The Beginning

13 1 0
                                    

April 5,2013 noon at may nakaschedule akong puntahan. Isang sikat na lugar sa Manila. Bihira lang naman talaga akong sumakay ng jeep dahil may kotse naman ako. Nagkataon lang na pinapaayos ko ito ngayon kaya wala akong choice kundi ang magjeep. Ayaw ko din namang magtaxi dahil baka kontratahin pa ako. Naghihintay na ako nang jeep sa kanto nang aming lugar at hindi rin nagtagal ay may dumating na. Isang simpleng jeep lang, walang malakas na musika at wala ding masyadong palamuti na nakasabit maliban sa isa "God Bless your Journey". Sa kabila nang pagiging simple nito ay makakampante ka naman na ayos pa ang takbo  nito. Mabilis ding napuno ito kaya naman nakaalis din kami agad.

Habang binabagtas namin ang kahabaan ng kalsada ay napansin kong karamihan sa pasahero ay mga estudyanteng may pasok pa marahil. May mga mukhang nagtratrabaho na rin at may mga pamilyang mamamasyal lang. Nakakatuwa ang mga estudyanteng panay ang kwentuhan na kala mo sila ang may ari nang jeep. Nakakatawa dahil puro tungkol sa terror na prof o di kaya tungkol sa crush nila ang pinag-uusapan nila. Marami na rin ang nagsibabaan lalo na nang dumaan na sa may U-belt ang sasakyan. At dahil wala akong magawa ay patuloy na lang ako nagmasid sa mga sumasakay sa jeep. Sa di kalayuan ay may napansin akong lalaki na sumakay. Simple lang siya at parang may bitbit siya na kung anong bagay. Umupo siya sa may tabi ko dahil maluwag doon. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang ako sa bintana. Tahimik naman ang byahe hanggang sa bigla na lang nagsalita ang katabi kong lalaki. "Sino po sa inyo ang gustong makareceive nang blessing?" Masaya siyang nagtatanong sa amin. Dahil sa pagkabigla ay nakatingin lang kaming mga pasahero sa kanya. "Alam nyo po ba na may magandang plano ang naghihintay sa inyo?" Patuloy niyang pagsasalita sabay bukas nung bagay na dala niya. Isa pala iyong aklat. Sa tingin ko ay isang Bible.

Jeremiah 29:11 " For I know the plans I have for you declares the Lord, plans to prosper you not to harm you, plans to give you hope and a future." Pagkasabi nya nang verse na ito ay napatingin ako sa kanya at napangiti. Ang gandang mensahe sa isip-isip ko. Pinaliwanag niya lang kung ano ang ibig sabihin ng mensaheng iyon pero ang nakakatuwa sa nangyaring iyon parang bigla na lang akong nagkaroon ng pag-asa sa buhay ko. Pag-asa at Seguridad.


A Journey with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon