Ito ang Simula. Ito ang Wakas.

8 0 0
                                    

"Sige pare, magkwento ka! Ngayon lang tayo nagkaharap sa inuman ng ganito. Matagal na tayong magka trabaho pero ngayon lang kita makaka kwentuhan." Wika ng isang lalake na mejo payat, new wave ang style ng buhok at nakasalamin, sabay inom sa hawak nitong bote ng beer.

Pumulot ng mani sa platito ang isa pang lalake sabay sabing "oo nga dude, nagulat pa ako kung bakit ka nagyaya ng inuman kanina, kasi hindi ka naman sumasama samen pag my gimik. Ni manood ng sine kasama kami ayaw mo nun tapos ngayon magkaharap tayo sa inuman. Haha. Weird. " pagkatapos eh inayos ang gusot sa kanyang polo shirt. Short hair ang lalaking ito at mejo spiky ang hairdo.

"hindi ka pa man nagsisimula magkwento pare, alam ko na na may problema ka. At alam ko din na ang problema mo eh tungkol sa babae at malaki ang tiwala ko sa hula ko na naghiwalay kayo ng syota mo kaya ka nagyaya ng inuman ngayon." Dagdag pa ng isa pang lalakeng mejo chinito(mahaba ang chin).

"Oo naghiwalay kami pero bago tayo mapunta sa part na yun, ok lang ba kung ikwento ko mula sa simula?" sagot ng lalakeng kanina pa hindi nababawasan ang beer. Mejo payat siya at mejo maputi, hindi pangit pero hindi din naman kagwapuhan. Hindi masyadong matangkad at hindi din naman masyadong maliit. Hindi matalino pero di din masasabing bobo. Hindi... ok tama na. average na lang, isa syang average na lalake. Kung may rating kumbaga eh nasa 7 sya, out of 10, or pwede ring 8, pero hindi pwedeng maging 9, kasi nga diba, average type of guy siya. pero ang pangalan nya, kung bibigyan nating ng score eh sabihin na nating 5 para fair. Siya si George. Oo, george, as in george of the jungle, parang George Bush, parang George estregan, kung sino man yun. At sa gabing ito ay nais nyang ilabas ang sakit ng damdamin at puso nya sa mga nangyari sa kanya. Nagbreak sila ng syota, ay, wag syota, msyadong pang kanto, Gf na lang, para mas class konti. Siya si George at nagbreak sila ng Gf nya.....

"ok sige, ikwekwento ko muna kung pano kami nagkakilala. Ganito yun, 4th year college ako non, late kami nadismiss sa klase dahil sa nagtrip mag pa short quiz yung instructor namen non, 1 to 400 lang naman ang short quiz. Adik siguro ung instructor naming un, basta un, tapos nun eh pina uwi na kami. Mejo madilim na nung umuwi ako, naghintay ako dun sa waiting shed nun sa may kanto, tapos may dumating na babae, studyante din, pero ibang course, naghintay din sya dun sa shed. yun sya, si Zenny. Tandang tanda ko pa kung gano sya kaganda nun. "

"so dun kayo nagkakilala sa waiteng shed? Kinausap mo sya tapos kinuha mo number nya?" singit nung kasama nyang chinito, si bogart.

"hindi, hindi, mahiyain ako nun. Wala akong guts kausapin sya. Ganito un, matagal kami naghintay ng jeep, parang pinaglaruan ba kami ng tadhana kasi walang dumaan na jeep , sabi ko sa isip ko nun, 'tenkyu lord kasi pinapatagal mo ang pagsasama namin dito, lord sana wala nang dumating na jeep forever para forever ko na rin sya makasama dito, lord please.' Yun ang iniisip ko nun, hehe, tapos ayun may dumating na holdaper at hinoldap kami...."

"Wow. Hanep! At dun mo na sya nakilala? Siguro pinagtanggol mo sya sa holdaper kaya nagkakilala kayo at kinalaunan ay nainlab sya sayo at naging kayo, ganun ba nangyari pare? Asteg!" pasigaw na sabi ni Roger, yung kasama nyang Spiky ang style ng buhok at nakasuot ng pink na polo shirt.

"Hindi din eh, pareho kaming naholdap, nakuha lahat samen. Kaya kami nagkakilala kasi sabay kaming pumunta sa istasyon ng pulis, nagpa blotter kami. Ayun, tapos umiiyak sya nun kasi natatakot sya at kasi madami natangay sa kanya. Lumapit sya sa akin at tinanong kung pwede daw ba makitawag sa Cellphone ko, binigay ko naman ang cp ko sa kanya..."

"Teka teka, di ba naholdap kayo? Sabi mo natangay lahat sa inyo, eh panong nakitawag sya sa selpon mo?" gulat na tanong ni Russel, ung new wave ang buhok.

"hindi kinuha nung holdaper yung selpon ko kasi daw old model, gago nga yung holdaper na yun, eh, tinanggihan ba ang 5110i ko na cp?' mantakin mo pare 5110i, may "i" pare, ibig sabihin nun hindi sya basta basta na 5110. balik tayo sa kwento ko, so ayun, nakatawag sya tapos after nun eh nagkilala na kami, and the rest as they say, is history. Hays....."

"eh asan na sya ngayon?" tanong ni bogart sabay inom ng beer at subo ng pulutan nilang mani.

Nagulat si George sa tanong, mejo nagflashback ang ala-ala ng ex nya "ayun, kinasal na sya, iba na nga apelyido nya ngayon eh."

"wow. Asteg. Kelan siya kinasal?" singit ni roger.

"kahapon."

"hanep! Kelan kayo nagbreak?"

"nung isang araw...."

"what the?! Di nga?"

maluha luhang tumango si george, sabay inom ng beer nya, bottoms up, na sinuka din pagkatapos, sa suka nya kita pati ung noodles na kinain nya ng agahan.

"Demmet pare, yan lang masasabi ko. Demmet." Umiiling na sabi ni russel. "kung ako yan pare, naglaslas na ako ng pazigzag. At di lang un, magbibigti ako na gamit ay sinulid, o di kaya eh tatalon mula sa first floor ng isang building..."

"ha? Pano ka mamatay kung tatalon ka mula sa first floor? Ang baba naman dapat sa mas mataas para mas sure na mamamatay ka.' Nagtatakang tanong ni roger.

"may Fear of heights nga ako! Tanga!"

maluha luha pa rin si george habang inaalala ang nawalang pagibig, nalalasahan pa rin nya ang suka sa kanyang bunganga. "Kung pwede lang sana isuka ang mga alaala, matagal ko nang sinuka lahat ng alaala nya para hindi ko na sya maisip." Pa emo nyang sambit sa kanyang isipan. Mahina sya uminom kaya mejo nahilo na din sya. Nakakaisang bote pa lang sya ng san mig lights pero pakiramdam nya eh nagsi-seesaw na ang earth. Ang mga kasama nya eh naka 9 nang bote at malakas na ang mga kwentuhan nila, "ganito pala pag lasing ka, parang umiikot ang earth. Tapos ung salita mo eh di mo na macontrol, magkaharap na nga kayo ng kakwentuhan mo pero nagsisigawan pa rin kayo, tapos yung mga joke kahit di naman nakakatawa eh tinatawanan, maski ano tinatawanan kahit ung butiki na kumain lang naman ng insekto kaya naming pagtawanan. Masaya din pala ang malasing, ang gaan ng feeling, kaya siguro ung iba eh hindi na makapag lakad kasi masyado nang magaan ang pakiramdam nila, siguro akala nila nasa dagat sila kaya ung iba lumalangoy sa kalsada. Yung iba akala nila sila ay bida sa karate kid, naghahamon ng away. Ganito pala malasing, ayos pala, kasi nakakalimot ako, nakakalimutan ko ang mga problema ko. Nakakalimutan kong naghiwalay na kami ni zenny, nakalimu.....teka, naaalala ko na naman. Naghiwalay na pala kami ni zenny, huhuhu, wala na kami. Huhuhu. Iniwan na pala nya ako. Huhuhuhu. Bakit ganito ang buhay puro na lang proble..huuhuhu." pero sa isip lang nya sinabi to.

Nagtataka naman ang tatlong kasama nya kasi umiiyak na si George, umiiyak habang ngumunguya ng mani. Naisip nila na baka lasing na si Goerge kaya umuwi na sila. Nakalimutan nilang magbayad.

Naghintay sila ng jeep sa isang waiting shed. Apat lang sila dun. Pero biglang nagsalita si George. "mauna na kayo mga pare, ayaw kong nakikita nyo akong ganito, dyahe pare. Mauna na kayo, ako na bahala, sasakay lang naman ako ng jeep tapos papara tapos bababa, tapos"

"magbabayad ka muna pare bago bababa.." wika ni bogart.

"ay oo, yun na yun, basta mauna na kayo!" nagpumilit si George na parang lasing na lasing na pero isang bote lang naman ang nainom.

"o sige sige, mauna na kmi, mag ingat ka ha pare! Sa uulitin. At teka, isa pa pala, relax ka lang pare, wag mo na syang isipin, makakahanap ka rin ng iba, madami pa jan. relax." Payo ni roger.

At nauna nang umuwi yung ibang kasama nya. Naiwang mag-isa si George sa waiting shed na naghihintay ng jeep. Pagkalipas ng ilang minuto, may dumating na babae, mejo magka height lang sila ni george pero hindi nya matancha kasi umupo ung babae sa may sulok. Naka pony-tail. Naka tshirt, jeans at naka chuck taylor na sapataos, nakikinig ito sa ipod. Kahit naka earphones na, sa sobrang lakas ng volume eh naririning na rin ni goeorge ang pinakikinggan nya – crushcrushcrush by paramore. Pagkalipas ng ilang sandali may dumating na lalake, naka bonet, malaki ang katawan at ung ulo nya maliit, hindi proportion sa katawan nya. Umupo ung lalake sa gitna nila ng babae, ilang saglit pa eh tumayo ulit ang lalake,, may hinugot na patalim sa bewang sabay sabing, "Holdup po to, akin na po ang mga gamit at pera niyo. Pakiusap lang po para hindi na kayo masaktan. "wow magalang na holdaper to ah?" sabi nya sa isip nya tapos biglang may nagflashback kay george, napapikit sya.....

"Not again!"

WAKAS.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon