Stuck in the Past (one shot)

9 3 0
                                    


Ito na ang panahong matagal ko ng hinihintay. Makakapiling ko na muli ang aking mag-ina. Ayan ang nasa isip ko habang nakatingin sa matagal ko ng pinaghirapang time machine. Oo Time machine. Isang planong matagal ng pinagisipan ni Leonardo Da vinci na ngayong nabuo ko na. Pero hindi ko pa alam kung gagana nga talaga to. Ngunit ang hiling ko lang ang makabalik sa July 8 2008. Isang araw na nagpabago ng husto sa aking buhay. Isang mapait at masaklap na karanasan.

"Dad! I'm going to be late. Stop messing around" may pagkainis sa boses habang sinabi ni Mica, ang aking babaeng anak.

"Don't talk to me like that!.... Just a sec honey."

"Whatever"

"Hey honey respect your dad. Btw today is your exam right? Did you read your notes last night or you just read novels?" Tugon ng aking asawang si Charlotte

"Whatevs Mom I'm still gonna be late and my exam is a piece of cake so no need"

"Kay honey I trust you."

"Put your safety belts on and let's go to school." Pasigaw kong sinabi habang nag-uusap ang aking mga minamahal.

Isang masayang araw na kung saa'y papunta kami sa eskwelahan ng aking labing tatlong gulang na anak na babae at siya'y nasa ika pitong grado. Malayo pa ang school niya sa bahay kaya lagi ko siyang hinahatid. Ngunit kasama naman ang hun ko na teacher sa school nila. Si Mrs. Lopez. Nagkwentuhan at nagtawanan kami habang ako'y nagmamaneho. Noong araw na yun ay masaya kami dahil napromote ako sa trabaho at napagplanuhang kakain kami sa isang restaurant mamayang gabi. Ipagdiriwang din namin ang pagkapanalo ng aking anak sa isang quiz bee competition. Ilang oras na lamang sana'y magiging masaya ang lahat.

Makalilapas ang ilang sandal ng pagmamaneho ay naging tahimik kaya naman upang basagin ang nakabibinging katahimikan ay nagsalita ako.

Knock! Knock !

Who's There! – masayang sabi ng aking anak.

Straw Hat

Straw Who ....

I'm Straw Hat (hot damn)
Called a police and a fireman
I'm Straw Hat(hot damn)
Make a dragon wanna retire man
I'm Straw Hat(hot damn)
Say my name you know who I am
I'm Straw Hat(hot damn)
Am I bad 'bout that money
Break it down


Girls hit your hallelujah, aking kinanta habang tinuro ang aking anak.

Whooo, masayang sigaw ni Mica.

'Cause Uptown Funk gon' give it to you
Saturday night and we in the spot
Don't believe me just watch (come on)

Nagkantahan kami sa kotse at di naming alintana ang mga tao sa paligid.

Madali ko lang silang pasayahin kahit korny ang knock knock jokes ko dahil binayayaan ako ng magandang boses kaya doon ko na lang lahat idinadaan.

Sa kabila ng tuwa na aming naramdaman ng mga panahong iyon ay bigla itong mapapalitan ng takot at lungkot...

Sa di inaasahang pagkakataon ay may tatlong armadong lalaki ang nagtangkang kami'y babarilin kung hindi namin ibibigay ang kotse at ang mga mahahalagang gamit namin. Matinding takot ang naramdaman ng aking anak na babae na nasa likod ng sasakyan kaya naman hinawakan ng aking asawa na nasa tabi ko ang kaniyang kamay. Nakatutok sa ulo ng aking anak ang baril at doon ko naramadaman ang matinding kaba at takot.

Ayokong mamatay ngayong araw ayan ang nasaisip ko. "sige! Aalis na kami sa kotse at ito na ang susi."sabi ko habang nagtangkang umalis at inabot ang susi. Tahimik namang bumaba ang aking mag-ina habang nakatutok ang mga baril sa kanila pero kitang kita ko ang luha na pumapatak galing sa kanilang mga mata. Masakit makita ang mahahalagang tao sa buhay mo na umiiyak at nakakaranas ng bingit ng kamatayan. Binigay na namin ang lahat ng bagay na maari nilang ibenta ngunit pumiglas ang aking asawa ng tangkaing kunin ang singsing. Doon nagkaroon ng matinding pagsasagutan at bigla nalamang nagkaroon ng malakas na pagputok ng baril. At doo'y nakita kong binaril ang aking mag-ina sa mismong harapan ko. Wala na akong magawa at hindi ako nakaiyak, nawalan ako ng malay dahil ako rin ay nabaril sa aking tagiliran.

At ayun ang masaklap na pangyayari sa aking buhay. Harap harapang pinatay ang aking mag-ina ng wala akong nagawang aksiyon. Nakatanga lang ako. Buong buhay kong sinisi ang aking sarili dahil sa kanilang malupit na pagkamatay.

Ako lamang ang nakaligtas kaya naman ginugol ko ang bawat araw sa pagbuo ng time machine na ito ngunit hindi ko pinabayaan ang aking sarili. Palagi pa rin akong naggym upang harapin ang mga tarantadong pumatay sa aking mahal sa buhay.

Gusto ko na silang makapiling muli. Ayoko ng mag-isa.

Huminga ako ng malalim at inoperte ang machine. July 8 2008. Isang malaking ingay ang ginawa nito at ito'y nakakabingi kahit nakasuot na ako ng pangprotekta. Masisilayan din ang isang nakasisilaw na liwanag na nagmula sa machine. Mas matindi pa sa kahit anong rides ang naramadaman ko sa loob at tila naubusan ako ng tubig sa katawan nakaramdam ako ng matinding uhaw.

Isang malaking ngiti ang aking inilabas ng napagtanto kong nakabalik na ako sa nakaraan. Agad akong tumungo sa labas at nakita ang aking mag-ina.

"Dad Im going to.be late stop messing around" may pagkainis sa boses habang sinabi ni Mica, ang aking babaeng anak.

"Don't talk to me like that wait a sec honey." Sambit ko habang ako'y napaluha dahil muli kong nakapiling ang mga taong minahal ko ng lubusan.

"It's a bit too late but I just want us to stay at home and bond. You'll skip school and I ditch my work today. Is it okay?" Pakikiusap kong sinabi sa aking pamilya.

Hun... It's just too much but this is the last time you'll request something like this." Tugon ng aking asawa ng may panghihinayang sa mukha.

"Yeah okay. Thanks!" tugon ko ng may tuwa.

"fine dad! I'm tired of school anyway." Sagot ng aking anak.

Naging masaya kami ng araw na iyon at nagbonding buong araw sa loob ng aming tahanan. Ngunit hindi namin natakasan ang mapait na kapalaran. Kami ay inatake pa rin ng mga magnanakaw at tinangkang patayin ang aking asawa. Ngunit mayroong pagbabago. Hindi kami napatay dahil ako na ay lumaban sa kanila. Hindi ako naging tanga at tumanganga na lamang habang nakikitang pinapatay sa harap ko ang aking mga mahal sa buhay.Naging matagumpay ang aking paglaban at hindi nasaktan ang aking pamilya ngunit nandoon pa rin ang traumang naidulot nito sa kanila.

Hindi sila namatay ng araw na iyon pero parang isang malalim na sugat ang natamo nila dahil doon. Nagkaroon ng pagbabago sa katangiang pinapamalas ng aking anak. Ang dating masayahin at masipag, naging malungkot at naging pabaya sa pag-aaral at kitang kita sa kaniya ang kawalan ng interes na pumasok sa paaralan.

Ang asawa ko naman ay naging ilag sa mga lalaki at pati ako nadamay na sa ganoong kalagayan. Halos wala ng komunikasyon sa aming pamilya. At hindi ko na ito maituturing na isa. Dahil doon ako rin ay naging balisa palagi at naiistress sa ganoong kalagayan. Nagdulot ang lahat ng iyon ng pagbagsak ng antas namin ng pamumuhay. Natanggal ako sa trabaho at ganoon din ang aking asawa.

Sa lahat ng iyon ay tanging ang naging solusyon ko lang ay ang sumuko at bumalik sa nakaraan ang July 8, 2008

Isang araw sa isang sikat na sementeryo dinalaw ng isang byuda at naiwang anak na babae ang kanilang minamahal sa buhay. Sila ay tanyag sa buong bayan dahil sa kanilang kayamanan at buhay bago makamit ito. Nafeature na sila sa iba't ibang palabas sa telebisyon at kung paano nila nalagpasan ang mga pagsubok sa buhay ng mamatay ang kaniyang asawa at tatay ng isang anak na sagipin ang kanilang buhay sa kamay ng mga masasaman tao.

"Live without me. I love both of you!"

"diba ayan ang huli mong salita sa amin sinunod na namin dad. Kaya kung nasaan ka man ngayon ay masaya ka na. I love you dad. Ito na si Mica Magna Cum Laude na dahil saiyo" napaluhang sabi ng isang dalaga.

"Hun! I love you. Hinding hindi ka mawawala sa puso ko!" sabi ng byuda.

"July 8, 2008" sinet ng isang babae ang kakaibang makina at pumasok sa loob nito nang may matinding kabang nararamdaman.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stuck in the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon