Chapter 9 : " Jersey " - Part 1

2.2K 81 5
                                    


Jamie's (POV)

Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako dalawin ng antok. Ang kaninang maayos kong kobre kama, ngayon ay gulo-gulo na dahil sa kabibiling at kababaligtad ko. Waring ang utak ko ay nagsasabing "mamya ka na matulog magmuni-muni ka muna".

Hyper pa sya.. kahit anong pilit kong pikit at pag convince sa sarili ko na gusto ko ng matulog ay wala pa rin.

o sige panalo ka na. ..

Pagbibigyan kita.. saan mo gusto magsimula

" kay Andy" ang walang kagatol-gatol na sagot ng utak ko..

Waring nakiki-ayon ang puso ko ng maramdaman kong pumintig ito sa kakaibang ritmo.

Si Andy..si Andy... si Andy...

(buntong hininga)

Buhat ng makauwi ako hindi na sya naalis sa isip ko. Sumasalit salit sa akin ang ngyaring pagsagip nya sa akin sa insidenteng yun. Kay mamang pulis na lasing.

Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang pamilyar na kaba at takot ng mga oras na yun..

Parang pelikulang nag flashback ang mga nangyari sa akin kanina.

Flashback

Nagsisisi na ako kung bakit hindi ko sinunod yung payo ni Janna kanina. Kung alam ko lang na wala namang masyadong concern sa akin si Ms. De leon hindi na sana ako umattend pa ng meeting. Eh di sana, kanina pa ako nakauwe sa bahay at wala ngayon dito.

Medyo late na rin natapos yung meeting dahilan para wala na kaming masakyang tricycle palabas ng campus at nagdesisyon na lang na maglakad papunta sa high-way.

Ng makarating na sa kanto ay agad akong tumawid sa kabilang kalsada para duon mag-intay ng Jip pauwi.

May ilang minuto din akong nag-abang bago may dumating na jip. Medyo konti lang ang pasahero kaya agad ko itong ipinara.

Pagsakay ko pa lang napansin ko ng walang ilaw sa loob. Hindi kagaya ng ilang jip na kahit mumunting bombilya meron.

Sa may gawing bungad ako naupo,mas gusto ko kasi na malapit lang ako sa pintuan ng jip para hindi hassle kung baba na. Pagkaupo ko, kumuha na ako ng pamasahe at nagbayad agad. Iniabot naman ito ni manong na katabi ko.

Nung inabot nya yung sukli sa akin napansin kong nakatingin ito at nakangisi ng nakakaloko. Lasing si manong at pilit ako nitong kinukulit kung anong pangalan ko. Pero hindi ko sya pinansin at yun yata ang dahilan kung bakit hindi ako nilubayan. Bahagya pa itong umusod sa tabi ko.

Duon na umusbong yung takot ko. Ramdam ko ng nanginginig na ko dala ng sobrang nerbiyos pero Pilit ko itong pinaglabanan at nakuha pang sabihin kay manong na lasing lang sya.

Hindi pa rin sya tumigil. Nung mga oras na yun hindi ko na pansin ang paligid ko dahil sa sobrang kaba. Hindi nako' makapag-isip ng tama, na lalo pang nadagdagan nung medyo tumataas na yung boses nya kasabay ng pagpapakilalang pulis daw sya.

Mangiyak-ngiyak na ako nun ng may marinig kong may pumara ng malakas kasabay ng pagbayo sa kisame ng Jip, yung taong katapat ko pala. Nag-angat ako ng ulo at nakitang si Andy pala yun. Hinawakan nya yung kamay ko at dali-daling hinila pababa ng Jip. Medyo na-shock din ako sa bilis ng pangyayari. The last thing I know nakasakay na kami sa tricycle.

Bumalik lang yung kamalayan ko ng maramdaman kong hinawakan ni Andy ang mukha ko at iniangat. Tinatanong nya kung okay lang ako. Sa kabila ng humuhupang takot nakita ko sa mga mata nya ang sobrang pag-aalala. Sukat dun kumawala ang kanina ko pa tinitimping pag-iyak. Tumulo ang luha ko at hindi ko na napigilan ang paghagulgol niyakap nya ko ng mahigpit at hinayaang umiyak ng umiyak.

For Keeps (GxG) : (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon