaling tanggapin niya ang inalok mong tulong sa kanya?" tanong niya. Sinabi ko kasi sa kanya kung ano yung napag-usapan namin ni Kerk kanina.
"Sa totoo lang, konti lang ang naiisip kong paraan. At kung sakali man na tanggapin niya yung tulong ko tapos nawalan na ako ng plano dahil hindi sa kanya tumatalab ang mga bagay na yun, hindi ko na alam kung ano na ang susunod kong gagawin." sagot ko.
"Ah. Pero pwede mo ba sa akin sabihin kung anu-ano yung mga plano mo kapag nagkataon na tanggapin niya yang alok mo?"
"Sige. Yung Plan A, gusto ko sanang ib--"
Naputol bigla yung sasabihin ko kasi may bumangga sakin na isang babae mula sa aking likuran. Maputi siya at hindi naman gaano kagandahan.
"Oh, sorry." sabi niya sabay flip ng hair niya.
Kapag magsosorry kailangan na may kasamang hair flip?
"Okay lang." sabi ko na may halong ngiti ng bahagya.
Ang sakit kaya nung pagkakabangga niya sakin sa braso ko. Akala mo kung ang liit-liit ng lakaran dito sa campus.
"Q..QW..QWERTY?! IKAW BA YAN?!" sabi ni Hyrant na halatang gulat na gulat nang makita niya ang babaeng bumangga sakin.
Qwerty ba kamo ang tawag sa babaeng nasa harapan ko ngayon? Bakit naman naging Qwerty? Siguro adik sa keyboard ang magulang neto.
"Hyrant? Long time, no see." sabi niya na may napakalaking pekeng ngiti sa mukha niya.
Take note, pekeng ngiti.
"B..b..bakit ka nand..d..dito?" pautal-utal na tanong ni Hyrant.
"Dito na ako papasok simula ngayon." sagot naman ni Qwerty.
"Teka, magkakilala ba kayo?" tanong ko.
Tinignan ako ni Qwerty from head to toe.
"Girlfriend mo?" tanong niya kay Hyrant.
Hoy! Hindi niyo pa sinasagot yung tanong ko!
"Hindi..
Girlfriend siya ni Kerk." sabi ni Hyrant.
"WHAAAAT?!" sabay naming sigaw ni Qwerty.
Tinignan niya ulit ako pero this time, nakataas na ang isa niyang kilay.
"Hin..Aray!"
May sasabihin sana ako kaso bigla ba naman akong sikuhin ni Hyrant sa braso.
"Eto? Girlfriend ni Kerk? Oh, please. Don't be ridiculous." sabi niya tapos tumawa pa siya ng pangwitch na tawa pero mahina lang.
Aba! Hoy Miss Keyboard! Hindi ko alam kung bakit nasabi ni Hyrant na girlfriend ako ni Kerk at di ko rin alam kung saan napulot yang pangalan mo. Atsaka, huwag ka ngang masyadong maarte diyan! Baka di ako makapigil at ikaw ang magawa kong pampalipas oras! sabi ko sa sarili ko.
"Oo. Girlfriend nga siya ni Kerk." sabi ni Hyrant.
Tinignan ka siya ng masama kaso kindat ang ibinalik niya sakin.
BINABASA MO ANG
He's a DANCER,She's a SINGER
RomanceALL RIGHTS RESERVED.Places,incidents,and the names of each of the characters in this story are products of the author's imagination.Any resemblance to the story is highly coincidental.I apologize if it did so. [author]