CHAPTER 25: MY DYING WISH FOR KEN

3 1 0
                                    

Naging mahirap man ang sitwasyon pero habang tumatagal ako ay unti unti ko nang nararamdaman ang panghihina ng katawan ko. Kahit na ganun ang sitwasyon ko ay pinapasaya pa rin nila ako pero si Coder, tahimik lang sya na kasama namin at hindi makatingin sa akin. Ilang araw rin syang hindi dumalaw sa akin at sinabi sa akin na binabantayan ang mga anak namin sabi ni aling tess.

Naiintihan ko ang nararamdaman nya kaya ok lang yun sa akin. Kagagaling lang nya tapos ganito pa yung nangyari sa akin. Alam kong mabilis ang mga pangyayari pero nandito na ito.

KInausap ko si ken nung umuwi si aling tess para kumuha ng mga gamit nya para bukas.

''May pakiusap ako sayo ken''

''Ano yun''

"Bago man lang ako mawala sana kausapin mo na si Samara''

''ANU BANG SINASABI MO! HINDI KA MAWAWALA !! BAKA MAY HIMALA DING MANGYARI SAYO KATULAD SA KANYA?"

''Hindi ko alam kung mangyayari yun dahil humiling ako sa kanya na pagalingin nya ang asawa ko pero alam mo ba ang hiniling ko?''

''Isang napakahirap na hiling para sa iba''

''Kilala mo talaga ako ken''

''Tuparin mo sana ang hiling kong ito sayo, Please?''

''Oo na basta't gawin mo ang lahat para gumaling ka, ok ba yun?''

''Oo na'' sabay tawa ko

Sa wakas ay kakausapin na nya si Samara. Magiging masaya ako kapag nagkausap na silang dalawa. Aalis daw sya pagkatapos dumating nila aling tess. HIndi ko na sya tinanong kung saan sya pupunta dahil alam kong pupuntahan nya si Samara.

Nang makarating  na sila aling tess pati na ring driver naming isa ay saka sya umalis pero hindi nila kasama si Coder. Babantayan na lang daw nya yung dalawang bata sa bahay.

Hindi ko sya masisi dahil masakit sa loob mong mawawala ang taong mahal mo....

...........

Sinunod ko si Conan at pinuntahan ko ang bahay nila pero ang kumausap sa akin ay ang katulong nila.Ang sabi ay lumabas daw ng bahay si Samara. Hindi daw nya alam kung anong oras uuwi sya. wala man daw kasi itong work ngayon dahil day off nya nung araw na yun.

Hinid ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap sya. Saan kaya sya nagpunta ngayon? Siguro ay babalik na lang muna ako sa hospital para bantayan si Conan.

............

''Bakit ba nangyari sayo yan Conan?'' malungkot na sabi ni Samara.

''Wag kang iiyak dyan? Alam mo namang iyakin ako''

"Ikaw kasi eh''

''Paano nalaman ang tungkol sa kondisyon ko?''

''Pinakiusapan ako ng asawa mo na puntahan ka dito?''

''Ah? Ganun ba?''

''Mukhang hindi pa rinnya tanggap ang mangyari sayo?''

''Oo''

''Hindi mo ba nakita si Ken?''

"Nandito na sya? Kailang pa?''

''Nung nakaraang araw pa''

''Ganun ba? Kamusta naman sya?''

''Ok lang naman sya. Mas gwapo sya ngayon'' sabay tawa ko

Tapos ay may pumasok sa room ko at si Ken ito.

''Ken?''

"Samara?''

"Sige? Aalis na ako . Bukas na lang ako pupunta ito''

Tapos ay lumabas na sya ng room ko at saka naman sumunod si Ken.

..........

''Sandali lang Samara'' sabay hila sa kamay nya at napahinto sya.

''Mag usap naman tayo please''

''Wag ngayon Ken. Hindi ako handang kausapin ka ngayon''

Tapos ay humarap sya sa akin.

''Hindi mo alam yung sakit na naramdaman ko nung ipamukha mo sa akin na hindi mo ako kayang mahalin dahil sya ang mahal mo at alam kong hanggang ngayon ay mahal mo pa sya di ba!!"

''Hindi mo rin alam na araw araw kong pinagdudusahan ang nagawa ko sayo Samara. Sa loob ng 5  taon ay labis ko iyong pinagsisihan ang ginawa ko'

Nagsimula na syang umiyak sa harap ko.

''Gusto ko mang makapag usap tayo ng maayos ay kailangan ako ni Conan ngayon at hindi ko sya pwedeng iwan. Saka na natin ito pag usapan kapag gumaling sya''

''Kaibigan natin sya kaya kakalimutan ko muna ito at isasang tabi muna. Tulad mo, Kailangan din ako ng Conan.''

''Salamat at  naiitindihan mo ako Samara.''

''Sige. Aalis na ako''

Umalis sya na umiiyak sa harap ko. 

Bakit ba kasi ako ang minahal mo Samara? Hindi ako karapat dapat sayo dahil sinaktan kita at hindi mo na dapat akong tanggapin kahit mahal na kita. Oo, Naisip kong mahal talaga kita nung nasa japan na ako pero itatago ko muna ang nararamdaman ko dahil kailangan ako ni Conan.

.Hindi na akong umaasang mahal mo pa rin ako gaya ng dati?



I WANT TO DIE!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon