#1
Alas-onse ng gabi, ika'y naglalakad pauwi. Nang makarating ka sa may tulay, nakasalubong mo ang bestfriend mo. Binati mo siya ngunit tumingin lang siya sayo. Binalewala mo lang at naglakad na kayo sa magkabilang direksyon. Pagkalagpas mo sa tulay, nilingon mo siya at nagulat ka dahil wala na siya doon.Ilang minuto ang lumipas, nakatanggap ka ng tawag mula sa nanay niya, "I'm sorry pero patay na ang anak ko, nagsuicide siya."
#2
Patulog ka na sana ngunit nakarinig ka ng katok. Binuksan mo ang ilaw upang silipin kung may tao ba sa labas ng iyong bahay, ngunit wala naman kaya bumalik ka sa iyong higaan. Pagkalipas ng ilang minuto, may narinig ka nanamang kumakatok. Wala namang tao sa labas. May kumatok nanaman at tila galing ito sa iyong silid.Napalapit ka sa may salamin at ang masaklap, sa salamin mismo nanggagaling ang tunog na iyon at bigla kang hinatak papasok sa salamin. Papasok sa mundo ng mga ligaw.
#3
Nagising ka sa isang hindi pamilyar na lugar. Tumayo ka at nagsimula ka nang maglakad pauwi sa inyong bahay. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pinapansin ng mga nakakasalubong mo. Pagkauwi mo, tinawag mo ang iyong ina. Nagulat ka dahil iyak siya ng iyak habang hawak niya ang picture frame na may litrato mo. Mas ikinagulat mo pa nang paulit-ulit niyang sinabi na iniwan mo daw siya.#4
Ika'y nagselfie muna bago ka matulog. Tinignan mo ang gallery upang makita mo ang mga selfie mo. Nainis ka dahil hindi perfect ang shot, kasi may itim na bagay sa likod mo. Ilang ulit ka pang nagselfie at nang makita mo ang mga litrato, nagtaka ka dahil palapit ng palapit ang itim na parang shadow sa likuran mo. Lumingon ka sa likod upang tignan kung ano iyon, ngunit wala naman. Kahit natatakot ka, nagselfie ka pa din upang malaman kung ano iyon. Tila isang inch nalang ang layo nun mula sayo. Pero nung nakita mo yung pinakahuling litrato, nakahinga ka ng maluwag dahil wala na yung itim sa likuran mo. Pinatay mo na ang cellphone mo at nagulat ka dahil nasa harapan mo na pala SIYA.#5
Isang espesyal na araw, tila umaayon din sa iyo ang panahon dahil maaraw. Naghahanda ka na para sa iyong kasal. Sa wakas, matutupad na ang pangarap mo na garden wedding. Sumakay ka sa karwahe at inalala mo kung paano kayo nagkakilala ng papakasalan mo. Nagtataka ka kung bakit ni minsan hindi ka niya pinapunta sa kanyang bahay upang ipakilala sa pamilya niya. Nung malapit ka na sa altar ika'y pumikit muna upang magdasal nang biglang umulan. Ang sabi nila, kapag daw may araw tapos umuulan, may ikinakasal daw na tikbalang. Bigla kang natawa dahil sa naisip mo. Ngunit nang buksan mo ang iyong mga mata, ang papakasalan mo pala ay isang tikbalang.