Kung ano ang hiling mo ay may kapalit. Yun marahil ang kapalit nung hiniling ko pero yun naman talaga ang hiniling ko at ang kapalit nun ay yun din. Mahirap siguro akong intindihin ng iba pero ganun talaga ako humiling.
Unti unti ko nang nararamdaman ang panghihina ng katawan ko. Hindi ko na nga binubuhat si Yumi at hindi na rin ako masyadong nakikipaglaro kay Coder williams kasi inuubo na rin kasi ako.
Napansin ito ng mga iba naming kasama sa bahay pero sinabihan ko na lang na huwag nang sabihin kay Coder at kay ken.
Bago ako pumunta sa work ay pumunta ako sa hospital namin at nagpa check up. Dun ko nalaman na may acute leukemia na pala ako at malala na daw. Mabilis daw kumalat ang sakit na yun. Sinabi na rin sa akin na wala na syang magagawa sa sakit ko. Sinabihan ko na lang sya na huwag sasabihin sa asawa ko ang tungkol dito.
Nalungkot yung doktor dahil sa nangyayari sa akin. Lahat ng doktor dun ay close sa pamilya namin kaya ganun na lang ang lungkot na nararamdaman nya.
Umalis ako sa hospital na hindi man lang umiiyak. Siguro ay tanggap ko na ang mangyayari sa akin kaya ang kailangan ko na lang gawin ay sulitin ang mga oras at panahon ko na kasama silang lahat.
Dumiretso na ako sa japanese restaurant para mag work pero habang tumatagal ay nahihilo na ako at dumudugo na naman ang ilong ko. Pero agad ko itong pinunasan ng panyo at patuloy pa rin sa pagtratrabaho ko.
Nung ihahatid ko na yung order ng customer ay nahilo ako at nilapag sa lamesa ng iba naming customer ang dala ko dahil iniisip ko masasayang yung pagkain at sinubukan kong bumalik sa cashier dahil hihingi ako ng tulong dahil hindi ko na kaya pero bago pa ako makarating dun at natumba ako sa harapan ng isa kong co worker na lalake na kasalubong ko nun.
Nag alala sila nun at hindi ko na alam kung ano ang mga nangyari dahil nahimatay na ako. Ang alam ko lang ay nagkagulo sila at nataranta ng mahimatay ako.
...........
Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa hospital namin. Ang sabi ng nurse ay pumunta daw ang si doktor cruz sa work ko dahil tinanong nya ako kung saan ako nag work bago ako umalis ng office nya. Sya ang nagdala dito sa akin at sinabi rin ng nurse na pupunta na ang asawa ko at yung iba pang kasama nya.
Nag alala ako nun dahil malalaman na nila. Bakit hindi pa tumagal ng ilang araw. Pinipigilan kong umiyak nun kahit hindi ko na kaya pero kailangan ko silang haraping lahat.
Nakarating din sila pero tahimik lang silang lahat. Sinabi na lang ni aling tess na nasabi na ng doktor ang nangyari sa akin. Nagsimula na silang umiyak sa harap ko at hindi kinaya ni Coder at lumabas sya.
Hindi nila matatanggap na mawala ako pero nandito na kaya wala na akong magagawa pa kundi tanggapin na lang na mamamatay na ako anumang oras o araw. \
Wala namang nakakaalam kung kailan pero paghahandaan ko yun.
BINABASA MO ANG
I WANT TO DIE!!!
Teen FictionA love story that will teach us how love is strong even death comes to you.